Steemit Philippines Open Mic Week #7 Contest | Tanging alay by @liamnov

in hive-169461 •  3 years ago 

IMG_20211128_093115.jpg
Canva

Magandang araw sa inyong lahat lalong lalo na sa mga Filipino steemians sa buong mundo. Sana nasa mabuting kalagayan ang lahat. Ngayon ay nais kung ibahagi ang aking kwento sa kantang napili ko sa week na ito Laking pasasalamat ko sa panginoon na binigyan pa niya ako ng karagdagang buhay dito sa mundo. Kaya lahat na nangyari sa akin ngayon ay inaalay ko sa kanya.

Noong 2003 ay nasa kritikal ang condition ko nang pumutok ang aking appendicitis. Napasa pasa ako sa ilang hospital dahil sa kakulangan ng downpayment na hiningi ng hospital. Hanggang na operahan ako sa Cebu Doctors Hospital dahil sa tulong ng aking auntie. Hindi ko alam na malason ako kapag hindi maagapan agad at maoperahan ako.
Hindi ko alam na tinagalan na pala ang buhay ko nang isang oras at kalahati. Kung hindi agad maoperahan ay mawala na ako sa mundo. Laking pasasalamat ko na binigyan pa ako ng panahon na mabuhay at para makatulong sa kapwa. Kaya naging successful ang operation at ngayon buhay pa ako. Sa panahon na iyon ay doon po ako nakapag celebrate ng birthday ko sa hospital.
At sinundan pa din iyon ng isang pangyayari na naging hadlang na magkaroon ako ng anak. Noong 2009 na ay nabuntis ako pero hindi tumubo ang bata sa sinapupunan kung hindi nandoon lang sa fallopian tube. Kaya kailangan ko naman mag undergo ug operation uli. Dapat tanggalin ang bata sa tubo dahil kapag hindi iyon makuha agad ay manganganib naman ang buhay kapag pumutok ang fallopian tube ko. Kaya minadali ang pag opera nito para hindi ito punutok.
Hanggang ngayon ay hindi na ako ma buntis .
Ang ginawa ko ay pinaaral ko ang anak ng pinsan ko na kapos sa buhay para makatulong din sa kanya.
Laking pasasalamat ko din sa Steemit na ma share ko ang aking kwento hinggil sa kanta na napili ko. At salamat din ni mam @olivia08 na nagbigay nang patimpalak na ito. And thank you #steemitphilippines for the support to all steemians out there.
At ito ang kanta na maialay ko sa inyo.

Ito po ang lyrics sa awit na ito

Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig Mo
At inangking lubos

Ang tanging alay ko sa 'Yo, Panginoon
Ay buong buhay ko, puso at kalul'wa
'Di makayanang makapagkaloob
Mamahaling hiyas, ni gintong nilukob

Ang aking dalangin, oh, Diyos, ay tanggapin
Tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling

'Di ko akalain
Ako ay binigyang pansin
Ang taong tulad ko'y
'Di dapat mahalin

Ang tanging alay ko sa 'Yo, Panginoon
Ay buong buhay ko, puso at kalul'wa
'Di makayanang makapagkaloob
Mamahaling hiyas, ni gintong nilukob

Ang aking dalangin, oh, Diyos, ay tanggapin
Tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling

Aking hinihintay (hinihintay)
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Mo'y
Kagalakang lubos

Ang tanging alay ko sa 'Yo, Panginoon
Ay buong buhay ko, puso at kalul'wa
'Di makayanang makapagkaloob
Mamahaling hiyas, ni gintong nilukob

Ang aking dalangin, oh, Diyos, ay tanggapin
Tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling

Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling

Source: Musixmatch

I will invite my friend steemians @gracetorrion @itsmejos @angelycong to participate in this contest.

Sincerely Yours,

@liamnov

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamatbsa iuong pagbabalik. Good luck. Salamat Hesus!

Salamat Sis sa pagjoin! maayo mn pud diay ka mukanta!

Thank you mam me2selah

Submit your lunk to the contest post dear.

I already submitted the link mam

Thank you inday!

Everythings happen for a reason ate
And life must go on😇@liamnov

Mahirap nga ang pinagdaanan mo sis, masakit ang mga nangyari. Pero ang plano kasi ng ating ama sa langit ay hindi natin maintindihan. HIndi natin madalas maarok.
Pero for me personally, pwede pa pa din namang maging mother kahit sa hindi mo tlaga dugo at laman. Yong pagtulong mo sa anak ng pinsan mo is very noble dahil marami ang magbenefit sa nagawa mo sa kanya.
God bless your dear heart sis.
Ganda ng song mo.

Thank you mam

your welcome sis.