"The Diary Game Season 3, week #18 | September 10, 2021 | Ang Aking Vertigo at Ang Kaarawan Ng Aking Bunsong si CJMari"

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang araw mga kasama, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan!

CJ Collage4A.jpg

May kalamigan ang klima dito sa amin pagkatapos ng bagyong "Jolina" mabuti at sumisilay paminsan minsan ang araw. Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal at iniligtas kami at hindi ganun kalakas ang hangin.

sunrise Sunrise over Macatudtod Ranges with Elmer D.jpg

Ngayong umaga, hindi pa rin ganun kagandahan ang aking pakiramdam dahil sa iniinda kong "Vertigo" ngunit ayokong magpatalo sa nararamdaman kong sakit na ito. Sobrang sama ng pakiramdam ko nitong dalawang nakaraang linggo halos di ako agad makatayo dahil sa sobrang lula na nararamdaman ko. Di ako yung tipo ng taong umiinom agad ng "synthetic medicine" kapag may nararamdaman. Hangga't kaya ko prutas at gulay lang ang nilalantakan ko. Siyempre pa kailangangng kompleto ang tulog at "nutritious foods". Iwas stress talaga at puyat. Ganito ang agahan naming mag-ina at ng aking Nanay. Berdeng ensalada, avocado at "fish fillet" na "yellow fin". Sa umagang ito wala kaming kanin. Ensalada at prutas imbes na kanin.

meal breakfast fish coated with flour and salad veggies sprinkled with cheese with Maris.jpg

Kaarawan ng aking minamahal na bunsong si CJMari kaya pilit kong bumangon para ipagluto siya ng kanyang paboritong "Chicken-Chili-Pasta" at "Fruit Salad Gelatin" para sa pananghalian. Marami na naman nakain si bunso. Basta gusto niya ang haing pagkain di pahirapan ang pagpakain sa kanya. Masayang-masaya siya kapag ang kanyang paboritong pagkain ang ihahain sa kanya. Busog na busog siya at nakadalawang "servings" pa ng "pasta". Tuwang-tuwa siya lalo sa kanyang dessert. Di maawat sa pagkain ng "gelatin" nangalahati ang inihanda kong "gelatin" at enjoy na enjoy. Habang kumakain may pangiti-ngiti pa at "beautiful eyes".

Single black border image (5).jpg

Kay bilis talaga ng panahon. Kelan lang baby pa siya at magaan pang buhatin at kalungin. Ngayon, 22 taong gulang na siya. Kung makakapagsalita, makapaglakad, at makakaupo lamang siya. Sayang at hindi talaga niya na-enjoy ang kanyang pagkabinata. Minsan tuwing pinagmamasdan ko siya, napapaiyak ako sa kalagayan niya. May mga oras na naitatanong ko sa sarili ko bakit ang bunso ko pa ang nagkakaron ng ganung klaseng sakit ngunit magkaganun man, pinapasa-Diyos ko na lang ang lahat alam kong meron siyang ibang plano para kay CJMari. Kung ano man yun, ang Siya lang ang nakakaalam ng lahat. Talaga nga namang mahiwaga ang buhay.

Naglalambingan at nagtulog lang kami buong maghapon at kailangan ko talagang mag-ipon ng lakas ng mawala ang aking "Vertigo". Pagkagising, naghapunan at konting kulitan pagkatapos kumain. Pinaliguan si "Big Boy" at matulog ng maaga.

Hanggang sa muli mga kasamahang Steemians. Sanay matiwasay din ang buong araw ninyo.

Salamat sa pagbasa.

@joshuelmari


steemit banner.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Happy birthday CJ! ^_^ Congrats po teh venus!

Thank you so much dear sa pagbati. Balik na ulit ako. Praise God!

Happy Birthday Pogi! Relax din Sis para lumakas para kay CJ.

Salamat ng marami, Sis. Oo nga nagpapalakas talaga ako ng husto para makabawi at ang laki na ng nawala sakin.

Happy birthday to your palangga. And sarap ng handa nya...

Thank you so much, Ate @mers. Paborito niya kay yan ang niluto ko. Salamat sa pagdalaw. God bless.

Happy Birthday, CJ!!!

Mabuhay at Congratulations!!!

Isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap ang post mo.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Maraming Salamat po!!!

Maraming salamat po sa rekomendasyon para sa @booming upvote. Mabuhay ang #SteemitPhilippinesCommunity at sa suporta.

Happy bday dong.. Sana laging okay mama mo mag alaga sa iyo.

Salamat sa pagdalaw, Sis. Lagi kong dalangin sa Diyos na in good health ako, si CJMari at ang buong familia.

Happy birthday more years

Thank you so much and also for dropping by. Welcome to #Steemit.

Happy birthday sa Bunsoy mo sis. Magpalakas ka din para k big boy. God bless you more!

Salaat sa pagbati, Sis. Medyo okay na pakiramdam ko. Iniiwasan ko lang muna magtagal sa laptop at sumasakit mata ko. Glaring ang light na nagko-cause ng lula at times. God bless you as well.

Happy Birthday Cj. More birthdays to come and always in good health. 🎂🎂 Godbless you together with your family circle.

Happy birthday din sayo, bro. I wish you more rewards on your blogs and good health always as well. Godspeed.

Thank you ate 😊 Godbless you.

Happy bday dong.. Sana laging okay mama mo mag alaga sa iyo.

Salamat Sis sa pagbati. malaki na talaga at mabigat na si Dodong nako.

Happy bday cj. God bless!

Thanks bro sa pagbati. God bless you too.

Wow! Happy birthday sa iyo cjmari. More birthdays to come at naway matupag mo ang lahat ng pangarap mo at ninanais sa buhay.

Mahirap po talaga magkavertigo ma'am dahil hirap kumilos kaya dapat po ay pahinga talaga mabuti kaso paano makakapagpahinga kung isa kang ina di ba po? Mahirap po pero kailangan mag multitasking ika nga.

Napakasarap naman po ng pagkain ang healthy tapos yung gelatin ng celebrant mukhang nagenjoy po talaga siyang kainin.
Kapit lang tayo ma'am at dapat strong lang palagi para sa pamilya. Stay safe po and God bless..

Salamat, Sis. May Epileptic Cerebral Palsy si CJMari at bedridden siya. Matagaal ko ng iniinda ang vertigo. May recetang gamot ang doctor ko kaso hanggat kaya ko di ako umiinom. Prutas, gulay, maraming tubig at iniinom na fresh fruit juice at ang pinakaexercise ko ang pagbuhat kay CJMari.. Kapit talaga sa Diyos at maraming dasal at pasasalamat sa buhay kahit maraming pagsubok andyan Siya at di kami pinababayaan. Salamat sa pagdalaw, Sis.

Belatwd happy birthday po sa anak ninyo sis. Relate ako sa yo dahil may pamangjin akong may cerebral palsy. Super delayed ng growth nya. Mabuti nalang ay marunong syang gumapang, nag sasanay nadinsyang tumayo at maglakad mag isa ngayon. Niong wala pa. Akong anak ay hands aon ako sa kanya ngunit hindi na ngyin na sya namang kinakokonsensya ko. Mabuti nalang at ang panganay ko ay inaalagaan sya at vibes na vibes sikang dalawa. Pag nakikita nya ako ngayon ay hinihiling nyang susubuak ko sya ng pagkain at mag bibig-mouth at saka tumawa. 13taong gulang na sya ngayong taon na ito.

Mabuti kahit paano'y naalagaan mo siya, Sis. Mahirap mag-alaga s kanila lalo na kapag may tantrums pero nasanay na ako sa tagal g panahon. kahit bed ridden siya my mga sign laguages naman at nagkakaintindihan kami. Nakakaawa at di niya na-enjoy ang buhay bata at binata kaya lagi akong naka-alalay. Lagi ko lang hiling sa Diyos na Malusog, malakas at magandang pangangatawan namin. God is good. Alam kong di kami pababayaan. Thank you sa pagdalaw sa post ko.

Mabuti ang Dios at nakaplano ang lahat sis. just have faith in Him

I do have FAITH IN HI SIS. Sa dami na ng pinagdaanan ko lalo akong tumitibay dahil alam kong andyan lang ang Diyos at ako ay ginagabayan ng Espiritu Santo.

Happy Birthday CJ! ang sarap ng hinanda mo ng food Ate.

Sana ay tuluyan na mawala ang vertigo na iyan. pagaling po!

Fvoritr niya mga yan kaya yan din niluto ko para kunain ng nadami si bigboy. Salamat sa pagdalaw. Oo sana wag nsumumpong pa vertigo ko. Ang hirap kaya.