Burnsteem25+ Club5050|| Diary Game Season 3|| October 21,2022|| "Food Serving"

in hive-169461 •  2 years ago 

png_20221021_034516_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang hapon sa ating lahat mga ka-steemians.

Patok na patok para sa ating lahat ang mga pagkain pinoy lalo na ang mga street foods. Mabenta ito lalo na sa mga bata o di kaya ay mga estudyante tuwing recess o di kaya ay break time gaya ng sa oras ng tanghali. Isa sa mga patok na patok na mga pagkain ay ang tinatawag na *Corn dog*, *Banana Fritter* at *Kwek-Kwek*. Kapag tayo ay nagluluto o gagawa ng mga pangmeryendang pagkain ay nangangailangan talaga ng mga sangkap sa pagluluto, isa it9ng paraan para mapasarap ang mga niluluto natin at babalik-balikan ng mga tao.

IMG20221021145414.jpg

Ang una kong ibabahagi sa inyo kong paano lutuin ay ang tinatawag na BANANA FRITTER. Alam naman natin kapag ganitong uri ng pagkain ay ang pangunahing sangkap nito ay ang hinog na saging. Kadalasan, ang ginagamit na saging sa pagluluto ay saging na saba pero ngayon ang ginagamit naming saging na pangsangkap ay ang tinatawag na saging Bululan.

Mga Sangkap:

  • Saging ( Hinog )
  • Harina
  • Baking powder
  • White sugar
  • Itlog
  • Gatas

Paraan sa pagluluto:

IMG20221020120712.jpg

Una, balatan ang saging at hiwain ito sa maliliit na piraso.

IMG20221020123906.jpg

Gumamit ng blender para maging mas pino pa ang mga hiniwang saging at kong walang blender ay pwedeng kamayin nalang pero dapat malinis ang kamay o di kaya ay balotin ng plastik ang kamay.

IMG20221020124043.jpg

Lagyan ng itlog at haluin ito ng mabuti.

IMG20221020124349.jpg

Lagyan ng gatas.

IMG20221020124207.jpg

Lagyan ng puting asukal. Dapat haluin ito ng mabuti para maging balanse ang lasa nito.

IMG20221020124439.jpg

Lagyan ng harina at baking powder. Haluin ukit ng mabuti hanggang sa mawala na ang mga harina at baking powder. Ang baking powder ay nakakatulong para malambot ang nilulutong banana fritter.

IMG20221020131022.jpg

Maglagay ng tamang dami ng mantika sa kawali at painitin muna ito bago ilagay ang saging. Dapat magkakatulad ang laki nito, madali lang gawin ito sa pamamagitan lang ng kutsara.

1655301247470.jpg

IMG20221020140634.jpg

Punta naman tayo sa paborito ng lahat, ang tinatawag na kwek-kwek. Isa itong itlog na nilalagyan ng food coloring para magkakulay orange siya. Narito ang mga paraan sa pagluluto ng kwek-kwek.

Mga sangkap

  • Asin
  • Itlog
  • Food color
  • Harina
  • Tubig
  • Baking powder
Una, lagyan muna ito ng asin sa loob ng plastic at talian ito. Lagyan ng kaunting butas ang plastic para makapasok ang tubig.

Pagkatapos, ilagay ito sa kaldero na may kasamang tubig at pakuluan ito ng ilang minuto. Nakakatulong ang paglagay ng asin para hindi masira ang itlog kapag ito ay inaalisan ng egg shell.

Kapag napakuluan na ito,ilagay ito sa malamig na tubig at pagkatapos ay balatan ito.
Bago lagyan ng food coloring ay ibabad muna sa harina isa-isa ang itlog.
Ihalo ang food color, kaunting harina, baking powder at kaunting tubig. Haluin ito ng mabuti at kapag nahalo na ang lahat ay budburan na ang itlog.

IMG20221020140511.jpg

Sa pagluluto nito dapat katamtaman lang ang lakas ng apoy para hindi masunog. Madali lang maluto ito kaya dapat hindi ito pinapatagal sa kumulong mantika.

1655301247470.jpg

IMG20221020134506.jpg

Ito naman ang tinatawag Corn dog. Ang mga sangkap nito ay harina, hotdog lamang. Pakuluan muna ang hotdog, alisan ng nakabalot na plastic at ibudbud sa harina bago iprito.

image.png

Talagang Ma eenjoy ang mga kumakain nito dahil sa sarap ng mga ito. Maganda itong pangmeryenda sa mga magbabarkada, magkakapamilya at iba pa at ang lahat ng ito ay patok para sa negosyo. Bago ko tatapusin ang talaarawan ko ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, @aehryanglee at @jessmcwhite at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Nagpapasalamat din ako sa aking mabuting Auntie sa pagbabahagi niya sa kanyang mga kaalaman tungkol sa pagluluto ng mga masasarap na meryenda.

IMG_20220922_191546.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang sarap naman.yang merienda ninyo.

Salamat ate. 😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..

Nice diary post. Does the food look delicious?

Yes it was. Thank you my friend. 😊😊

Galing naman, daming alam na luto unlike me hahaha..thanks sa pag share may bago kong natutunan.

Walang anuman ate, salamat din po sa pagbisita sa aking post po..

Bet na bet ko ung kwek kwek lalo na kapag patok sa akung panlasa

Mao gyud. Tungod sa kalami, makagasto gyud ug ahat. 😅

You have great photography. I like it very much. Your photography rules are beautiful. Moreover, the rules of writing are also very good.

Thank you very much bro..