Hello po sa inyong lahat mga ka steemian. Dito sa Steemit Philippines Community. Isang napakagandang araw po sa inyong lahat. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kahit pandemic ngayon. Hindi lahat ng pangyayari ay masama. Meron din mga pangyayari na kung iisipin natin ay dapat din nating ipagpapasalamat.
Itong picture na ito ay kuha ko ngayon araw na ito. Habang naglalaro ang aking mag-ama. Katulad naming mag-asawa meron kaming trabaho. Ang aking mister ay nasa isang kompanya dito malapit sa amin. At aku naman ay nagtratrabaho bilang isang kitchen helper sa isang restaurant. Noong wala pa ang pandemic ang day off namin sa isang linggo ay isa. Ako sa tuwing sabado at ang aking mister ay sa linggo. Hindi magkakasabay ang aming day off kaya bihira lang nagagawa namin ang tinatawag na family bonding. Ang mister ko sa tuwing walang trabaho or day off siya ang naglalaba, nagluluto at nag aalaga ng aming dalawang anak. Kaya hindi na siya masyadong nakikipaglaro sa mga bata kasi dahil sa maraming gawain.
Dahil sa pandemic malaki talaga ang pinsala sa aming hanap buhay. Kalahati sa aming sahod ang nabawas. Ang pagkain din namin malaki na ang pagkakaiba kung dati halos maraming prutas sa aming hapagkainan ngayon ay kunti nalang. Peru ngayong pandemic masasabi ko na kahit maraming mga bagay ang nawala. Marami din ang mga bagay ang tumibay. Katulad ng samahan ng aking mag ama. Habang nagkipaglaro ang aking mister sa kanyang dalawang anak na babae. Dahil sa tuwa ng aming bunsong anak bigla niyang hilakan ang kanyang ama sabay tawa. Kita ko sa kanilang mga labi ang saya. Na kahit minsan hindi namin nakita o narasan noong nagtratrabaho kami. Nasabi ko sa mister ko na sana palagi kaming ganito. Na kahit gaano kami ka busy sa mga trabaho namin. Maglalaan kami ng oras para sa mga anak namin. Alam ko na dahil sa pandemic na ito. Marami na ang pamilya ang magkasabay kumain at higit sa lahat ma enjoy na ng mga bata ang pakikipaglaro sa kanilang mga magulang. Malaki na ang oras na Mailalaan para sa pamilya.
Hindi ko lubos maisip na ang simpleng bagay na nagawa ng mister ko. Isang napakalaking bagay na para sa mga anak namin. At doon ko naisip na kahit kinapos kami sa income ang importanti. Magkakasama at masaya ang aming pamilya. Hindi namin lubos maisip na dahil busy kami sa aming pagtratrabaho na palayo na pala kami sa aming mga anak. Kaya ngayon pandemic naisip din namin na isang paraan para yong mga magulang na babad sa trabaho. At kung kaya minsan nalimutan na ang ibang obligasyon sa mga anak. Kahit mahirap ang buhay ngayon masasabi Kong kakayanin namin. Basta huwag kalimutan laging magpasalamat sa Dios.
Ito po si @lailyn.lariosa ang ka steemian ninyo sa araw na Ito.
Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan sina @noaj,@autumnbliss at @chibas.arkanghil na sumali sa contest na ito.
Maraming Salamat po sa pagbahagi ng iyong entry sa contest na ito.
Tama po kayo, ngayon pandemic marami man ang naidulot na di maganda, meron din naman mga magandang bagay na nangyari. yung nabanggit nio na may more time tayo ngayon with our families. Isang bagay na dapat din natin ipagpasalamat.
For more updates po, pwede nio pong bisitahin ang mga post ng ating community curator @steemitphcurator.
ingat po kayo lagi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat din @me2selah ingat din po kaayu
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Inspiring. I love the grain of sands effect on the photo. So creative! ^_^
Total Rating: 9.1
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you mam @fycee
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you sir @juichi
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit