Isang Mapagpala at Maligayang Araw sa ating lahat!!!
Bilang Kristiano, isa sa pinakamahalagang kaganapan na ating mababasa sa Bibliya ay ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus-Kristo na siyang nagpapatunay na buhay Siya at nagbibigay sa atin pag-asa sa ating buhay at paniniwala sa Kanya.
Ang buong mundo nga ay nagdiwang ng Muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus-Kristo at kami rin ay nagsagawa nito at tinatawag namin itong Resurrection Sunday. Kung kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Resurrection Sunday Service namin at ang bonding moments namin pagkatapos.
Dahil nga sa isang espesyal na linggo ito dahil sa Resurrection Sunday Service namin, maaga ang aming gawain ngayon mga nasa 5:00 kami magsisimula kung kaya mga nasa oras na 4:00 ng umaga ako gumising pero dahil nga sa sobrang aga nga ay medyo hirap akong nagising kung kaya kahit na nagising ako mga 4:00 ng umaga ay nakatulog pa rin ako muli kung kaya mga 4:30 ng umaga talaga ako nagising at nakapag handa.
Medyo natagalan na din ako nakapunta papunta sa aming Church dahil meron pa akong hinintay kung kaya mga nasa 5:10 ng umaga na ako nakarating at sinimulan na din namin agad-agad ang ang aming Sunday Service habang naghihintay sa aming Senior Pastor na parating na. Mga 5:30 nga ay nakarating na ang aming Senior Pastor at sinundan din ito agad-agad ng Praise and Worship na ang nag lead ay si Ptra. @emzcas.
Mga ilang minuto lang din ay natapus na din ang Praise and Worship at sinundan din ito ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios na ang magbahagi sa araw na ito ay ang asawa ng aming Senior Pastor na si Ptra. Jenefer. Dahil nga sa Resurrection Sunday kami ngayon, ang ibinahagi naman niya ay tungkol dito. Ibinahagi ni Ptra. Jenefer ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Hesus-Kristo para sa ating mga Kristiano. Naibahagi niya na kung walang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus-Kristo ay walang kabuluhan ang ating pananampalataya sa Kanya at wala tayong pagasa na makakamtan nating ang buhay na walang hanggan na kanyang ipinangako sa atin. Kung kaya, malaking pasasalamat natin sa Dios dahil buhay Siya dahil sa Kanyang Muling pagkabuhay.
Mga nasa oras na 7:40 na iyon ng umaga ng matapos na makapagbahagi ng mga Salita ng Dios ang aming Pastora at sinundan din ito ng aming Communication o ang pag-alala ng pagkamatay ni Hesus-Kristo sa Krus na nagbihay sa atin ng kaligtasan at kagalingan ng ating mga sakit at pinangunahan naman ito ng aming Senior Pastor na si Pastor Dodz.
Mga nasa oras na 8:40 ng umaga ay natapos na din ang aming Resurrection Sunday Service at oras na upang makapag-agahan at makapag kape ang lahat dahil meron din kaming mga dalang mga pagkain pangkape at pwede na ding pang-agahan. Hindi din namin pinalampas ang pagkakataon na makagpa picture kaming lahat sa araw na ito.
Dahil nga sa maagang natapos ang aming Sunday Service sa araw na ito, napag-desisyonan nga namin na maligo kami at makipag bonding kasama ang aming Senior Pastor doon sa Ikalawang Waterfalls ng Dalipuga Iligan City. Mga ilang minuto din ang aming nilakad papunta doon at salamat sa Dios dahil nakarating kami doon ng maayos at dahil malapit na ding magtanghali, agad-agad din naman kaming nagluto ng aming pagkain sa tulong ng aming mga mababait na mga youth.
Mga nasa 12:30 na din iyon ng malapit ng maluto medyo natagalan dahil sa basa ang mga panggatong na nandoon pero pagsapit ng mga nasa 12:50 ay naluto na din at oras na upang makakain na din kami at pinagsalohan namin itong lahat, at salamat sa Dios dahil nabusog naman kaming lahat.
Pagkatapos na makakain ng pananghalian ang lahat, ilang saglit lang din ay naligo na din kami sa waterfalls at talaga namang napakalamig ng tubig at ang sayang maglalangoy. Ilang saglit lang din ay napaga-alaman namin na meron palang maliit na kweba dito at pumunta nga kaming lahat doon at nagulat kaming lahat dahil sa ganda nang nasa loob, hindi namin inakala na meron pala dito nitong stalactites at stalagmites na unang pagkakataon na nakita ko ito, at hindi namin ito pinalampas at kumuha kami ng mga larawan dito.
Noong unang pagpasok namin sa kweba ay talaga nakakamangha nga at talagang nasiyahan kaming lahat pero hindi pa namin kasama ang aming Senior Pastor, kung kaya bumalik muli kami doon sa loob at sa pagkakataong ito ay kasama na namin sila at ng kangyang asawa para kompleto kaming lahat. Talagang isa ito sa pinakamasayang bonding moments naming lahat, laking pasasalamat namin sa Dios.
Talaga naman pong napakaganda ng kwebang ito at unang pagkakataon na nakita ako ng stalactites at stalagmites na malapitan, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na makapag picture dito na ako lang mag-isa. Kitang kita naman talaga ang ganda ng kweba na napasukan namin at ang tanging pasalamat ko nito ay ang Dios dahil Siya ang maygawa nito at ng lahat ng ating nakikita sa buong mundo.
Pagkatapos nga na mapasok at makapag picture sa loob ng kweba ay nilubos na namin ang paglalangoy dahil sa medyo hapon na din at meron pang ibang mga tao na paparating at malapit na din kaming umuwi dahil meron pa kaminh gawain kinagabihan. Mga nasa oras nga na 4:00 ng hapon ay umuwi na din kami at talagang nag enjoy kaminh lahat at nakarating na din kami sa bahay na aming Pastor ng maayos at medyo pagod pero taus puso ang aming pasasalamat sa Dios sa lahat ng mga nangyari sa aming sa araw na ito.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ππβ
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
A Blessed Resurrection Sunday and God Bless!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
sau jd na inyung service d ay pas kada suunday?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nindot kaayu inyong lugar kay duol og waterfalls.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit