Diary Games Season 3/ Week 20/ October 12, 2021/ May Wifi Na Kami At Ibang Ganap

in hive-169461 •  3 years ago 

Halo Ka Steemians,

Kumusta na kayo? Ipagkaloob kayo ay malusog at masaya saan man kayo naroroon.

Kung ako ang tanungin naman ninyo ayos lang ako at masaya dahil kinabit na ang internet connection namin ngayon lang hapon na may taglay na 20 mbps monthly subscription sa PLDT, dito sa kapitbahay namin nag franchise nito. Maasikaso ko ng muli ang YouTube Channel ko, nahinto ito dahil sa magastos ang load load lang o data ang aasahan pang wifi.

inbound1041890704984473655.jpg

Pero bago nakabitan, nag patayo kami ng sariling dalawang tubo sa daan pa punta sa amin. Mabuti at huminto na ang ulan. Meron nga mga tubo na puede sanang gamitin na ngunit laging wala ang may ari ng bahay. Kaya nap-ilitan kami magsarili nalang para wala ng isipin maka utang na loob. Heto yong apo ko na lang nag ayos sa pag patayo ng tubo.
Kasama ng anak ko sinimento para matibay.

inbound4320397475916896411.jpg

At pinatigas mga dalawang araw. Habang nagkabit ng wires sa labas para sa connection, ako ay nagluto ng tanghalian. Pinitas kong muli ang bunga ng Ampalaya yong pinakalaking bunga. Di nga namin akalain na lalaki ang bunga.

inbound4232508091828140448.jpg

inbound5074768144029589146.jpg

At marami akong nakuhang buto pang punla muli. Ipagkaloob tutubo ito, dahil magandang padamihin ang pagtanim dahil maganda ang lahi neto hindi talaga mapait ang ampalaya. Hinaluan ko lang ng 6 na itlog at ginisa, aw busog na. Salamat talaga nagtanim ako ng Ampalaya at ito'y aming naging ulam preskong presko. Walang chemicals, tanim sa natural na paraan.

Sa ibang dako naman ipakita ko inyo ang mga gawa ko or ginasilyong Wind Spinners at ikinabit ko sa alateris sa harap ng bahay. Pag humangin nag spin sila, kaayaayang tingnan, kaya gagawa pa ako ng marami. Nakakatuwa silang tingnan. Nagpasaya ng damdamin.

Ito ay puedeng ipakamunti sa balkonahe ng bahay o sa bintana o sa christmas tree lalo ngayong parating ang pasko. Sandali lang itong gawin at ang mga baguhan sa paggagasilyo ay kaya itong gawin para maaliw at maensayo at mahasa ang kanilang paggawa. Puede itong dagdagan pa ng maliliit na bells para tumunog pag spin nila pag humangin na ang sarap sa pakiramdam pakinggan bawat tunog.

inbound7983420412150770535.jpg

Hanggang dito na lang sana'y naaliw kayo sa kuwento ng araw ko.

Inimbitahan kong sumali dito si @jewel89 @aideleijoie @yoieuqudrinam

Naka set ng 20% sa beneficiary para sa Steemit Philippines Community.

Nagpasalamat sa inyong pagbasa,

inbound4383669059571790910.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Yehey!! Steemit pa more at iba pa!!!

Thanks yeah Steemit pa more...

Hello ate @jurich60 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 20 ng Diary Game Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Congrats ate 😊

Maraming Salamat...

Walang anuman po ate. 😊

Ansarap nung amplaya with egg ate lalo nat may tuyo na kasama much more, freshly picked and organic.. Buti jan sa inyo nakakapagtanim ka ate. At pag may itinanim, may aanihin hehe

Oo puera buyag dako ang lugar ka tamnan, ang time lang ug tuhod sakit na ilingkod mangguna...

  ·  3 years ago (edited)

So happy mommy @jurich60 meron nakayong wifi 🎉🎊
..nakakatuwa naman yung ampalya mo mi sagana mamunga 😋😋😋
Cute ng wind spinner mopo 😍😍

Oo but ayaw man gumana sa cp ko Wel need i update yata CP ko

Daghana ampalaya ate oi..Fav nako na...

Bitaw sarap simple ulam lang.

Ang galing naman ng wind swinger na yan. gusto kong gumawa niyan sis. kaya lang di yan pwede sa i-hang sa labas ng house dahil mababasa at pupusyaw ang kulay ng thread.

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Thank you much