The Diary Game Season 3(October 02-2021)Our life here in Olango

in hive-169461 •  3 years ago 

Good day sa inyung lahat, kumusta na kaayu Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan. Gusto ko ipalam sa inyu ang buhay namin didto sa olango Ngayong may COVID 19.

IMG_20210926_093213.jpg

Nagising Kami mga pasado 6:00am Ng umaga para pumunta sa palengke namin dito sa sta.Rosa olango. Dahil sa Mahal ang pamasahe dito lalo na ang single na motor. Naisipan namin para makatipid sa pamasahe maglakad nalang Kami. Kaso kailangan pa namin na hintayin na bumababa ang dagat. Oo tama sa dagat Kami dadaan. Kahit malayo at mainit titiisin Kasi yung ipamamasahe namin ibibili nalang namin ng miryenda. Dito sa amin sa Talima olango ay maituturing na ma swerti parin kami dito dahil kahit hirap sa buhay ma swerti parin. Dahil pwedi kaming maglakad sa dagat para magbili ng mga gulay at bigas. Kasi ang ibang lugar dahil sa malayo kinakailangan talaga nila ang sumakay. Mas makakatipid kasi kami pag sa palengke kami bibili ng aming mga pangangailangan. Kasi sa totoo lang mas Mahal na ang presyo dito sa amin.kaya titiisin nalang namin ang pagod para makatipid.

IMG_20210926_094149.jpg

Kasama ko ang dalawang kapatid na babae ng aking asawa. Habang naglalakad kami naisipan Kung kumuha ng mga litrato. Malayo layo pa ang aming lalakarin Kaya naisipan namin na habang naglalakad ay mag kwentuhan tungkol sa mga pangyayari sa aming mga buhay. Ang hirap talaga ng buhay dito sa olango. Lalo na pag umulan. Kapag namamalengke Kami nag susuot kami ng short. Kung Hindi naman nag dadala kami ng extrang damit pangsuot sa ibaba kasi may parti ng aming daanan na Hindi masyadong bumababa ang dagat. Kaya kailangan namin magsuot ng short o Di kaya magdala ng mapalit. Dati noong una ko palang naka daan dito. Grabi talaga ang takot ko baka Kasi tumaas yong dagat. Peru Ngayong nasanay na ako sa buhay nila dito parang wala nalang sa akin sa tuwing dadaan ako dito.

IMG_20210926_094257.jpg

Peru kahit mainit malayo sulit parin ang aming paglalakad kasi naka tipid kami ng aming pamasahe. Ang pamasahe Kasi namin ay forte pesos Kada isa Ka tao papunta na at pabalik. Halos kalahating oras ang aming nilalakad. Peru ang pinakamahirap sa lahat ay yung pabalik na kami tapos ang dami naming dala. Talagang sobrang hirap talaga ng buhay dito sa Isla olango. Lalong lalo na ngayong may pandemic sobrang hirap. Peru dahil nature lover ako na enjoy ko ang bawat dinaanan namin. Lalong lalo na ang mga halamang dagat na nasa paligid. Ang simoy ng hangin na sobrang bango na walang usok ng sasakyan ang maaamoy. Kaya balewala lang sa amin ang init at pagod. Ginagawa namin ito para makayanan ang hamon ng kahirapan dahil sa dulot ng COVID 19. Kahit hirap Kami sa aming pang araw araw na hamon. Nagpapasalamat parin kami sa poong may kapal.

IMG_20210926_111034.jpg

Maraming Salamat Ito ang inyong Ka steemian @lailyn.lariosa stay safe and God bless us all.

Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan @autumnbliss @chibas.arkanghil at si @noaj na sumali dito.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Magandang gabi @lailyn.lariosa. pag balik niyo sa bahay galing palengke sasakay na kayo ng pumpboat?

Maglakad parin sa dagat @chibas.arkanghil

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!