Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Merong mga pangyayari sa ating mga buhay na hindi natin inaasahan na mangyayari tulad na lamang ng ating pagkakasakit pero itong lahat ay pinahihintulotan ng Dios dahil meron Siyang gustong mangyari hindi lang para sa atin kundi patinna rin sa ibang mga tao na masasalamuha natin.
Kaya para sa post na ito, ibabahagi ko sa inyo ang Pagbisita ko sa aking Tiyohin sa Hospital at ang hindi inaasahang Milagra sa isa pang Pasyinte na nandoon, salamat sa Dios!
Ito ngang lahat ay nangyari nito lang nagdaang Miyerkules noong ako nga ay pumunta sa Hospital kung saan doon naka admin ang aking Tiyohin na nangka Mild Stroke. Inatasan nga ako na dalhin doon ang isang papelis na kanilang kinakailangan at iba pang mga kailangan nila.
Mga nasa oras na 1:30 nga ng hapon na ako naka alis papunta sa Hospital doon sa Medical Center Iligan City dahil sa umaga ay meron pa akong ginawang importante. Papunta nga doon ay sumakay ako ng Bus at mabuti na lang at madali lang ako nakasakay at hindi gaanong puno ang Bus na nasakyan ko. Mga nasa 30 minuto ang byahe papunta sa Iligan at ang pamasahe ay 34 na Pesos lamang.
Mga nasa oras na 2:20 na siguro iyon ng makarating ako sa Iligan City pero mga nasa 15 minutes pa siguro makakarating sa Hospital pero bago ako nagpunta sa Hospital ay pumunta muna ako sa isa Fast food Chain at ito ay ang Jollibee para kahit papano ay makapagdala ako doon ng pang snack nila. Saktong lang din dahil meron akong mga Reward Points sa isang Crypto Exchange dito sa Pilipinas na kung saan magagamit ang points na iyon para sa isang eGift para maka discount o kaya pambayad sa bibilhing pagkain at nakakuha nga ako ng 300 Pesos eGift Voucher at nakabili ako ng higit sa 400 na order at dahil kulang ang 300 pesos, ako na lang ang nagbayas sa kulang.
Pagkatapos na makuha ko ang aking mga orders ay agad na din akong umalis at pumunta sa Hospital. Medyo malayo ang Hospital kung kaya kailangan pa talagang sumakay. Mga 10 minuto siguro ang byahe papunta doon at ilang saglit lang ay nakarating na rin ako.
Pagkadating ko nga sa Hospital ay agad kong tinanong ang guard kung meron bang Edgar Jaudian, ang pangalan ng tiyohin ko at nandoon nga at sinabihan ako kung saang room, at agad akong pumunta doon at sa pagpasok ko ay nakita ko nga na nandoon ang aking tiyohin at tiyahin kasama ang aking pinsan at aking Senior Pastor na si Ptr. Dodz. Nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil nakikita ko na mas maayos na ang itsora ng aking tiyohin kumpara noong hindi pa siya dinala dito sa Hospital. Doon nga ay ibinigay ko ang dala kong pang snack at yon ay pinagsasalohan naming lahat.
Habang nandoon nga ako ay nakikita ko na maayos na aking tiyohin at sinabihan na pwedi na itong makalabas at kailangan na lang bayaran ang mga billing sa Hospital na mga nasa higit sa 30k Pesos, medyo malaki nga itong halaga pero sadyang napaka buti ng Dios sa buhay ng aking Tiyohin at sa buong pamilya dahil mula sa higit sa 30k pesos ay naging 3,500 mahigit na lang ang kanilang babayaran at dahil ito sa mga benepesyo na nakuha ng aking tiyohin sa PhilHealth at PWD dahil nga nagdadailaysis din siya bungat ng iba pa niyang nararamdaman. Dahil nga sa nangyari ay sobra ang iyak ng aking tiyahin dahil sa milagrong nangyari at dahil aa tuwa na kanyang nararamdaman, dahil hindi niya ito inaasahang mangyari dahil mula sa 30k ay naging 3,500 pesos na lang ito. Talagang napaka buti ng Dios.
Mga ilang sandali lang ay binayaran ng aking tiyahin ang natitirang bayarin at salamat sa Dios dahil inasikaso na ang mga papeles para makalabas na. Habang kami nga ay naghihintay, nakipag usap muna ang aking pinsan na si Ptr sa iba pang mga pasyente at habang nangyayari iyon ay merong conviction galing sa Balaang Esperitu na kailangang makapag alay ng mga dasal sa isa sa mga pasyente na nahihirapang makatayo at makapaglakad. Sabi pa nga ng kanyang mga anak na kailan pa nilang buhatin ang kanilang Ina para lang makatayo at kung nakatayo na ay natutumba kaagad dahil walang lakas ang kanyang mga paa, at sabi pa nga ay nagka mild stroke din ito.
Doon nga ay nag ask ng permissions ang aking pinsan kung pwde ba maka pray para sa kanya at sinabihan na mangyayari lamang ang melagro kung ito ay kanyang paniniwalaan at sa kanyang paniniwala sa Dios na gagaling siya. Ilang saglit lang ay nag pray na kaming lahat kasama ng aking tiyahin at pati na rin iyong pasyente at kanyang mga anak. Pagkatapos ng prayer for divine healing ay pinatayo ng aking pinsan yong pasyente at papuri't pagsamba para lang sa Dios dahil merong milagrong nangyari. Nakatayo ang babae at nakapaglakad, sabi pa nga niya na medyo magaan na daw ang kanyang nararamdaman at kung noong una ay walang lakas ang kanyang mga paa, ngayon ay medyo malakas na ito at nakakatayo na at nakapag lakad.
Kahit pa nga ang mga anak niya na nandoon ay nakapag testify na ito ang unang pagkakataon na nakatayo ang kanilang ina mula noong hindi ito makayo sa kanilang bahay hanggang sa na admit ito sa Hospital. Labis ang kanilang pasasalamat sa Dios dahil sa melagrong ito. Kailangan na lang nilang gawin ay palagiang maglalakad ang babae upang ma exercise ang kanyang mga paa at maibalik ang buong lakas nito.
Dito ating makikita na talagang napaka buti ng Dios hindi lang sa aking tiyohin kundi pati na rin sa ibang pasyente na nandoon. Ipinakita talaga ng Dios ang kanyang kabutihan at kapangyarihan at walang imposible sa Kanya. Merong purpose pala kung bakit merong pagkakataon na ma Hospital tayo tulad ng nangyari sa aking tiyohin dahil merong mga Milagrong nangyari hindi lang sa aking tiyohin kundi pati na rin sa ibang tao. Lahat ng ito ay dahil sa Dios, papuri't pagsamba para lang sa Dios.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ๐๐โ
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Praise God Po napakabuti tlaga nya ๐โจ
So much grateful & blessing Po Pastor @loloy2020 from vouchers, discount sa hospital at makaka uwe napo Ang Tito nyu, lastly gumaan ang pakiramdam ng isang pasyente after prayer for divine healing.
โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang lahat po ay nang dahil sa Dios!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Glory To God!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Glory to God! Our Jehovah Rapha!
ang galing pastor! Praise God talga!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Napakabuti at makapangyarihan talaga ang Panginoon Mel.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit