Ang Pagdiriwang ng Pastor's Sunday Celebration ng Ibang Simbahan na ako ang Guest Speaker - Sa Dios lamang ang Papuri!!!

in hive-169461 •  3 years ago 

Mabuhay at Mapagpalang Araw sa lahat!!!

Sa mga nakalipas na mga araw nga ay marami na naman tayong masasayang karanasan na napagdaanan at itong lahat ay sa tulong ng Dios at nagpapasalamat ako dito. Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang pag imbeta sa akin upang maging guest speaker sa kanilang Pastor Sunday Celebration.

Mga ilang araw nga ang nagdaan ay meron akong natanggap na mensahe galing sa aking kaibigan na Youth leader din sa ibang Simbahan at nag tanong kung pwede ba akong maging guest speaker sa kanilang Simbahan sa linggo para sa kanilang kauna-unahang Pastors Sunday Celebration. Pagkabasa ko sa mensahe nya ay parang nagdalawang isip pa ako kasi nga linggo ito at marami akong part sa aming Simbahan para sa aming Church Service pero nasa isip ko din na opportunity din ito para makapag share at maka pag-encourage ng mga kapatiran ko sa Simbahan na iyon, kaya ang sabi ko na lang ay mang hingi muna ako nang permission sa aking host Pastor at sinabi ko nga na inimbetahan ako sa ibang Church para maging guest speaker nila at walang alinlangan namang pumayag ang aking Pastor, at sabi ko na lang din na aayosin ko muna ang mga dapat gawin sa aming Church at ihahabilin ko na lang sa ibang kabataan na tinuroan ko.

image.png

Mga nasa oras na 7:30 nga nang umaga ay umaga nagpunta na ako sa aming Church at inayos ko muna ang mga dapat ayosin tulad ng mga sound system at ang aking laptop para sa powerpoint at inihabilin ko sa isa sa kabataan na tinuroan ko at nakuha naman niya ang lahat ng mga instructions ko. Pagdating ng mga nasa oras na 8:40 ay umalis na din ako papunta sa ibang simbahan na inimbetahan ako.

Mga nasa oras na 9:10 naman nang umaga ay nagsimula na ang Pastor's Sunday Celebration nila at sinimulan nga ito ng mga pagkata, papuri at pagsamba sa Dios na pinangunahan ng mga kabataan sa simbahan na iyon bagamat medyo maliit pa lang ang simbahan na ito ay taus puso naman silang nagsamba at nagbigay papuri sa Dios.

image.png

Pagkatapus naman ng mga pag-awit, pagsamba at papuri sa Dios ay kasunod na din ang pagbahagi ko ng mga Salita ng Dios para sa araw na ito. Dahil nga special ang araw na ito dahil Pastors Sunday Celebration nila, ang ibinahagi ko sa kanilang lahat ay papungkol din dito. Dahil ang pagiging Pastor/Pastora ay talagang hindi madali dahil sa maraming mga pagsubok at mga paghihirap simula sa pagsimula hanggang sa ngayong kasalukoyan kaya ang talaga mensahe ko na ibinahagi ay nagpapa-alala na kailangang merong pagtutulongan sa bawat isa, mula sa mga membro at sa kanilang Pastor/Pastora, hindi pweding isa lang ang gagawa, kailangang merong pagtutulongan sa bawat isa upang mas mabilis ang paglago at kahit na maraming mga pagsubok ang darating ay makakaya at malalampasan ang lahat ng ito sa tulong ng Dios at sa pagtutulongan ng bawat isa.

Humigit kumulang isang oras ang pagbabahagi ko ng mga salita ng Dios sa kanila at ang tanging dalangin ko na lang ay naintindihan nilang lahat ng mga naibahagi ko at mai-apply nila sa kanilang mga buhay dahil maging walang kwenta ang lahat kung hindi nila ito ma-aapply at magagawa lang nila itong lahat sa tulong ng Dios at kung meron silang pusong handang ialay sa Dios ang lahat. At ang panghuli bago ako magtapos ay tinawag ko ang lahat ng mga membro sa kanilang simbahan at ang kanilang Pastora at kanilang Youth Pastor sa gitna at nag-alay kami ng mga dasal sa kanilang dalawa.

Pagkatapos kong makapagbahagi ng mga salita ng Dios ay kasunod naman ang pagbahagi ng mga mensahe at pasasalamat ng Host Pastor sa Simbahan na ito at sa pagbigay niya ng mensahe ay talagang nagpapasalamat siya sa Dios dahil kahit na maraming mga pagsubok ang dumating sa buhay niya ay hindi pa rin siya pinabayaan ng Dios. Nagpapasalamat din siya sa lahat ng mga nagplano upang maging successful ang celebration na ito at habang nagsasalita nga siya ay hindi niya mapigilang umiyak dahil sa saya na kanyang nararamdaman.

image.png

Ang huling bahagi naman ay ang pagbibigay ng mga Certificate para sa aking sa pagiging guest speaker nila at pati na rin sa mga Pastors nila dito sa kanilang simbahan. Salamat nga sa Dios dahil sa naging matagumpay ang kanilang celebration na isinagawa at nagawa lamang namin itong lahat sa tulong ng Dios. Mga nasa oras na 12:15 na iyon ng tanghali kami na tapos at pagkatapos ay oras na nang aming pananghalian at salamat sa Dios dahil busog na busog kaming lahat sa oras na iyon.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!