Steemit Philippines Photography Contest Week #6 - LIFE STORY - "Share a Great Memory of a Deceased Loved One"

in hive-169461 •  3 years ago 

Happy Halloween kabayans and to all steemians! Wishing you all are safe and healthy! 20% of this post goes to @steemitphcurator

CollageMaker_20211031_181455652.jpg

Today let me share those Great Memories I have with my beloved parents who passed away.

"Butterflies" are known to be the spirit animal that embody the soul of a departed loved one which I assumed as my beloved parents soul that visited me that I couldn't remember when exactly but reminded me of them. It was during night time when I went home and being alone I have that mindset na "uuwi ako kapag matutulog na ako" because of how lonely I felt whenever I remember those times when they were alive. That moment na papatayin ko na sana ang ilaw ay tumambad sa akin ang dalawang butterflies na nakunan ko that time and by looking at them being so close to each other brought back memories on how they were when they were at home.

CollageMaker_20211031_182002091.jpg

Mama was known to be the kindest person and the super friendly type that anyone she mets would felt that welcoming aura she possessed. She was the first and sweetest woman I love. Those memories with her I treasured the most was her laughter while Papa was like the hard person just by looking at him but has the soft heart when it comes to family. Though they weren't the perfect parents because we all know na walang perpekto sa mundong ito but I know na they tried and did their best to raise me well.

PSX_20211101_160350.jpg

Memories with Mama that's unforgettable was our bonding time at home. Bukas palad siyang naghihintay sa amin ni papa kung kailan kami uuwi galing sa trabaho na nakahanda na ang pagkain upang sabay-sabay kami sa pagkain. Nanatili siya sa bahay simula nang nagkaroon siya ng sakit sa lalamunan (known as Goiter) kaya pinahinto siya ni papa sa dating trabaho kung saan siya ay isang production worker at itinutok na lamang ang oras sa amin at kaunting gawain sa bahay dahil ayaw din namin siyang magpuyat masyado. Sa kabila ng kalagayan niya ay ipinapasalamat ko na nakikita ko ang pagiging masiyahin niya na parang wala lang ang sakit niya. Nakuha niya pang makipag-selfie sa akin kung saan kuha niya ang litrato sa itaas na medyo blurry ng mga panahong buhay pa siya. Mahilig siya sa pagkuha ng litrato kahit blurd ay tuwang-tuwa na siya nyan na ikinasasaya ko din tuwing naririnig ang tawa niya. Minsan nagiging joker din yan at parang bagets kung makipag-usap sa akin which is okay lang kasi parang naging instant katropa si mama at comfortable lang ako na mag-open sa kanya whenever may problema ako or hihingi ng payo. Mama was a fighter until her last breath na kahit masakit ang pag-iwan niya ay pinilit kong tanggapin na rin upang hindi na siya magdusa sa sakit na matagal-tagal niya na ring nilalabanan.

PSX_20211101_160545.jpg

With papa naman na memories ay those times na sinamahan ko siya kung saan siya nagtatrabaho ay dun na din ako nagtrabaho para mabantayan ko siya. We have this relationship na love and hate kasi nga saan pa ba ako magmamana kundi sa kanya lang din naman. Sabay kami sa pagbiyahe para pumasok sa trabaho maging sa pag-uwi sa bahay at yun ang naging daan upang makapagbonding kami at magkausap during break time at sabay na din sa tanghalian na inihanda ni mama. Hanggang sa kaming dalawa ni papa nalang ay ganun pa din ang routine namin kung saan nagtutulungan kami sa gawaing bahay at sa pang araw-araw na paghahanda. Makalipas ang ilang taon ay nagkasakit din si papa sa kidney na lubos kong ikinatakot at nangyari nga na pati siya ay iniwan din ako.

Inaamin ko minsan din akong naging sakit sa ulo ng parents ko during highschool at college na pinagsisihan ko na at kahit papaano ay naiparamdam ko sa kanila noong mga panahong buhay pa sila. Hindi man sila naging perpekto bilang magulang at tao maging ako o tayo ay hindi perpekto dahil walang perpekto sa mundong ito and we can only do the best as much as we can at sa lahat ng nagbabasa na mayroon pang mga magulang, take your time at spend time as much as you can before the regret will come just like me.

My only hope and prayer is that they will both be at peace now and that will make me the happiest and at ease.

Maraming Salamat po at God Bless po sa ating lahat!

Iniimbitahan ko sina @jufranketchup, @sweetspicy and @moonlight-shadow na sumali sa napakaheart-warming na patimpalak na Photography Contest Week #6.

Mabuhay Steemit Philippines!

Sincerely yours,
@lealtafaith

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamat sa pag sali...

walang anuman po

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.7
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.7
Total Rating9.7

thank you so much sa rating sir😊

Take good care of our parents while they are still living indeed.
Overall rating: 9.8

yes thats right, also thank you for your rating😊