Diary Games Season 3/September 21, 2021/Nanganak Na Si Butchak

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Kumusta mga kababayan ko sa kommuniting ito? Ipagkaloob nasa mabuting kalagayan ngayon kahit saan man sulok ng mundo tayo at iwas sakit.

Kanina mga 4:30 gising na si hubby kaya gising na din ako dahil ipagtimpla ko siya ng kape at tulongan lumipat sa upuan niya. PWD na kasi si hubby di na siya maka tindig sarili niya kailangan pa ng alalayan. Tapos nag luto na ng itlog pakuloan faborito niya ang hard boiled egg at lugaw na bigas mais. Para di gaanong tumaas ang blood sugar ni hubby kaya bigas mais ang aking sinasaing. Numero 16 yong pinaka pino. Nabibili ko ng 50pesos isang kilo. Dito lang ako namimili sa kapitbahay ko kasi masarap yong stock niya.

Tapos kong mag luto, gi off ko na lahat ng ilaw na pina pailaw namin magdamag buong palibot ng property. Hang laki ng bill namin sa kuryente. Kaya gusto kong mag solar na lang naghahanap pa ako ng nag benta ng murang solar panel pang street light. Ng tumaas na ang araw nakita ko pa si Butchak lumalakad ngunit napansin namin nabibigatan na siyang umakyat sa roof deck. Binigyan ko si Butchak ng makain ngunit di niya pansin. Ng tanghali gi snob lang ni Butchak ang mga buto ng manok binigay ko
Ayaw niyang kumain. At balisang balisa siya, sabi ko mangaganak na ito. Wala pang pananghalian may naririnig na kami iyak ng mga tuta. Ay! Nanganak na si Butchak!

inbound4193522294291131809.jpg

Doon siya sa may banyo sa loob, nilagyan ko ng kumot yong hinihigaan niya... Panay siya higa lang doon. Yon pala manganak na. Dalawang itim nakita ko at isang puntik puntik ang kulay.

inbound5104851642781078157.jpg

Ayaw kumain ni Butchak kaya tinimplahan ko na lang siya ng gatas. Buti inubos niya pag inom. Akala ko tatlo lang anak niya ng unang kong tingnan ng umalis ako para mag laba.

inbound6008853483503864339.jpg

Tuwang tuwa din ang kafamilia ko sa Olongapo tungkol sa pag anak ni Butchak. Pagbalik ko ay di patapos sa pala pag anak si Butchak may isa nanaman nadagdag na tuta pure gray ang kulay. At may iba pang kulay bale lima na silang tuta. Buti na lang umiilaw pa Solar flashlight para pag gabi may ilaw si Butchak. Di ko kasi napa arawan ng ilang araw na. Buti umilaw.

Ay,maisinggit ko pala ang tanghalian namin. Tuyo! Nag sawa na ng baboy at manok na ulam namin kaya ito namang tuyo at kamatis. Bihira lang kami magganito dahil maalat.

inbound725056413325376088.jpg

Napasarap tuloy ng kain!

At nagluto din ako ng kamote pang merienda.

inbound5502905119520665906.jpg

Pagkatapos ng pananghalian ako'y nagpahinga nna. Naggansilyo ng iba na naman aking masuot.

Hanggang dito na lang at ako'y antok na antok na.

Maraming salamat sa pag basa.

inbound338128432837649520.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Oi naburos gyud diay si butchak.Ate?

Lagi Ay bisan strict ang parents naka ipsot gyud

Buwad lang ako te hehe.. Paresan ug mais na binlod.. Makagutom man hehe

Mao lagi sarap ang buwad ug mais na kan on

Si Francine din namin nasa kabuwanan na. Sana ok kasi last time Patay lahat. Good thing for Butchak talaga. Dami mo nang sekyo nyan haha.
Hmmm makabili nga din Ng tuyo bukas. Minsan lang naman eh. Buluyagon mga tiguwang na ba hehe

Lami ang buwad ba

  ·  3 years ago (edited)

Ang cute naman ng mga puppies ate, at sa pagkain naman nagutom tuloy ako, salamat sa pagbahagi sa iyong steemit diary post, Godbless 😊

Thank you for dropping by...

Youre welcome ate 😊 Godbless you

Nakakatuwa naman mi nanganak si buchak tska buhay lahat. Na missed ko yang crispy kamote mo mi 😋😋😋

ang cute po ng mga puppies

Oo ang cute talaga

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Thank you much much...