The Diary Game: Octobre 23-2022 "Ang aking pag-uwi mula sa Japan"

in hive-169461 •  3 years ago 
Sa wakas, sa mahigit apat na taon akong nagtrabaho sa Japan ay nakauwi na rin ako sa ating bansa. Ito na marahil ang pinakamagandang regalo na aking natanggap sa taon na ito lalo na at malapit na ang pasko. Matagal ko na rin pinapangarap na makakasama ko na ulit ang aking mahal na pamilya.

received_468102038627558.jpeg

Noong October 5, 2022, ay ang iskedyul sa aking pag uwi. Kailangan naming umalis sa aming lugar ng maaga dahil mag bus lang kami papuntang Tokyo. At kailangan naming dumaan sa aming main office dahil doon kami ehahatid ng aming Japanese office staff, Filipino interpreter at iba pang mga kasamahan namin. Sa mga oras na iyon ay puno ng emosyon dahil matagal din kaming magkasama sa iisang apartment.

Ang unang byahi namin ay ang pagsakay ng bus sa loob ng mahigit 8 oras. Naglakbay kami mula gabi hanggang umaga . Buti nalang at may wifi ang bus at medyo naibsan ng kaunti ang pagod habang nag byahi. Pwede rin naman matulog sa bus dahil may indibidwal na kurtina ang bawat upuan. Ito lang kasi ang pinakamurang ticket na binigay sa amin ng may ari ng aming company.

Habang nasa main office na kami inihanda namin ang mga documents na kailangan at nag fill up na rin kami ng health pass dahil hahanapin ito sa airport. Ang health pass na ito ay may rekord ng aming corona vaccination sa Japan at dito din malalaman kung ang tao ay vaccinated o hindi. Kapag hindi naman vaccinated ay may nararapat na proseso para dito.

received_846233073222473.jpeg

Papunta na kami sa Narita Airport kasama ang may ari at iba pang kasamahan namin. Nasa 45 minutos ang byahi at habang nasa byahi kami nagkaroon kami ng pagkakataon na kausapin ang may ari ng aming company. Buti nalang at medyo marunong na siya mag salita ng Bisaya. Sinabi niya sa amin na sana patutuloy kaming mag trabaho sa kanilang company sa Cebu. Napag-usapan din namin ang kanilang plano na paggawa ng bagong company sa Japan. Nagtatanong din siya tungkol sa aming pamilya. Tuwang tuwa kami dahil nagpapalitan kami ng mga biro.

Pagkatapos ng aming paghihintay ng mahigit tatlong oras sa aming flight sa wakas ay nasa eroplano na ako. Medyo nakakapagod ang byahi. Tinanggal ko muna ang aking face mask dahil kaunti lang naman ang pasahero. Ang byahi papuntang Pilipinas sa eroplano ay mahigit tatlong oras. Habang nasa byahi ako ay iniisip ko ang aking pamilya at excited na makita ko sila. Pero bigla na lang habang nasa eroplano ay nilagnat ako siguro dahil na rin sa pagod. Buti nalang at may dala akong gamot.

Sa wakas ay nakarating na ako sa Pilipinas. Nagugutom ako sa mahabang byahi at kumain muna ako sa Airport. Buti nalang at nakita ko ang isa sa aking pinaka paboritong fastfood ang "Jolibee". Na miss ko talaga ang chicken joy dito at spaghetti. Nakakalula nga lang ang presyo dahil medyo may kamahalan na ito ngayon. Hindi katulad ng dati na abot presyo lang ito. Sabagay, nagmamahalan na ang lahat ng bilihin kaya dapat talaga sa panahon ngayon dapat na talaga tayo magtipid.

Nandito na ako ngayon sa piling ng aking pamilya at yung aking mga anak ay malalaki na rin. Hanggang dito nalang maraming salamat.

Inyong lingkod,
@juichi

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell

Your article has been supported by @ubongudofot from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 7.

20220902_095909_0000.png

At last nakauwi na din bro...

Lagi maam, hapit gyud 4 years.

Welcome home bro @juichi God bless you!

Thank you bro.

welcome home sir! together again na gyud mo sa imong family.

Mao gyud maam, salamat!