Matagumpay na pamimigay ng tulong sa isang komunidad | 20% payout to @steemitphcurator

in hive-169461 •  3 years ago 

IMG_20211024_131248.jpg

IMG_20211024_132304.jpg

Maligayang bati sa lahat sana masaya kayo ngayong araw. Ako nga po pala si @lonelymae at gusto kong ibahagi sa inyong lahat ang aming ginawang feeding progam na naganap ngayong araw. Pero bago ako magsimula, gusto kong pasalamatan ang lahat ng stemians na dumalo sa pagtitipon. At nagpapasamat din ako kay @steemitphcurator na nagbigay ng napakalaking tulong para matuloy ang aming plano na makatulong sa aming kapwa, lalong lalo na sa mga bata. At laking pasasamat ko rin sa ating panginoong diyos dahil ginabayan niya kami sa aming lakad at binigyan niya kami ng maaliwalas na panahon.
CollageMaker_20211024_225617317.jpg

IMG_20211024_103431.jpg

IMG_20211024_103418.jpg

CollageMaker_20211024_225657805.jpg

Sinimulan namin sa pagluluto ng mga pagkain na aming ibibigay sa mga bata. Ang aming naisipang putahe ay, fried chicken, bam-e at kanin. Alam namin na sa panahon ng pandemya maraming tao ang nagugutom at mga batang kumakalam ang sikmura. Kaya gumawa kami ng paraan upang makatulong sa mga nangangailangan.

IMG_20211024_104020.jpg

CollageMaker_20211025_073104285.jpg

Pagkatapos maluto ng mga putahe ay inilagay namin ito sa food packs or pack lunch.

IMG_20211024_125314.jpg

Sunod naming ginawa ay nire-pack ang mga groceries na ibibigay namin sa pamilyang nangangailangan nito. Ang nilalaman ng aming groceries ay, isang kilo ng bigas, sardinas, pansit bihon at gatas.

IMG_20211024_125323.jpg

At kasunod nito ang pagre-pack ng mga school supplies para sa mga batang nag aaral mula grade 1 hanggang grade 6. May mga papel, lapis, ballpen at crayons kaming ibahagi para sa kanilang pag aaral. Alam nating lahat na mahirap ang sitwasyon na kinakaharap natin, lalong lalo na sa mga estudyante. Kaya sana nakatulong kami sa kanila upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kanilang pinagdaanan.

Pagkatapos naming ihanda ang lahat ng aming kailangan dalhin sa lugar na napili naming tulungan ay agad kaming sumakay ng taxi para makarating kami doon.

Pagkarating namin sa aming destinasyon pagkababa ko pa lang ng aming sinasakyan, ibang iba na ang aking naramdaman. Punong puno ng masasayang ngiti ang aking nakita sa buong paligid habang inaabangan ang aming pagdating.

IMG_20211024_124503.jpg

IMG_20211024_124534.jpg

IMG_20211024_124507.jpg

Una naming ipinamigay ang mga food packs sa mga bata. Nakakataba ng puso ang mga ngiti nila nung natanggap na nila ang pagkain na aming hinanda.

IMG_20211024_125111.jpg

IMG_20211024_125209_1.jpg

At dahil marami ang natira sa food packs binigyan din namin ang kanilang mga magulang at iba pang tao na dumalo sa aming feeding program.

IMG_20211024_125435.jpg

IMG_20211024_125431.jpg

At kumain sila ng sabay sabay.

IMG_20211024_130342.jpg

IMG_20211024_130424.jpg

IMG_20211024_130758.jpg

IMG_20211024_130746.jpg

IMG_20211024_130858.jpg

Sunod naming ipinamigay ang mga school supplies para sa mga bata. Kakaunti lang ito pero alam kong malaking tulong na ito para sa kanila.

IMG_20211024_131247.jpg

Ipinamigay na rin namin ang mga groceries, hindi lang para sa mga bata pero para din sa mga matatanda. Grabe ang kanilang pasasalamat sa amin dahil nabigyan namin sila kahit na kaunting tulong, para sa kanila malaki na iyon dahil minsan lang sila makakatanggap ng tulong galing sa ibang tao.
CollageMaker_20211024_225802418.jpg

Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman pero iisa lang ang nasisiguro ko,napakasaya ng araw ko dahil napalibutan ako ng mga matatamis na ngiti. Mga ngiti na bumuo ng araw ko at mga ngiti na hinding hindi ko makakalimutan at babaonin ko hanggang sa aking pagtulog.

Maraming salamat po sa oras na inilaan ninyo sa pagbasa ng aking post.

@lonelymae

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang galing naman. Ang aga ng pasko.

On behalf of the Steemit Philippines Team, extend our heartfelt thanks to you all for making this Charity event a successful one.

Hala idol ang nalahi nga nag yellow! Bitaw congrats sa tanan!

Thank God jud kaayo, successful ang feeding, God Bless!!!

God bless your good hearts mga maam and sir!

Napapasaya nyo ang mga bata. Pagpalain kayo ng Panginoon.