Steemit Promotion Through Livelihood Branding /Steem Puto Cheese

in hive-169461 •  3 years ago 

20211023_170311_0000.png

Magandang Araw sa lahat. I hope everyone is doing well today. Thankful po ako dahil nakahabol pa rin ako sa patimpalak na ito medyo nalito ako sa daming pwedeng maging entry.
Ang entry ko ngayon ay ang " Steem Puto Cheese". Naging negosyo ko ito simula nang mag pandemic nakakatulong sa mga gastusin sa bahay. Mga ilang buwan na ng mahinto ako sa pag titinda dahil naging busy sa ibang bagay pero nang mabasa ko po ang patimpalak na ito, na encourage po akung ibalik. Laking pasasalamat ko sa Steemit Philippines na naging tulay ko sa pag bangon ng aking negosyo.
Marami akung naging negosyo na pagkain pero itong Puto Cheese ang na pagpasyahan kong maging entry sa patimpalak na ito.
Kaya ikinagagalak ko pong e share sa inyo ang aking recipe sa aking Steem Puto Cheese.

INGREDIENTS

ITEMSQUANTITY
Flour1/2 kilo
White Sugar2 cups
Baking powder2 tbsp
Evaporated milk1 cup
Egg2 large
Vegetable oil1 cup
Water1 cup
Cheese1 pack

COSTING:

ITEMSCOST
Flour25
White Sugar15
Baking Powder5
Evaporated milk15
Egg14
Vegetable oil5
Cheese15
Cling wrap5
Styro container1.50

THE PROCEDURE

First, e mix lahat ng dry ingredients (flour, sugar at baking powder) haluin ng mabuti para maging pantay ang texture. Next, sa separate na bowl e mix din ang mga wet ingredients unahin ang itlog e beat ito ng mabuti next yung evaporated milk then ang vegetable oil at ang huli yung tubig.
Pagkatapos ihalo ang dalawang mixture ( dry mixture and wet mixture) haluin sya ng mabuti pero huwag lang po e over mix, sa aking recipe po nilalagyan ko nang ginudgud na cheese ang aking mixture para mas maging masarap at cheesy pero optional lang po ito at pagkatapos let your mixture rest for 15 minutes. So while waiting e prepare ang steamer at mga molding cups, e prepare na rin ang cheese para sa tappings.

IMG_20211023_102947.jpg

After 15 minutes, while nagpapakulo ng tubig para sa steamer pwede mo nang isalin sa mga molding cups ang iyong mixture. For colorful mixture gumamit ako ng food coloring para maging attractive yung dating. Pagkatapos ilagay ang cheese on the top. E arrange ang mga ito sa steamer. Siguraduhing kumukulo na ang tubig bago ilagay ang mga ito. Takpan ang iyong steamer at maglagay nang cotton cloth sa takip para huwag mahaluan ng tubig ang iyong mixture. Hayaan ito for 15 to 20 minutes.

IMG_20211023_110423.jpg

Ito na po ang Puto cheese natin hayaan muna ito na lumamig bago ilagay sa lalagyan for packing...

IMG_20211023_112056.jpg

This is our finished product..pack by 5. Sa ating recipe nakagawa ako ng 42 pieces of Puto cheese. Ibinibinta ko ito ng 25 pesos per pack or 5 pesos per piece. Sa ating recipe, 111 pesos ang puhunan which is equivalent to 0.30 SBD at nakabinta tayo ng 210 pesos so mayroon tayong 99 pesos or 0.275 SBD na kita sa recipe natin ngayon.

Sa panahon ngayon kailangan natin maging wais kahit nasa bahay may pinagkikitaan. Kahit na maliit na puhunan bastat may sipag at tiyaga at determinasyon sa buhay at may pananalig sa Diyos magiging successful din tayo balang araw.

IMG_20211023_112307~2.jpg

Target customer ko ang mga nanay para na rin sa kanilang mga anak. Kayang kaya sa bulsa, nakaka busog at masarap. Pwede rin ito sa mga okasyon lalo na malapit na ang Pasko at kahit anong okasyon. Masarap ang kain lalong lalo na kapag kasama ang buong pamilya.

Iniimbitahan ko po sina @jeanalyn, @chibas.arkanghil at @jonabeth na sumali sa patimpalak na ito.

Sana po magustuhan ninyo ang aking entry..

Always,
@jenniferocco

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  3 years ago (edited)

Greetings to you @jenniferocco,
If you commit to #club5050 tag program, I am also inviting you to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to the link bellow,
https://steemit.com/hive-169461/@juichi/how-to-get-a-membership-badge-of-club5050-philippines


Screenshot_20211022-214630_Messenger.jpg

Thank you po..I am working on it. God bless and more power..

..ang sarap naman niyan!

Thank you po. God bless

Judge @juichi

Criteria%-Rate
1. Sales and Marketing97%
2. Presentation97%
3. Quality and Creativity97%
4. Overall impact97%
Total97%

One of my all time favorite!

Wow thank you so much sir..God bless you po.

Kalami ani!!

Salamat..God bless

ang ganda ng colors grabeh. Thank you for participating.

Total Rating: 95%

Thank you so much po...God bless

Wow kalami sa puto cheese. Sana all kabalo. Heheje..

Hehehe order na dai..

Manganvas ko diri at hte same time promoting steemit by selling steem puto cheese. Timing kaayo sa kalag2x.

Bitaw dai ...thanks dai

Way sapayan🙂

One of my favorite. Salamat talaga sa tips paano gumawa. This is amazing!