Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 Theme | Bonding Namin Ng Anak Kong Si KYNRA Kinabukasan Pagkagaling Ng Ibang Bansa

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang umaga kaibigan dito sa #SteemitPhilippinesCommunity. Ito ang aking pangalawang pagsali sa patimpalak ng potograpiya: "Family Bonding".

Diosa and KYNRA.jpg

Walang kasingsarap ang makabalik sa lupang tinubuan. Ang larawang ito ay kuha kinabukasan ng kami dumating sa Pilipinas ng aking panganay na anak na babae. Ang sarap ng pakiramdam na makabalik sa ating bansa. Masarap manirahan sa ibang bansa kung ang pakay mo ay magtrabaho para ihanda ang magandang kinabukasan ng ating mga anak. Lahat ng gusto mo ay naroon at mabibili mo kapag ikaw ay may magandang trabaho at malaki ang kinikita. Masasarap na pagkain at siyempre pa mamamasyal sa magagandang lugar. Pero para sa akin mas maganda pa rin at masarap manirahan sa Pilipinas. Lalo na kung sa sarili mong tahanan kasama ang ibang miembro ng pamilya at nakikita mo rin ang mga kaibigan mong matagal mo ng di nakakasama. At mas lalong mas masarap ang kasama mo ng matagal ang iyong anak na kapag nasa abroad ka ay tuwing day-off mo lang masosolo at maka-bonding. Ang larawang ito ay kuha pagkatapos naming magsimba ng aking anak na panganay na si KYNRA at kami ay inaanayahan ng kanyang Ninang na dumaan sa bahay nila para mananghalian at siya raw ay naghanda para sa amin ng kanyang inaanak na namimi-miss na raw niya. Siya kasi at ang Mommy ko ang katuwang ko sa pag-alaga kay KYNRA mula ng ito ay isinilang (kasintahan siya ng kapatid kong sumunod sa akin ng mga panahong yaon) ko hanggang umalis kami papuntang USA. Siyempre pa sa matagal na panahon na di kami nagkikitang magkumare, kuentuhan at kumustahan lalo na nalulumbay siya ng kaming mag-ina ay umalis ng Pilipinas at nangibang bansa pansamantala. Masyado rin siyang nalungkot ng di niya makita ng matagal na panahon ang bibo at matatas na magsalita na kanyang inaanak sa edad na limang buwan kahit pa ito ay magkabulol-bulol sa pananalita pinaghalong English at Tagalog. Tuwang-tuwa siya sa panahon na yaon at kinunan niya kami ng larawan. Ito ang unang pagkakataon na nakapagBonding din kami ng matagal ng aking anak sa pamamagitan sa pagtungo at pamasyal sa kanyang Ninang.

Sana ay naibigan niyo ang larawang lahok at ang kuentong nasa likod nito.

Salamat #SteemitPhilippines at @steemitblog sa pagkakataong ibinigay niyo sa paksang ito.


Thank you for your time! This is my submission for the Week #2 Steemit Philippines Community Photography Contest | Theme: Family Moments. I'm inviting everyone to participate as well! Click the LINK to learn more about the criteria and the prizes up for grabs!

Godspeed,

signature60450898a816f.gif


steemit banner.png

Thanks for @kennyroy for the banner

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Mabuti po at naitago nio pa ang larawan na ito. Napakaprecious moment with your little one.

Magaling magtago ang Mommy ko, pero yung ibang photos nasira na nga bagyong Milenio.

Mabuti ka pa sister narating mo ang American dream.

Sandali lang ako dun, Sis. Di kaya ng powers ko dahil may kasama akong baby. Mahirap iwan sa Day Care Center at ang isip ko ay nadun lang din di ako makaConcentrate s trabaho.

Gandang gunitain ang kahapon

Walang kasing-sarap. kahit sa pictures lang. Though nasira ng bagyong Milenio mga magagandang photos namin. At least may iilan na naitago.

PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words354
8. No. of entries2nd entry
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.5

Thanks, Mod, God speed.

Mapagmahal na ina. 😌

Salamat bro. Ganyan talaga ang mga Nanay.