The Diary Game Season 3(8-27-21) Spending Quality Time

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang araw mga ka steemians, Dito sa steemit Philippines. Katulad ng isang Magandang araw, Ang ganda ng panyayari sa araw na ito. Isang linggo akong walang pasok sa trabaho ngayon. Dahil sa MECQ kunti nalang ang mga kumakain sa mga restaurant. Kaya na pagpasyahan naming magkakapatid na sospresahin ang amping mahal na ina. Bago kami makarating sa bahay nang aming ina. Dumaan muna kami sa isang maliit na tindahan. Para bumili ng mga pasalubong sa mga anak nang nakakatandang kapatid namin na babae. Syempre hindi rin mawawala ang paboritong inumin nang aming ina ang "kulafu".

received_1959139484237612.jpeg

Dumating kami sa bahay nang aming ina mga pasado ala una na nang tanghali. Hindi kami nag-iingay dahan-dahan kaming naglalakad papasok sa bahay ng aking ina. Natutulog ang nakakatandang kapatid namin at nasa tabi niya ang kanyang bunsong anak. Habang ang aming ina naman ay nasa likod nang kanilang bahay. Pagpasok namin kinuha nang aking kapatid ang silya at bigla niya itong itinapon. Kaya bigla silang nagising at gulat na gulat kung sino ang nagtapon nang silya. Peru nung makita nila kami ang gulat at napalitan ng malaking tuwa. Sabay sabi akala ko kung sino kayo palang dalawa Sabay tawa.

received_1548239195510828.jpeg
Naupo kami sa may hagdan ng kanilang bahay habang nag-uusap. Pinag usapan namin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay namin tapos sabay ng mga malalaking halakhak. Kahit sa kunting oras nalimutan namin ang aming mga problema. Pagkatapos ay naisipan naming magkuha nang litrato. Kaya naisipan namin ang ibat ibang pose. Nag beauty queen pose at waki pose kami. Tawang tawa kami nung nakita namin ang aming mga sarili sa cellphone. Lalong lalo na ang aming mahal na ina kasi hindi niya akalain na nagawa niya ang beauty queen pose. Dahil sa mga ipinag gagawa namin hindi namin namalayan ang oras. Ang bilis talaga nang takbo ng oras pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Kaya ang kaunting kasiyahan ay napalitan nang kaunting lungkot kasi oras na para umuwi sa aming mga tahanan. Nakita ko sa mga mata nang aking mahal na ina na nalungkot ito. Peru Kahit papano napasaya namin siya sa aming pagdalaw sa kanya.

received_139562838352097.jpeg
Hanggang dito nalang ito si @lailyn.lariosa ang inyong ka steemian sa araw na ito.
God bless!!
Stay safe!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow! Girl power with kulafu…😂

Yes! Sir @juichi power of kulafu make stronger to my mother.. 😅

Gibisita namo kay naglu-od 😄

Hehe yah right😁

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja