The Diary Game Season 3 ( November 4, 2021) | I am fully vaccinated and Delegating 50 SP to Steemit Philippines Community

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang buhay kababayan at sa lahat ng steemians! Nawa po ay protektado at malusog ang lahat.

20% set to @steemitphcurator as beneficiary

CollageMaker_20211104_141248703.jpg

Bilang paghahanda sa nakatakdang 2nd dose sa araw na ito ay maaga akong natulog kagabi upang makapagpahinga ng maayos ang aking katawan at maging handa sa araw na ito. At dahil nakapagpahinga ako ng mabuti ay maaga akong naghanda gaya na lamang ng pagkain ng umagahan, pagligo at pagsisipilyo upang makarating ng maaga sa bahay ng aking nobya na kasabay ko sa pagpapabakuna at gayun din ang pagsama ng kanyang ina upang magpabakuna na rin.

PSX_20211104_124759.jpg

Habang papunta sa sakayan ay nakakita kami ng kakilala na nagbebenta ng tubig, sigarilyo at candy sa tabi ng daanan kaya sinadya muna namin lapitan upang bumili ng tubig at nakakatuwa dahil napagtanto nilang mag-asawa na kami pala ang bumili at nakakataba ng puso ang saya nung nalaman nila na kami pala ang bumili, na kahit papaano ay makakatulong na rin. Pagkatapos ay sumakay na din kami ng jeep upang makarating na sa vaccination site.

PSX_20211104_124727.jpg

Pagkarating namin sa vaccination site ay nagulat kami sa dami ng tao at medyo mahaba-habang pilahan ang aming mararanasan. Nagtanong muna kami kung anong available na brand ng bakuna para sa 1st dose para sa kanyang mama ngunit sa di inaasahan ay hindi siya approve sa brand na iyon kaya pina-upo na muna namin ang mama niya dahil hindi siya mababakunahan sa ngayon at kami naman ay pumila para mag-attendance para sa aming 2nd dose at kumuha ng form at nagfill-up ng aming impormasyon. Pagkatapos ay pumila na kami upang ma-check ang aming blood pressure kung saan ayos naman at normal. Next na pinilahan namin ay ang interview kung saan patungkol sa mga allergies at ilang symptoms na naranasan namin which is allergies at kaunting sipon lang ang meron ako at nagproceed na kami mga ilang minuto na pilahan lang dahil mabilis din ang pagrespondi ng mga frontliners sa mga tao. After ng pagturok ng 2nd dose sa amin ay chineck ulit ang blood pressure namin na normal lang ay ibinigay na ang aming vaccination card at last ay ang attendance at umuwi na kami sa kanila dahil dun na daw kami kakain ng tanghalian dahil pasado alas-dose na.

Pagkatapos kumain ay nag #steemit na ako at nagsulat at nakapagdesisyon na sa Steemit Philippines Community ako magdedelegate since nakapag-power up na ako at medyo lumalaki na ang aking SP.

Delegating 50 SP to Steemit Philippines Community

PSX_20211104_142300.jpg

Since meron na akong enough SP to delegate ay agad-agad akong nagdelegate ng 50 SP sa ating community para kahit papaano ay makatulong ako bilang pagsuporta sa ating community na walang sawa ding sumusuporta sa ating lahat. Though kaunti pa lang ito, I hope na paunti-unti ay lalaki din ang magiging ambag ko sa Steemit Philippines Community. At dahil meron namang guide kung paano magdelegate ay hindi ko nalang iisa-isahin kung paano dahil makikita naman natin ito sa post ni steemitphcurator tuwing may update kaya ito nalang po muna sa ngayon ang maibabahagi ko sa araw na ito.

Masaya kong iniimbitahan sina @georgie84, @jufranketchup at @sweetspicy na magbahagi ng inyong Diary Game.

Maraming Salamat po and May Our Lord Bless us All and will Protect us All!

With sincere appreciation,
@lealtafaith

Mabuhay Steemit Philippines!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice move

hehe thank you aunte😊

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Thank you very much

Maayong sir na fully vaccinated na ka. pareha ta! amping kanunay!

yes po, maningkamot jud ta ani para protektado pero mag amping gihapon kanunay, amping pud!