Hello everyone how are you? Hope you're also fine.
Noong mga nakaraang araw, may work in progress art ako at natapos ko yon nung February 12, 2022. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang mga pictures ng progress, kaya maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay!
Pero una, nais ko munang ibahagi yung na edit kong music video na kung saan ay pinagdurugtong ko yung mga work in progress photos, bagaman ay hindi po yun yung time lapse na proseso nung painting at pinagdurugtong lang na mga picture ng magkakasunod na progress, ini-upload ko pa rin yon upang maipakita ang kaunting proseso. Ito yung video:
Kung interesado po kayo sa digital painting ang makakabasa ng blog na ito, kung nais niyo pong makakuha ng tips kung paano gawin yon at nais niyo ring matutunan ang gayon, masaya po akong ibahagi sa inyo ang time lapse ng proseso ng painting ginawa ko kamakailan lamang, sana po kahit papano ay nakapagbahagi ako ng kaunting tips:
Ito po yung reference picture ng kapatid ko.
Maglalagay ako ng at least 5 pictures nf mga progress, kung sakaling hindi niyo pa po napanood yung video kung saan ko pinagdurugtong yung mga proseso.
Face
Sa pagpinta sa mukha, ginamit ko yung pen fade for base tsaka airbrush (normal) para sa blending. Ginamit ko yung color pick para sa awtomatikong pagpili ng kulay. Ang pagpinta ng mukha ang bagay na pinaka nahihirapan akong gawin. Kailangan kasi na magkamukha talaga ang painting sa mukha ng taong ipinipinta mo, upang maging semi realism. Although eto yung pinaka challenging, para sakin ito rin yung pinakaimportanteng part. Kaya kahit na may pagkahirap sa digital pag iisa lang ang phone, pero thankfully may mga paraan naman para mapadali ito.
Hair
Thankfully may mga brush sa ibis paint x app na para talaga sa buhok. Ang kadalasang ginagamit ko ron ay ang round brush, oil (hair), at yung fade water color. At ang ginamit ko para sa kasalukuyang portrait ay ang round brush (point)
Neck
Tulad nung sa mukha kailangan rin ng blending, at ang mga brush na ginamit ko ay tulad rin nong dun sa face.
Arms & Blouse
Tulad rin ng arms, kailangan rin ng blending at yung mga brush sa face ay yon din ang ginamit ko. At para sa blouse naman, felt tip pen ang ginamit ko para sa base at airbrush (normal) naman para sa highlight at shadows.
Skirt
Tulad nong sa blouse, felt tip pen at airbrush rin.
At ito na po yung tapos na artwork!
@joreneagustin sana all may dimple talaga.
Category | Artwork |
---|---|
Device | Oppo A3s |
Art type | Digital Painting (semi realism) |
Application | Ibis paint X |
Tools | Felt tip pen, Dip pen, Pen fade, Airbrush, Round brush |
Location | Philippines |
Artist | @jeycel |
@jeycel
you are really good sis! keep it up!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Medyo challenging nga po e, salamat sa notice!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wow! Ganda naman parang kuhang huha ah
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po, makes my day to hear that! ^_^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit