Mabuhay at Maligayang Pasko!!!
Nitong mga nagdaang mga araw nga ay naibahagi ko sa inyong lahat ang panibago naming Feeding Mission na kung saan ay sa tulong ng Dios ay naging matagumpay ito. Para naman sa post na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang isang lugar na kung saan dinala kami ng kasamahan namin na kabataan na doon mismo sa barangay na iyon naka tira kaya alam na alam niya ang lugar na ito.
Pagtapos na pagkatapos nga ng aming Feeding Mission ay umuwi na kami pero dahil nga sa naka motor lang kami ay madali na lang sa amin na magpunta kung saan-saan gusto namin at dahil nga dito sa barangay na ito naka tira ang isa sa kasama naming kabataan, dinala niya kami sa tinuturing niyang magandang spot sa kanilang lugar.
Ang pag punta nga namin sa lugar na iyon na tinatawag din nilang Rogongon Peak ay hindi naging sayang dahil nga sa napaka ganda ng lugar na iyon. Medyo matirik siya at mabato sa pag akyat pero sa pagdating naman doon sa ibabaw ay mapapawi din naman ang pagod dahil sa ganda ng nakapaligid dito. Kitang kita mo talaga ang mga magandang bundok na nakapaligid at meron ding mga fogs na makikita dahil sa malamig ang panahon kasi medyo ma bundok din ang lugar na iyon.
Sa pagod ng aming feeding mission ay para naman din siyang napawi dahil sa pagbisita namin sa lugar na iyon dahil ang ganda ng tanawin at maganda ang simoy ng hangin. Pero masasabi ko din na medyo delikado ang lugar na iyon dahil walang mga safety precuations dahil hindi nga ito pang tourist spot talaga at kahit na sino lang ang pweding magpunta, kaya mag ingat lang talaga sa mga nilalakaran lalong lalo na kung ma ulan.
Sa kabuoan ay naging maganda ang pagbisita namin dahil na enjoy naman namin ang lahat ng mga nandoon at salamat sa Dios dahil naka baba at naka uwi naman kami ng safe at enjoy na enjoy.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
Mga dalagang Pinipina..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit