Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| July 17, 2022|| "Manticao Flashflood"

in hive-169461 •  2 years ago 


Manticao Flashflood

Magandang umaga sa lahat..

Ang videong inyong nakikita ay kuha kahapon habang rumaragasa ang malakas na tubig baha mula sa bukid. Dahil sa walang humpay nag pagbuhos ng ulan kahapon kaya nagresulta ito ng pagbaha. Alas 2 pa lang ng hapon kahapon ay nagsimula nang bumuhos ang napakalakas na ulan at nagtagal ito ng 4 na oras.

Hindi ko inasahan na ganon nalang ka laki ang bahang nararanasan namin dito dahil sa iilang malalakas na ulan ang dumaan dito sa aming lugar ay hindi naman nakapagdulot ng malakas at malaking pagbaha.

Habang kami naman ay abalang-abala sa kakamonitor sa sitwasyon ng ilog dito sa aming lugar. Ang aming mga hayop ay sinimulan na naming ilipat malapit sa bukid at ang mga gamit namin na nasa labas ay sinimulan na din naming ilagay sa taas ng aming bahay.

Ganito ang sitwasyon namin dito, palaging nakaantabay at baka tataas pa ang tubig at nakaalerto palagi sa lagay ng panahon. Tulong-tulong naman kami sa pagliligpit ng mga gamit at inihanda ang mga mahahalagang bagay kong sakaling lilikas na dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha.

received_1233643580739594.jpeg

At nagsimula na ngang bumaha ng malaki. Ang punong kahoy na ito ay dati hindi naabutan ng tubig ay naabutan na ngayon at nangangamba kami baka tangayin ito dahil sa lakas ng agos. Ang mga tinangay ng baha mula sa bundok ay dito napunta ang iba kaya baka may posibilidad na tangayin na rin ito. Dito kami naglalaba malapit sa kahoy na ito dahil hindi mainit at medyo malalim ang tubig.

Pero nang bumaha ay ayan na ang hitsura, sa lahat ng pagbaha ay kahapon lang ito naabot ng tubig kaya nasasabi ko talaga na siguro malakas ang ulan sa mga matataas na lugar kaya nagkaroon din ng malakas at malakihang pagbaha sa ilog.

received_2362354613932512.jpeg

Mga sanga, punong kahoy mga basura at iba pa ay tinangay din ng baha. Habang pinagmamasdan ko ang sitwayon kahapon ay masasabi ko talaga na napakarumi pala ng lugar sa ibabaw na parte ng lugar na ito dahil sa mga basura na nakita ko kahapon. Nakakalungkot lang isipin na ang mga basurang inanod kahapon ay sa mga baybayin ito pupunta.

Dagdag pa dito ang mga kahoy na pinutol at hinayaan, nakakatulong kasi ang mga punong kahoy para mapigilan ang paguho ng lupa at malaking pagbaha.

received_1211133706378948.jpeg

Kinabukasan, among tiningnan ang ilog at ito ang nakita namin, isang napakalaking kahoy na tinangay pa mula sa bundok ang nakalagay sa gitna ng ilog. Ito ang puno ng acasia na tinangay ng baha. Hindi ko maisip kong gaano ka lalim ang tubig baha kahit napakalaking kahoy ay natangay pa mula sa bundok. Mataas ang byahe ng kahoy na yan at ilang barangay ang dinaanan niyan bago makarating dito.

Sa ngayon ang kahoy na yan ay unti-unting kinukuha ng mga taong nakatira malapit sa ilog dahil maganda itong panggatong. Hinayaan lang namin para malinis at unti-unting maalis ito sa ilog.

images.jpg
Ganito kasungit ang inang kalikasan kapag ito ang magalit kaya nararapat talagang alagaan natin ang ating lugar para hindi rin babalik ang ginagawa natin sa inang kalikasan.

The 25% of this payout will be shared to @null.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations your post has been supported by the team industrious seven!

Thank you very much..

Ingat po tayo lagi. Dpat talaga matuto tayong mag mahal sa ating kalikasan.

Tama ka ate. Kahit sa simpleng paraan. 😊😊 salamat po sa pagbisita sa aking post ate.

Praise the Lord at okay lang kayo!❤️

Yes.. Thanks God.

oh oh.. malaki ang baha! ingat kayo palagi!

Yes po ate. Palagi po kaming mag-iingat. Salamat po..