#Club5050 || Diary Game Season 3 (11-22-2021) | Ang Aming Baby King2x ngayon ay Isang Taong Gulang na - Salamat sa Dios

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Isang Mapayapa at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

image.png

Isa na namang napakasayang araw ang nagdaan para sa ating lahat at lalong lalo na sa amin dahil sa araw na ito ay ipinagdiwang namin ang unang kaarawan nang aking pamangkin na anak ng aking kapatid na si @chishei2021 na si Chito John na mas kilala sa kanyang nickname na Baby King2x.

Mga higit isang taon nga namin itong pinag handaan na mag diriwang kami ng kaarawan ng aming Baby King2x at sa tulong ng bawat isa sa amin ay naging matagumpay ang lahat at ang Dios ang nag provide ng lahat. Bago nga sumapit ang araw na ito ay abalang abala na kami sa pag prepare sa pinaka espesyal na araw na ito, ang kanyang mga magulang na si @chishei2021 at kanyang asawa ay namili na ng ilan sa mga kailangan sa pagdiriwang kaya noong sumapit na ang araw na ito ay kompleto na ang lahat, kulang na lang ay ang pagluluto ng mga ito.

Mga nasa oras na 11:00 ng umaga nga ay malapit ng matapos ang pagluluto ng mga pagkain kaya upang makaayos na sa venue kung saan idaraon ang kaarawan ni Baby King2x, dinala na namin ang ibang mga pagkain lalong lalo na ang Lechon Baboy na mga nasa 80 kls daw ito, sobrang laki na ng baboy na ako mismo ang nagpalaki para sa espesyal na araw na ito. Pagsapit ng mga nasa oras 11:50 ay natapos na rin ang lahat at inayos na ng mabuti ang mga pagkain sa lamesa upang kapag oras na ng pagkain ay hindi gaanong magulo.

image.png

Bago nga kaming lahat maka-kain ay binigyan mona namin ng panahon na makapagsalita ang aming Pastor na pinsan ko rin kaya pamangkin din niya si Baby King2x. Nagbahagi mona siya ng mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat ito ang pinaka importante sa lahat, bagamat medyo hapon na ay binigyan pa rin namin ito ng panahon. Ito na rin ang pagkakataon na makapag alay ng mga dasal ang aming Pastor para kay Baby King2x para ma iwas ito sa mga sakit, dahil mga ilang araw na nagdaan ay medyo nagkasakit si Baby King2x pero sa tulong nga aming pagdarasal sa Dios ay naging maayos ni Baby King2x sa kanyang kaarawan.

image.png

Mga nasa oras na 12:45 na natapos ang aming Pastor sa pagnahagi ng mga salita ng Dios at pag-alay ng dasal kay Baby King2x. Nagpapasalamat din kami sa Dios dahil naging maayos naman ang lahat mula sa pagsimula hanggang sa oras na nang pagkain at salamat din sa Dios dahil kahit na medyo marami ang mga bisita ay naka kain naman ang lahat at meron pang mga natirang mga pagkain na kung sakaling meron pang mga darating na mga bisita ay meron pa silang makakain.

image.png

Ngayon pagkalipas ng mga ilang oras, pagkatapos na maka kain ang lahat ay oras na rin na mag blow ng mga candles sa cake si Baby King2x, pero dahil nga sa hindi pa ito marunong mag blow, ipinalaro na lang namin sa kanya ang mga icing ng kanyang mga cake, kaya pagkatapos na mapaglaruan ang kanyang cake ay maruming marumi ito at pagkatapos ay ibinahagi na sa mga bata at sa lahat ang mga cake, tuwang tuwa naman ang mga bata sa pagtanggap nila ng cake.

image.png


image.png

Mga nasa oras 1:30 ng hapon ay naging maayos na rin ang lahat, nakakain na ang lahat at nagpatuloy na ang lahat sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkanta sa Karaeoke at habang kami naman ng mga ilan sa mga bisita ay abala sa pagkukuha ng larawan ni Baby King2x na nasa kanyang Tarpaulin na ako mismo ang nag design. Kitang kita nga mga larawan na medyo inaantok na si Baby King2x dahil siguro sa pagud kaya mga ilang saglit nga ay nakatulog na rin ito.

Habang kami ay naghihintay na kaming lahat ay uuwi, nagpunta muna kami sa dagat, naglakad-lakad muna at nagpahangin at pagdating ng mga nasa oras na 4:30 ay oras na din na kami ay maka uwi at salamat sa Dios dahil naging maayos kaming naka uwi, salamat din sa Dios dahil naging maayos nga ang pagdiriwang namin mula umpisa hanggang sa matapos ito, at itong lahat ay sa tulong ng Dios.

Hanggang dito lang po ako mga ka-Steemit Philippines at maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa sa aking post at sana ay nasiyahan din kaya.




Bago ako magtapus ay akin munang ibahagi sa inyong lahat ang aking 30-days Transactions:

image.png
NORMAL TRANSFER

image.png
TRANSFER TO VESTING

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Happy first birthday babyboy 😊

Thank you fycee...

Happy birthday baby King. 😊

Wla jud ka nka adto del...Heheheheh

Hehehe wa ko katoltol ya.. 😁😁

#club5050 😀

Thank you very much. 😇

Happy birthday! pero murag katugon man si baby. hehe

Katulgon na jud kaayo..gi kapoy kay cge pasa2x..😂😂😂

nabag ohan siguro nga daghan ang nagpalibot sa iyaha ba.

Ana jud...kay krn pa sad sya naka ing.ani nga grabe ka daghan sa tawo...

happy birthday baby... sugod nag dagan dagan para matagbaw ug dakop si uncle😁

Hahahahah...Nahh...bisan gali krn nga d pa maka lakaw..lihok na kaayo...gusto cge ug laag...iyang mata naa sa gawas permi...hahahahah

Happy Birthday King2x! hindi ka na baby hehe

Salamat ate...

Happy birthday sa imong baby King² Sir!🎂🎈