Steemit Philippines Photography Contest Week #4 (Moderator/Judge Entry #2) | Black and White Photography : Ang Mag-asawang Napuntahan namin sa Pagbahagi nang Salita nang Dios.

in hive-169461 •  3 years ago 

Isang mapayapa at mapagpalang araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Ang ating Photgraphy contest na merong Black and White Photography na tema nga ay naging isang matagumpay na naman dahil marami na naman sa ating mga membro ang sumali at nag bahagi nang kanilang mga magagandang larawan, at ako ay buong pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.

Ngayon naman ay magbabahagi ako muli nang aking entry sa ating Photography contest pero hindi naman ito kasali sa pagpipilian. Ang ibabahagi ko ngayon ay itong mag-asawa na nadatnan namin sa kanilang bahay habang kami ay nagbabahagi nang salita nang Dios.

image.png

Nitong meyerkules nga ay nagsagawa na naman kaming mga leaders at kasama ang ilan sa mga kabataan nang aming Simbahan, nang aming linggohang Evangelism o pagbabahagi nang salita nang Dios sa mga bahay-bahay dito sa amin at nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil naging magumpay na naman ang aming gawain para sa Dios.

Nagsimula kami nang mga nasa oras na 10 nang umaga at salamat din sa Dios dahil hindi masama ang panahon ngayon hindi tulad noong mga nakaraang mga araw na laging umuulan, at iyon nga ang dinadalangin ko sa Dios noong araw bago kami magsagawa nang gawain nang Dios, sana maging maayos at hindi umulan, at hindi nga umulan at napaka init nang panahon.

Sa gawain namin ngayon ay apat na bahay ang aming napuntahan, dahil nga sa medyo natagalan kami, apat na bahay lang ang aming napuntahan, pero nagpapasalamat kami sa Dios dahil ang lahat nang mga bahay na aming napuntahan ay taos puso kaming tinanggap sa kani-kanilang mga bahay. Ngayon, meron lang isang bahay ang medyo naka antig sa aking puso at ito ay itong mag-asawa na nasa larawan.

Ang bahay nang mag-asawang ito ang huling napuntahan namin at noong nakita nga namin silang mag-asawa sa kalayuan ay agad naming pinuntahan ang kanilang bahay at noong pagpunta namin ay agad-agad din nila kaming pinapasok sa kanilang bahay at taus pusong nakikinig sa amin.

Noong pag-pasako nga namin sa kanilang bahay ay nakita namin itong si tatay na tinutoruan niya ang kanyang apo sa bagong mudule na ibinigay sa kanila galing sa eskwelahan. Natutuwa akong malaman na sabila nang kanilang kalagayan ay nagawa pa ring turuan ni tatay ang kanyang apo. Marahil ay hindi gaanong alam ni tatay ang ilan sa mga leksyun sa module pero nakikita din namin na maayos din naman ang mga sagot nito.

Kahit na medyo na disturbo namin sila sa kanilang pag-sasagot sa module, taus puso pa rin din namang nakinig si tatay sa amin at tinanggap ang lahat nang mga salita nang Dios na aming ibinahagi sa kanilang mag-asawa.

Hanggang dito lang po ko at salamat sa Dios sa lahat nang kanyang ginawa. Ininyayahan kong sumali sina @chishei2021, @leebaong, at @mae2020.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!!😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nakakatuwa po at nakakapagbahagi po kayo ng mga salita ng Diyos kahit may gantong pandemya ang nangyayari sa atin.saludo po ako sa inyo. Magiingat po kayo palagi.

Yay ka... thank you sa invite bro. Di ko sure if kaapas ko ani bro kay working pasad kos promotional video contest gud. Murag taas taas nga oras pa ni kay both writing and video editing ni but I appreciate it much bro sa pag-invite nako to join. Salamat. Amping kanunay!