Diary Game Season 3/Week 18/ September 10, 2021/Namunga Ang Ampalaya

in hive-169461 •  3 years ago 

Hello sa inyong lahat,

Kumusta kayo, ipagkaloob nasa mabuting kalagayan tayo ngayon kahit saan mang sulok ng mundo kayo, masigla, masaya at walang sakit.

Ngayong araw na ito ibahagi ko sa inyo ang aking kasayahan na di mabibili ng salapi. Parang kailan lang siguro buwan na ang lumipas may nakita akong maliit na punla ng ampalaya. Ito'y aking kinuha at nilipat sa may pader, hinarang ko ang hollow blocks tapos nilagyan ko ng organic na lupa. Di ko namalayan ito'y lumaki na at kumulat na sa barbed wire. Ngayon ito ay madami ng bunga.

inbound9149168052921961820.jpg

inbound8454567344025785544.jpg

inbound4313573532597090779.jpg

inbound3845072652028743100.jpg

Timing ang anak ko ay nagluluto sa dirty kitchen, tinawag ko siya at tinuro ko ang mga bunga. Sabi ko lutoin na niya para pang tanghalian. Tuwang tuwa ang aking anak at nag video sa ampalaya. Pinitas at nag ready ng lutoin. Binigyan ko siya ng 5 itlog pang halo. Ito naman ay kanyang niluto. Nag gisa ng bawang, sibuyas, sili, tapos ang ampalaya ng ginayat ng maliliit, tapos nilagyan ng scrambled na itlog, nilagyan konting asin. Hayaan may tanghalian na kami!

inbound4222155375382830843.jpg

Ngunit ako'y takam na takam na. Di na ako nakahintay ng tanghalian. Naging almusal kona pares ng kanin mais. Bilib ako di mapait itong variety na tumubong ampalaya. Ang sa palengke lagi ako makatiming na mapait kaya bihira lang ako mag ulam ng ampalaya.

inbound4465201903262340696.jpg

Ang mga benefits pala ng ampalaya o bitter gourd sa english o momordica charantia ay napakamasustansya siya na gulay, at makatulong bumaba ang blood sugar, lumalaban sa cancer, mag sa cholesterol, maka tulong sa pag bawas ng timbang, masarap at kahit hilaw puedeng kainin. Ang maigi dito ay gawing juice puedeng isabay sa mga ibang gulay at prutas.

Dahil sa dami ng bunga nitong ampalaya namin subukan ko siyang e salad at iba pang putahe para di mag sawa kailangan iba ibahin ang paghanda ng ampalaya.

Ako ay may karanasan nitong ampalaya. Noong maliit pa ako mga grade 3 ako, doon ako tumira sa isa kong tiyahin. Galing pa kami ng Jolo,Sulu lumuwas kami ng Cebu dahil nabaril ang tiyohin ko sa side ng aking Tatay. Ng dumating kami dito sa Cebu napansin ng tiyahin ko na ako'y payatot daming kuto at bulate sa tyan. Kaya gi suggest niya na maiwan ako sa kanila para tumaba.

Umuwi ulit ang aking Nanay , Tatay at kapatid kong lalaki sa Jolo, Sulu. Ako ay naiwan dito sa Cebu. Sus, laging nag gugulay ng ampalaya ang tiyahin ko e hindi ako kumakain ng gulay. Kaya isang taon ako nagtiis at umiyak tuwing kain namin dahil hang lalaki ng hiwa ng gulay at dapat kong ubusin. Maldita yong tiyahin ko pero ang bait ng asawa. Naawa sa akin. Pag umalis ang tiyahin ko saglit sa lamesa, ang tiyohin ko ang kakain sa gulay na di ko nauubos. Pag balik ng tiyahin ko di siya maniwala ako ang nakaubos. Kindatan na lang ako ng tiyohin ko. Kaya parang may phobia akong kumain ng ampalaya.

Pag balik ng Nanay ko ako ay wala ng kuto at bulate sa tyan at tumaba na ako.

Hanggang dito na lang sana'y naaliw ko kayo.
Iniimbitaha ko si @reginecruz @aideleijoie @yoieuqudniram na sumali dito sa Diary Game.

Nagpapasalamat sa inyong pagbasa,

inbound1162367757309790159.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I love bittergourd. I also love its leaves mixed in monggo. This is nice to see members doing self-sustaining activities.

Thanks for passing by MOD. Yes freshly picked.

Mi ang saya naman may tanim po kayo na ampalaya. Masarap po yan lalo na nakagisa. Sarap po talaga may tanim sa bakuran.

Oo di ko nga akalain mamungga na

Wow momshie @jurich60 nakakatuwa naman namunga na po tanik mong ampalaya at dumamai nadin sila 😍 at isa pa ay hnd pla mapait 🤩
..naranasan mo pla noong maliit ka mommy pilit kumaen ng gulay hahahahha

Oo libre na ulam

Paborito na sa akong anak ang ampalaya ate. Fresh from the garden gyud ni imuha.

Thank you for sharing your diary post.

Mao bitaw ganahan na ko makaon kay dili pait

naa koy tanum diri na ampalaya pero d man mutubo dagko ang bunga hehe kulang guro ug fertilizer.

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

Ang ganda ng istorya ng buhay mo sis, mabuti at may maldita kang tita na mahal ka at gusto kang alagaan. Maldita man sya sa panignin mo ay kabutihan mo lang naman ang inaalala nya. OO mapait ang apmaliya ngunit nakakabuti ito sa katawan. Bihira lang din akong kumain ng ampalaya noon dahil napapaitan ako. ngunit noong nag asawa na ako ay masarap mag luto ang asawa ko ng ampalaya, kaya mula noon, ginaganahan na akong kumain ng gulay na ito. tanda ko din noong bata pa ako, iniihaw ng nanay ko at nilalagyan ng ginamos at kamatis, nako sarap na sarap sya sa pag kain ngunit di ko matiis dahil napaka pait. . Sana ay mamunga parin ng marami ang iyong ampalaya sis.

Wow! Shocks kakainggit tanim nya! Inulam pa! Winner!