Steemit Philippines Photography Contest Week #6 - LIFE STORY -A Great Memory of a Deceased Loved One | Ang Tatlong Lalaking Mahalaga Sa Buhay Ko

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang araw sa inyong lahat sana ay nasa mabuting kalagayan kayong lahat. Siguro naintriga kayo sa titulo ng aking "Life Story".

SPC Life Story.jpg

Unahin natin ang aking Ama. Sabi nila ako daw ay "Daddy's Girl". Totoo naman! Mas malapit ako sa aking Ama kaysa aking Ina. Siguro dahil ganyan talaga kapag nag-iisang babae at panganay. Lagi akong kabuntot ng aking Ama sa kanyang mga lakad, pamamasyal man o kapag nag-i-inspection sa kanilang mga "Agricultural Project" sa buong sulok ng Pilipinas. Kapag may hinihiling ako na nakakabuti para sakin talagang ibinibigay. Tuwing naglalakbay papuntang ibang bansa humihiling ako ng pasalubong, at sadyang alam niya kung anong natatanging pasalubong para sa akin. Nakakatuwa nga at marunong siang pumili ng pambabaeng kagamitan na ipapasalubong sa akin at para sa aking Ina, lalo na ang pabango. Alam na alam niyang ayaw ko ng PAMBABAENG PABANGO kaya minsan pinagsususpetsahan pa niya ako kung sadyang tunay akong babae o "TOMBOY". Tuwing may okasyon, hinihiling niyang ipagluto ko sa kanyang paboritong "PINEAPPLE-SIDE-UP-CAKE at PINEAPPLE JELLY ROLL at ang walang kamatayang paggawa ng BUCO SALAD". Walang kasing-saya nung kumpleto pa kami at nakikipagkulitan kasama ang aking Ama. Wala sa panahon ang kanyang kamatayan. Naalala ko pa sabi ko sa kanya wag na siyang umalis at kaarawan ko. Sabi niya sakin kailangan niyang magbigay ng "Training" sa mga magsasaka sa Tarlac kung saan ay duon siya inabot ng kanyang kamatayan at inuwi sa amin ng nakakabaong na. "Cardiac arrest" ang kanyang ikinamatay.

Dad at the lounge.jpg

Ang ikalawang nami-miss ko ay ang bunso kong kapatid na "button-buddy ko, si Rick. Ang kanyang pagkamalambing ang tunay kong hindi malilimutan. Laging nakapulupot kahit kanino man sa aming magkakapatid at lalo na sa aking Ina. Yung kanyang pagka-WACKY. Napakakengkoy at may kapilyuhan din sa banayad na paraan. Halos lahat na nakakilala sa kanya kahit ang kanyang mga guro sa Elementarya hanggang sa Kolehiyo ay sadyang mahal siya dahil mapag-alala at matulungin bukod sa kanyang malambing na pag-uugali. Kahit ang mga magulang ng kanyang mga naging kasintahan ay mahal na mahal siya. Ipinagluluto pa siya ng mga ito at dinadala sa aming tahanan. Animo'y sila pa ang nanliligaw sa aking kapatid. Kaya nung siya ay nagkasakit at kailangan niya ang tulong ko ay hindi ako nagdadalawang isip na ibinigay ko sa kanya ang isa kong kidney. Nalulungkot ako kapag naaalala ko kung gaano niya rin kamahal ang mga anak ko at kung paano din siya naghirap ng husto ng siya ay nagda-dialysis. Mahabang panahon din ang dinaanan niyang hirap ngunit nagpapasalamat ako na kahit paano ay nabuhay siya kahit anim na buwan pagkatapos ng "kidney transplant". "Pneumonia" ang kanyang ikinamatay. Nasa tabi ako bago siya bawian ng buhay. Masakit kapag nakita mong naghihirap ang mahal mo sa buhay. Yung wala ka nang magawa pa at ipagdasal siya sa Poong Maykapal. Naalala ko pa ng ibinulong ko sa kanya na kung hirap na siya wag siyang mag-alala at di kami pababayaan ng Diyos na maiiwan niya lalo na sa Ina ko. Magpahinga na siya at nakita kong tumulo ang luha niya pagkasabi ko nuon.

boyette inside the bus in USA Tour.jpg

Ang Junior naman naming sobrang kulit ay hindi ko makalilimutan. Siya yung ang lakas ng personal na relasyon sa lahat ng uri ng tao. Kahit saan ako magpunta kapag sinabi kong siya ay kapatid ko, personal ang istema sa akin ng mga kakilala niya. Sinasabi nilang mabait at matulungin ang kapatid ko at walang hinihindi-an kapag sila ay lumalapit sa kanya. Ang lahat ng kanilang sinasabi ay totoo at sadyang nalulungkot ako kapag naalala ko siya. Kung sa pagkain hindi siya maselan, minsan nga kahit recadong ginisa kapag nagugutom siya yun ang lulutin at kakainin. mahilig siyang kumain at mga pagkaing "root crops" ang hilig niya. Ilocano talaga walang pili sa pagkain lalo na ang PAKBET Ilocano na paborito niyang lutuin. Mahilig siyang magluto at sadyang napakasarap naman. Namimiss ko ang kanyang "HUMBA" na siya espesyal na lutuin niya. Tulad ng aking Ama at ni Rick na bunso kong kapatid silang tatlo ay malalambing at makukulit. Si Jun ay sumobra ang saya ng magbakasyon ang isa kong kapatid na lalaki at ang kanyang pamilya sa Dapitan kung saan doon sila nakatira ng kanyang pamilya. Madaling araw siya ng isinugod ng aking pamangkin sa ospital at doon binawian ng buhay. "Cardiac Arrest" ang sanhi ng kanyang pagkamatay katulad ng aking Ama.

junior1.jpg


20% payout of this post goes to Steemit Philippines


Inviting @jurich60 @sarimanok @olivia08


steemit banner.png


About The Author

A feisty artist and a writer at the same time who intertwines and develops her time between blogging, writing poetry and fiction stories, crocheting, gardening, baking, and caring for her physically and mentally challenged son in order to explore the unexpected ideas that pique her interest.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hmm ka dami mong memories sa departed ones mo pala na di mo malimutan.

Ganun talaga, Sis kapag close mo ang tao. At saka ako yung tipo ng tao na I cherish kahit konting detalye alaala.

sadyang mamimiss mo talaga ang mga taong mahal na mahal mo.

Sinabi mo pa, dear. Lahat ng kaliit-liitang detalye.

That's one heartfelt blog about your departed loved ones. I would love to participate in this contest but I don't have a single photo of my late granda. I only have a photo of our old house and I'm still feeling blue (maybe because of hormones hehe). Anyway, I enjoyed reading your blog.

Thank you, dear. It's too bad you don't have any photos of your loved one who has passed away. You're a great writer of articles. But don't worry, there will be plenty more contests in the future. Thank you for taking the time to read my article... All the best!

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.10
2. Creativity.9.8
3. Technique.9.9
4. Overall impact.9.9
5. Story quality.9.9
Total Rating9.9

Thank you, Mod @juichi for the rating. That's a great emotional booster. God speed.

Sadyang di mo mkklimutan ang mga sandaling nabubuhay pa sila dahil yon ang nasa puno mo na. God bless you sister.

Sinabi mo pa, Sis. Basta malapit sa puso sadyang di malilimutan ang mga maganda o pangit man na alalala. God bless you as well, Sister.

Fave ko din po humba. Three beloved ones in one post grabeh. Excellent!
Overall rating: 9.8

Thank you so much, dear. Ipinagkasya ko na. Actually may di ako naisamang 3 pero sa sunod na. Bka sabihin pinakyaw...hahaha. Thanks sa rating.