"Steemit Philippines Photography Contest Week#5 - Filipino Food Photography: ( Malagkit Ubi Turon with Cheese)"

in hive-169461 •  3 years ago 

IMG_20211006_174352~2.jpg

Mabuhay!! Steemit Philippines...Isang Magandang umaga sa lahat. Narito na naman po ako, pangalawang entry ko na po ito. Tagalang hindi ko mapigilan ang mag post. Pagkain kasi, ang daming pumupasok sa isip ko.

Ang Pinoy kasi kapag pagkain na ang pinag usapan hindi magpapahuli. Mapa ulam man ito panghimagas o meryenda naku! present tayo palagi dyan.

Ang entry ko po ngayon ay Malagkit Ubi Turon with Cheese.
Kapag sinabing toron, maraming pwedeng gawin pwedeng saging, kamote at iba pa ang sa akin po ay malagkit na nilagyan ko nang cheese. at ubi condense.
Paborito ito ng aking mga anak. Lalo na sa kulay nitong ube na nakakapag attract lalo nito.
Iba iba din ang paraan sa pag luto ang pinaka sekreto ko dito ay ang gata na syang nakakapag pa creamy nito dinagdagan ko pa ng cheese para sumarap lalo na sa mga bata. Dito makikita ang pagka malikhain ng Pinoy pagdating sa pagkain. Ginagawang mas masarap mas attractive at mas katakam takam ang mga pagkain.

IMG_20211006_162853.jpg
Pangunahing ingredients ko dito ay ang gata, cheese, ubi condense,malagkit at ang lumpia wrapper.

Ibinibinta ko ang Maglagkit Ube Turon dito sa amin nang 8 pesos kada isa paboritong pang meryenda ng mga bata dito sa kapit bahay namin hinahanap hanap nila ito palagi. Minsan inilalako ito ng aking anak sa mga bahay bahay at nag post rin ako sa social media kung may gustong mag order. Masaya ako kahit hindi kalakihan ang kita kasi nakaka kain din ang mga anak ko at gusto ko rin naman ang ginagawa ko hilig ko kasi ang magluto.

Medyo matagal syang ibalot kasi nga malagkit sya ang iba nga bumubuka daw kapag piniprito, pero ang technique ko po dyan ay huwag masyadong damihan ang pag lagay ng malagkit sa wrapper at huwag din masyadong basa ang pagkakaluto nang malagkit para hindi ma basa masyado ang wrapper dahilan na bubuka sya pag inilunod sa mantika.
IMG_20211006_165501.jpg

IMG_20211006_164415.jpg

Sadyang kapag pagkain ang pinag uusapan hindi mauubusan ang mga Pinoy.
Maging ang mga dayuhan na pumupunta sa ating lugar binabalik balikan ang lutuing Pinoy. Sa mga kababayan natin sa ibang bansa sadyang hinahanap hanap ang mga pagkaing Pinoy nakaka miss talaga ang mga ito. Naalala ko si ate na nasa Europe sabi nya kung pwede ba ipadala ang luto ko sa kanila hehe. Kung pwede lang sana.

Sana po magustuhan ninyo ang aking entry at salamat sa pagbabasa. God bless.

@jenniferocco

Iniimbitahan ko sina @chibas.arkanghil, @fuerzas, at@noaj

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.5

Lami kaayo siya lantawon...murag gusto nko ni e try ba...heheheh

Salamat po.. e try nyo po...hehe

  ·  3 years ago (edited)
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.8
2. Creativity.9.7
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.8
5. Story quality.9.6
Total9.72

Wow ang sarap nito…gusto ko rin itong gawin kaso wala dito yung mga ingridients.

Hehehe salamat po..