Diary Game Season 3 September 22, 2021/Bumaba Ng Bayan

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Hello sa lahat,

Kumusta? Ipagkaloob nasa maayos tayong kalagayan at iwas sakit.

Ibahagi ko sa inyo ang ganap ko sa araw na ito. Salamat walang ulan, kulimlim lang ang kalangitan. Maaga kaming gumising at naghanda bumaba ng bayan dahil deadline ngayon ang bayaran ng ilaw. Ng nakaalmusal at nakaligo na, ako, asawa ko, apo ko at yong anak kong lalaki ang nagdrive ng van ang umalis at unang pinuntahan namin ang CEBECO.

inbound7598979785312925961.jpg

Gaya ng lahat ng mga opisina bago pumasok ay maghugas ng kamay at kailangan completong face mask at face shield, tapos kuhaan ng temperatura. Hang daming nag bayad at ipinatupad ang social distancing may palatandaan kung saan tatayo ang mga magbabayad, sinasaway ng guard pag di ka aapak sa linya. Salamat at madali lang nakaabot sa cashier at walang penalty.

Sunod naming pinuntahan ay ang hospital bumili ako ng multivitamins ni hubby ko sa pharmacy nila. Sumunod punta kaming Watsons bumili pa ng mga gamot na aming kailangan. Pagkatapos pumunta kami ng mall, sa SuperMetro bumili ng mga kailangan sa bahay. Pero ang importante yong kailangan ng asawa ko yong pagkaing pang diabetic.

inbound2284345157495522191.jpg

Ng nasa cashier na ako nakita ko nanaman ang display nilang cake sa estante, ito ay kinunan ko ng litrato, nagandahan lang ako sa pagkagawa.

inbound4775394240183461115.jpg

Ng lumabas na ako nagyaya na ng kumain asawa ko. Kaya punta kami sa unahan sa may tabing daan lang yong suki namin masarap ang luto at mura lang. Kanya kanya kami ng order.

inbound7321394467855698164.jpg

inbound4721810552539230524.jpg

Sa apo ko at anak ko Sisig, Stir Fry Vegetable at buffalo wings ang sa kanila. Sa asawa ko naman pancit lang ako naman yong gulay lang. Masarap ang pagkaluto nila. Busog na busog kami. Pahinga sandali at kami ay umuwi na dahil lulutuan ko pa ng pagkain ang mga aso eh lalo na bagong anak lang ni Butchak at si Paupau, ito ang aso naming nawala sa Lapu-lapu City pa kami dati. Buti nakita ng anak ko sa isang Carenderia doon.

Pagkatapos kong nagluto at pakain sa mga aso ako ay nagpahinga. Naggansilyo saglit, may inumpisahan akong panibagong blouse ko.

inbound8131722595958686649.jpg

Ganda ng kulay nyan purple.

Hanggang dito na lang sana'y naaliw ko kayo. Salamat sa pagbasa.

Inimbitahan ko si @jewel89 @aideleijoie @reginecruz na sumali sa Diary Games

inbound5088262988538385091.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

sa part ng pagkain, nagutom tuloy ako ate 😁 , salamat sa pagbahagi nG iyong diary post.

Magkanu naging bilk nyo po mi sa cebeco? Kakagutom naman mga food nyu mi 😋
Anung new blouse project mopo mi?

Dami pagkain ate.. Nakakagutom

Mao gyud...