Magandang araw po sa lahat ng Filipino steemians sa buong mundo. Nananalig po akong nasa mabuting kalagayan tayong lahat. Hindi po natin alam anong bukas meron tayo, ngunit patuloy lang po tayong maging positibo sa buhay lalo na't may mga pamilya tayong naghihintay at naniniwala sa atin.
Hindi po maganda ang signal ng internet namin sa kasalukuyan. Kaya hindi ako masyadong aktibo sa ngayon. Open na kasi ang Japan kaya bumulusok talaga ang number of trainees na ipinadala ng company namin. Kaya sa tingin ko hindi na ata makakayanan pa yong number of users na nakatira ngayon sa apartment namin at nag loading na talaga ang net.
Pero hindi po tayo sumusuko dahil lang dyan. May maraming paraan po para maka kuha lang ng signal dito sa lugar namin. Iyon nga lang dapat mag effort talaga kasi kailangan mong lumabas. At hindi pweding umayaw kasi may pamilya tayong nag aabang sa tawag natin.
Kaya may mga araw na pumupunta talaga kami sa train station or kaya sa malapit na grocery store kung saan my free public wifi upang tumambay para lang maki wifi.
Kailangan talagang mag exert ng effort, di pwede palipasin ang araw na di maka contact sa Pinas, mas lalong lalayo ang loob ng mga anak ko. Lalo ng yong bunso, pag tumawag ako, sanay na sanay na wala ako sa tabi nito. Tumatango tango nga pero hindi naman tumitingin sa akin sa tuwing naka video call kami. Lalakas lang boses kapag time na to say goodbye. Hay naku!
Yong panganay naman, medyo nakaka intindi na pero di parin dapat mag kumpyansa kasi naka focus din sa games niya. Matino naman kausap pero sanay na talagang wala ako sa tabi nila kaya ako dapat ang mag reach out sa kanila.
Minsan maliban sa na mimiss ko sila, parang mas nalulungkot ako sa tuwing tinitingnan ko yong graduation pictures ng mga anak ko na wala ako. Hindi rin maka live si Mrs sa mga oras na yon kasi nga nasa oras din ako ng trabaho noong ginanap yong big event na yon.
Nakakapanghinayang nga talaga, pero mas pipiliin kong maging positibo at kakayaning harapin ang ganitong uri ng emosyonal struggles kaysa mag mokmok sa isang tabi. Salamat na lang at may steemit, kahit sumasabay rin ang struggle sa signal. Parang uso atang sumabay ngayon. Kaya ako nalang mag adjust.
Kaya mga kaibigan, iba iba man ang pinag daanan natin ngayon, importante lumalaban tayo, bukas sa makalawa sasaya din tayo. Kaya laban lang talaga!
Hanggang dito lang po muna tayo.
@juichi
done with jp right?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mas maayo na bro kay free wifi...😁😁 Congratulations diay sa imo anak bro...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat bro..lisod jud kaayo ning walay wifi. Next week pa moari ang tag iya.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maayo kay naay free wifi brad. Mao nay kanindot sa Japan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
O, ma'am..tanan station nila naay free wifi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
laban lang sir! lisud pud if dli nimo mastorya imong pamilya diri sa Pinas. kaya ngita gyud signal.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mao gyud maam...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
sir @juichi, i want to show you for my assignment, can you check to meet the requirements
https://steemit.com/hive-172186/@ustazkarim/46fvlb-achievement-3-by-ustazkarim-task-content-etiquette
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit