The Diary Game Season 3 (16/10/21)| NAGOYA BUDDIES UNITES

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

20% goes to @steemitphcurator!

Magandang araw po sa lahat, nawa'y nasa mabuting kalagayan po kayo ngayon.

Ngayon, pahintulutan n'yo po akong ibahagi sa inyo ang aking "Diary Game Entry".

So sisimulan ko na po...

Noong mga nakaraang taon, naging isa sa mga OFW po ako sa bansang Japan na kung saan nagtatrabaho ako bilang isang "Dye Caster". At doob napagtanto ko po na hindi madali ang buhay na malayo sa pamilya. Peru hindi ko po iyon inalintana sapagkat ginusto ko it ay nang sa ganuy matustusan ko ang aking pamilya at makaranas ng magandang buhay. Maraming luha at pawis ang ibinuhos ko doon. Pero laking pasasalamat ko sapagkat nagkaroon ako ng pamilya sa lugar na iyon. Mayroon akong nakilalang mga Pinoy din na nagsasakripisyo sa labis na lungkot at pagkamiss sa mga minamahal na iwan sa Pinas. Ang mga taong ito ang nagsilbing sandalan ko tuwing ako ay nagkakaproblema. At nang umuwi kami noong nakaraang taon, madalas na lang kaming nagkikita at yaong isa ko pang kaibigan ay nakatira malayo sa amin. Kaya kahapon, plano naming puntahan siya at bisitahin.

C12FA21F-BAB1-47B8-B166-CC204D271E5A.jpeg

Sa bandang alas7 ng umaga kanina, dito kami sa aming bahay nagkita at nang sabay kaming pumunta sa aming isa pang kaibigan na si Junrey. Pero, dalawa sa aming grupo ang hindi nakakasama sapagkat ang isa ay hindi makaliban sa trabaho at ang isa namay kaarawan ng kanyang misis.

030CD4FB-F559-4A58-88A7-A320DEBB001B.jpeg

Tuloy parin ang plano kahit tatlo lang kami sapagkat matagal na nami itong plinano ngunit palaging napostpone buhat ng pangit at panahon o di kaya'y may ibang gagawin ang kasamahan ko. Ngunit ngayon hindi na pwedeng mapostpone kahit hindi kami kompleto sapagkat ang isa sa amin ay babalik na ng Japan kasi nakapangasawa sya ng taga doon. Kaya gusto nyang bumisita sa isa pa naming kasamahan bago sya lumipad.

799B2C7A-2745-4CEA-911E-5FDBEA8688F0.jpeg

Nakaalis kami malapit nang mag alas 9, at dahil papunta kaming Carcar medyo malayo-layo sa aming, mahigit kumulang dalawang oras na byahe depende sa traffic. Unfortunately, sa kalagitnaan ng aming byahe medyo lubak-lubak ang daanan at natumba ang isa sa aking kasamahan peru salamat sa Diyos at wala siyang injury pero nagrequest sya na papahinga na muna sya..

2EEABD89-C43D-4A1A-BE5B-76B0E088446D.jpeg

Kaya't nakarating kami sa bahay nina Junrey(nasa kanan) sa Carcar bandang alas 11 na. Gutom na gutom kami sa biyahe sapagkat hindi kami nag stop over at kumain kasi late na kaming nakaalis.

A58DE0FF-4554-49B0-AD9D-587AA0AB60F4.jpeg

And to our surprise, may inihanda pala syang tanghalian. At ang pinakasarap at nagpapabusog talaga sa akin ay ang manok bisaya na may sabaw at malunggay. Ito po talaga ang favorite ko. Sa katunayan, ito yaong nirequest ko sa aking asawa na lutuin nya noong kakauwi ko palang galing japan. Sobrang nasasarapan talaga ako nito lalo na't bisayang manok sapagkat manamis-namis ang sabaw nito.

45F67DA1-DF37-4ADE-96F3-1409591711C6.jpeg

Naghanda din sya ng niyog, ang sarap talaga nito lalo na't haluan ng gatas. At "lamaw" ang tawag sa amin nyan.

A3A2F76F-E72E-4223-8D10-423DC92A4430.jpeg

34A983BC-1ABC-458F-BEE7-6CDACD989E46.jpeg

Pero ang kwentuhan at tawanan ang pinakamasarap sa lahat. Sobrang nakakamiss lang talaga noong nasa Japan pa kami na pagkagising namin sa umaga sila ang nakikita namin kasi nakatira lang kami sa iisa g bahay ngunit dalawang tao sa isang kwarto. Minsan kakatok lang kami sa kabila at hihingi ng ulam. At ang pinakanamimiss ko ay yong malakas na tawanan namin kung kami ay kompleto at nagkukuwentuhan. Sarap talaga balikbalikan ang mga masasayang-araw. Yes ang hirap maging OFW pero pagkaraan ng ilang araw matututo karing tumawa sa kabila ng iyong mga problema.

Ngayon ay pauwi na kami at nawa'y gabayan kami ng Poong Maykapal at maihatid nya kami sa aming tahanan na safe.

At ito po ang maikling video ko po sa aming stay doon sa Carcar.

Hanggang diyan na lang po.

Inaanyayahan ko po si @mercy11, @bisayakalog, @abby0207 at @fabio2614 na magbahagi ng kanilang Diary Game dito. Maraming salamat po sa lahat.

Nagmamahal,

@jmaxswivel
---The Lazy Vlogger

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Amg saya naman po at nabisita nio ang inyong kaibigan. Pareho po kayo ng aking asawa na mahilig mag rides.

Maraming salamat po sa pagbahagi ng iyong Diary post.

Amping kanunay Sir.

maraming salamat din po mam sa patuloy na supporta. Naway supprtaan nyo din po ang yt channel ko JmaxEvents Page1

Ang galing my friend!! Salamat sa iyong imbitasyon..

salamat din my friend

ingat ka po sa byahe my friend huwag kalimutan ang pasalubong

ana jud mega.. naa jud nai gai gasa palangga baya😁

haha... Lage oi, piti ug walay gasa😂🤣😅

maningil man dayon

salamat my friend... nya ok ra ang gasa my friend?

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja