Isang Maganda At Mapagpalang Araw sa ating Lahat!!!
Isang napaka gandang araw na naman ang nakalipas sa ating lahat at lalong lalo na ngayong meron pa ring pandemya na nararanasan nang lahat. Ang isa nga sa mas na aapiktohan nang pandemya ay ang mga bata lalong lalo na sa mga lugar na maraming mga kaso nang Covid-19. Nagpapasalamat lang din kami sa Dios dahil dito sa aming lugar ay hindi gaanong apiktado nang pandemya. Kaya para sa Diary Game ko sa araw na ito ay ibabahagi ko ang ilan sa mga Feeding Mission namin na kung saan, isa rin sa paraan upang matulongan namin ang mga bata at maibsan ang lungkot na kanilang nararanasan.
Ang Feeding Mission namin ay isinagawa namin sa isang Sito na matatagpuan sa medyo mabukid na lugar. Mga nasa oras na 5:00 nang umaga na ako gumising at nag handa para maka alis na rin papunta sa lugar kung saan kami magtitipon papunta sa lugar kung saan kami mag Feeding Mission. Nakarating naman ako mga nasa oras na 7:00 na nang umaga at sakto lang din dahil naroon na din ang iba pa naming mga kasama. Mga ilang oras lang din ay nakararing na rin ang iba pa naming hinihintay. Kaya mga 7:20 nang umaga ay umalis na rin kami.
Nakarating kami doon nang mga nasa oras na 8:30 na nang umaga at agad agad din kaming nag simula sa pagluluto. Ang mga lulutuin namin ay ang lagi na naming niluluto, ito ay ang Fried Chicken at Spagitte. Ito na talaga ang niluluto namin dahil ito naman ang mga paborito nang mga bata. Nag tulong tulong kami sa pagluluto upang mas madli itong maluto habang ang iba naman naming mga kasama ay nasa iba pang mga gawain. Mga ilang oras din kami nagluluto dahil medyo marami din ang aming niluluto para sa mga bata. Mga nasa oras na 10:00 nang umaga ay malapit na rin kaming matapos kaya unti-unti na rin kaming naghanda para ma asikaso ang mga bata. Oras na rin upang makapag bahagi nang mga magagandang salita nang Dios ang aming Pastor. Isa din itong paraan upang matuto nang mga patungkol sa Dios ang mga bata.
Sa oras na ito nga ay nagbahagi na nang mga salita nang Dios ang aming Pastor. Isang paraan ito upang malaman nang mga bata na nandiyan ang Dios laging kasma nila sa kabila nang pandemya. Matutunan din nang mga bata ang mga magagandang mga asal at pati rin ang kanilang mga magulang na nakikinig din sa mga oras na iyon. Ang ibinahagi nga nang aming Pastor ay ang pag-asa na ibinigay nang Dios sa atin dahil ito din ang kanyang naranason noon at dahil ito sa kanyang pagmamahal sa ating lahat. Kaya tayo rin ngayon, dahil sa tulong nang Dios makakaya natin itong lahat na ating nararanasan. Kumapit lang at magtiwala tayo sa Dios na nagbigay sa atin nang buhay. Natapos ang aming Pastor nang mga nasa oras na 11:25 nang umaga kaya ngayon oras na nang pananghalian nang mga bata.
Mga nasa oras na 11:55 na nga kami nakapag bigay nang mga pagkain sa mga kabataan at kitang kita talaga na nasisiyahan ang lahat. Habang nakikita namin ang mga bata na tuwang tuwa sa kanilang mga pagkain nakinakain, kami naman ay tuwang tuwa rin. Kahit na nararamdaman namin ang pagod mula sa pagbabyahe hanggang sa pagluluto nawawala dahil sa aming nakikita. Isang dahilan ito upang ipagpatuloy namin itong mga ginagawa namin. Dahil itong lahat sa tulong nang Dios dahil kung wala ang Dios hindi namin ito magagawa.
Natapos kami sa aming Feeding Mission nang mga nasa oras na 12:50 na nang hapon kaya oras na rin na kami ang kakain, sakto lang din dahil meron pang natitirang mga pagkain. Mga oras na 1:20 na kami natapos lahat lahat at oras na rin para maka uwi sa aming mga bahay bahay. Maraming maraming salamat sa Dios dahil sa matahumpay namin na Feeding Mission at naka uwi kami nang ligtas.
Sa kabuoan ay napaka saya at mapayapa ang araw kung ito dahil sa mga ginawa naming Feeding Mission at sa katagumpayan nito dahil sa tulong nang Dios at sa lahat nang mga taong tumulong para magawa ito. Unang pasasalamat talaga sa Dios at ang sa huli ay sa lahat.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
Pagpalain kayo ng Panginoon sa inyung kasipagan at kabutihan@loloy2020
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit