Kumusta Steemians,
Kanina pa akong hapon nag draft neto aking post, kaya lang pahinto hinto dahil nawawalavang connection ng net. Yan din ang rason bakit di ako nakakapost regularly, ayaw ma buksan ang Steemit Site eh. Ito gi try ko lang nagbabakasaling ma okey na ang connection.
Ngayong araw na ito ay balik tanaw sa nangyari last year 2021 ng dito sa aming City nag landfall ang super typhoon Odette. Umaga pa lang malakas na ang hangin dito sa aming lugar, ang mga puno ay sumasayaw na. Buti na lang nag naipost ni FB kanina yong memories.
Makikita sa picture na lumipad na yong ginansiyon kong palamunti sa Aratelis tree na aking sinabit. Noong mga nakaraang araw gi full charge ko na ang mga solar lights namin at naghanda na ako ng flashlight, kandila, posporo at lighters. Kasi alam kong mag brown out talaga. At nag handan na din ako ng pag kain gaya ng tuyo, noodles at mga delata. Hindi lang ako namili ng karne at mga gulay dahil kung brown out di gagana ang ref masisira lang.
Bandang hapon umulan na ng malakas kaya maaga kami ni hubby nag hapunan at yong anak ko at apo na nasa kabilang bahay. Pag sapit ng dilim lalong lumakas na ang ulan at ang hangin ay humuhuni na. Bandang alas siete ng gabi grabe na ang lakas ng hangin ang mga puno ng niyog sa likod namin ay grabe na ang pag sayaw. May konti kaming takot baka maputol at dito sa bahay matumba. Ng bandang alas otso grabe na ang lakas ng hangin at kitang kita ng aking mga yong bubong sa kabilang bahay ay natangal na at lumipad ng buong buo di ko nakita saan patungo. Yong anak ko at apo ko ay nag hakot ng computer at tv nilagay dito sa bahay, basang basa at pati daw sila ay muntik ng malipad sa lakas ng hangin. Yong bahay daw nila ay umuuga na rin. Di kami nakatulog at ako'y nataranta din dahil pumasok ang tubig ulan sa loob ng bahay. May mga libro akong nabasa. Isa na dito itong book ng photography nabili pa ng anak kong babae, sa Singapore. Nanghinayang akong ito ay nasira ng tubig.
Ang mga temporary bubong ng roof top, nakita ng anak kong nagsiliparan. Ang isang puno ng Aratelis dito sa harap namin ay nakasandal na sa pader. Magdamag nakinig lang kami sa ingay sa labas. Mga bandang hatinggabi tumila na ang ulan at humina na ang hangin. Madami ng kapitbahay nag gumagamit ng flashlight. Bandang. Alas singko ng umaga, pag tingin ko sa labas madami ng tao akong nakita naghahanap ng kanilang mga bubong. At nag taka ako bakit madami na akong bahay nakikita. Yon pala lahat ng puno ng saging puro nabali at yong matandang napakalaking mangga sa unahan namin ay natumba din. Ng lumiwanag na ito ang aming kapaligiran.
Lahat ng puno ng papaya namin puro tumba. Tapos yong buong bubong ng kabilang bahay namin sa likod pala nag landing.
Yong poste namin sa kuryente muntik ng matumba.
At ito yong napakalaking puno ng Mangga at antique na, natumba din.
Mga kuryente naputol at nadaganan ng mga puno.
Ang pintuan namin puno ng dahon dahon.
Pagkatapos namin nag almusal, lumabas kami para tingnan ang damage ng kapaligiran at bumili ng ng tubig. Ngunit kawawa pala din nangyari sa bilihan namin ng tubig Nawala lahat anh bubong. Walang tubig wala kuryente
Halos bahay madaanann namin walang bubong.
Bibili sana kami ng gasolina ito yong nangyari sa Shell.
Merong bukas pero napakaraming taong nag linya.
Hanggang nakarating kami ng Barangay Perrelos, kawawa ang mga puno.
Hanggang lumabas na kami Carcar City, at napunta sa sunod na bayan, ganon din pumipila ang sasakyan para bumili ng gasolina at maraming tao bitbit mga galoon para maghanap ng mabilhan ng tubig mainom. Pagdating namin sa bayan ng Minglanilla ay bumili kami ng kabdila sa factory. Mabuti at sa tabing daan lang. Hanggang umabot na kami ng SRP. Doon nakita namin lahat ng poste ng kuryente ay natumba. At sa unahan, mga iilang barko halos naka sampa na sa daan.
Sa unahan doon kamu nakakita ng Shell na bukas at konti palang ang pumilang sasakyan. Kaya nakabili na kami ng gasolina.
Napakalaking damage sa bagyong odette.Pag uwi namin lalong humaba ang pila para bumili ng tubig at sa gasolinahan.
Mga mahigit tatlong buwan bago na restore ang kuryente sa lugar namin.
Ito ay alala lamang sa kahirap ng madaanan ng bagyo ang isang lugar.
Hanggang dito na lang, at salamat sa pagbasa ng blog ko.
Thanks for dropping by . ..
@jurich60
Sobrang pinsala po pala ng Bagyong Odette po sanyo ate @jurich nakaka takot din at nakaka dala kami man ay nakaranas na ng malalakas na hangin at ulan po kaya asahan ang kasunod bagyo. Syang ang mga papaya masarap po Yun atsara. Mabuti po at nasa mabuti napo kayong kalagayan. Magiingat pong lagi ate God bless po
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo nasayang nga ang mga papaya, di ako marunong gumawa ng atsara kasi...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang dami po palang nasira, same sa bagyong sendong n humagupit dito sa aming lugar.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo ang hirap pala pag Super typhoon mag landfall sa lugar natin
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations!
This post has been recommended for Booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Evaluation Date: December 18, 2022
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit