The Diary Game: August 9-2022 "Ngiti sa Gitna ng Pagod"||#burnsteem25

in hive-169461 •  2 years ago  (edited)

received_433370082164707.jpeg

Tayong mga Filipino kahit sa gitna ng pagod at pagsubok sa buhay ugali na talaga natin ang palaging naka "ngiti". Bilang isang OFW at malayo sa pamilya bawat pagising ko sa umaga ay isang hamon kung paano ko haharapin ang aking araw. Hindi talaga maiwasan na minsan may mga problema tayong hindi natin asahan, pero kailangan natin maging matatag para sa ating mahal na mga anak, sila ang ating inspirasyon at dahilan kung bakit handa tayong mag tiis para sa kanilang pangarap at kinabukasan. Kaya kung minsan pag malungkot ako makisalamuha ako sa aking mga kaibigan para iwas stress. Sabi nga nila "tawanan mo lang ang iyong problema". Totoo ba?

received_580498343485514.jpeg

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang aking diary tungkol sa aming paglilinis kasama ang aking katrabaho at pag putol ng mga puno malapit sa aming apartment. Sinasadya itong ipaputol sa may ari ng aming company dahil magpatayo siya ng extension at bagong company. Para maka save siya sa gastos ay inutos lang niya sa amin ang pag putol ng mga ito. Syempre dapat alam muna namin ang mga protocol sa aming kaligtasan dahil baka ma disgrasya kami o masugatan.

received_590704692724547.jpeg

Nanghihinayang talaga kami sa mga puno dahil nasa mahigit 40 years old na ito. Dati dito kami sa kubo sa ilalim ng puno nakatambay kapag summer habang mag barbecue at ang iba naman ay naglalaro ng volleyball sa bakanting lote. Kapag winter naman napakaganda tingnan ang mga Pine tree na nabalot ng niyebe. Madalas dito kami nag pakuha ng litrato dahil picture perfect talaga ang lugar na ito. Pero ngayon wala na ang view na dati napakagandang tingnan. Wala na kaming magawa dahil utos ito ng may ari at dapat namin sundin ito.

received_1157411591504079.jpeg

received_387384743335152.jpeg

Pagkatapos ay nag pahinga kami ng kaunti habang ang iba naman ay nagsimula ng mag asikaso sa aming tangahlian. Tamang tama at gutom na kami at tinawag na kami para kumain. Heto ulit ang eksena, tawanan, chikahan at batuhan ng mga biro habang kumakain. Ang iba naman ay nagsimula ng mag tagay at syempre kantahan alam naman natin lahat tayo ay mahilig kumanta kahit sintunado ang boses. Nakakawala talaga ng pagod lalo na kapag nagkakaintindihan kayong lahat at pareho kami nag sasalita ng Bisaya na lingwahe.

Nagtatapos na naman ang diary ko sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagbisita at pagbasa.

Inyong lingkod,
@juichi

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kasayang sa mga kahoy sir! Makaguol lang noh mga kahoy putlon for progress...

Katawa nalang ug keep yourself busy para malimtan mga problema. Laban lang!

Mao gyud maam,, ang uban nahadlok sila kay basin daw naay mga nagpuyo sa kahoy mamalhin sa amo apartment.

kalami sa kaon after bro... so nai nagsugba while others nagputol ba😁

O naa, usa nako sa nag sugba.🙂

nganung bro tawagay ninyu hahahha

sayanga sa kahoy sir ba... pero wa ta mahims...

Why did you muted me ?