Maulan na araw sa lahat at naway nasa mabuting kalagayan ang lahat.
Ang unang buwan ng taon kung kailan ipinagdiriwang ang napakabibong kapistahan ng Sto. Niño sa Cebu City. Ang Sinulog Festival ay bahagi ng kultura na taon-taon natin ipinagdiriwang dito sa Cebu. Ito ang itinuturing na isa sa pinakamalaking festival at ang reyna ng lahat ng festivals sa Pilipinas.
Dahil sa mahigpit na health protocols na ipinatupad ng gobyerno ay mahaba ang naging pila upang makapasok sa Basilica Minore del Santo Niño.
Pagkatapos ng ilang oras na pagpila ay nakapasok din kami matapos i-check ang aming vaccination card na nagpapatunay na fully vaccinated kami. At ang nasa likod namin ay ang Magellan's Cross na nakapaloob sa kapilya na itinayo upang maprotektahan ang orihinal na krus na itinurok ni Ferdinand Magellan bilang pagsakop ng Spain.
At dahil walang face to face na misa ay nag-alay kami ng kandila at dasal bilang devotee ng milagrosong bata na Senyor Santo Niño. Nagdasal ako ng taimtim upang magpasalamat, humingi ng kapatawaran at nawa ay gabayan ako sa mga paparating na bagyo sa aking buhay at maging mabuting kalusugan ng aking pamilya at maging sa lahat ng taong malapit sa akin.
Aside sa religious aspect ng Sinulog festival ay kilala rin ito sa makukulay na street parties kung saan isinisigaw ang "Pit Senyor" habang nagbabaybay sa daan. Ang sayaw na inaalay naman ay naka-base sa sinaunang pangyayari nang dumating ang mga Spaniards at ang pagpresenta ng Santo Niño sa Reyna. Iyan ang mga dahilan kung bakit bibo at napakasaya ng festival na ito ngunit dahil sa pandemic ay ipinagbawal na muna ang mga activities na ito upang makaiwas sa pagtitipon ang mga tao. Sa ngayon pagdarasal at pag-alay ng kandila na muna ang pinapayagan.
Hanggang sa muli at masaya ako na maibahagi sa inyong lahat ito sa kabila ng pagkabusy ko this past weeks.
Maraming salamat po at God bless sa ating lahat!
Ang inyong kabayan,
@lealtafaith
murag lingaw jud kaau ka da
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kaayo maam, bahalag taas linya ang importante nakaabot pa ko ug dagkot maam🙂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wala sa tay covid ron... unya na anig human ba😁
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
mao gyud maam😄
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit