Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| November 6, 2022|| "Baby Irisha's Baptism"

in hive-169461 •  2 years ago 

IMG_20221106_072644.jpg

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat mga kaibigan at magiliw na magbabasa dito sa steemit.

Tayong lahat dito sa mundong ibabaw ay may kanya-kanyang papel sa buhay. May obligasyon din tayo sa ating sarili lalo na ang espiritual na aspeto. Ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakasayang kaganapan sa aming pamilya at ito ay ang binyag ng aking pamangkin noong nakaraang araw. Para malaman ninyo ang lahat na pangyayari ay ganito ang storya.

IMG20221101090840.jpg

Ito nga pala si baby Irisha, anak ng aking kuya. Apat na buwan na siya ngayong darating na Nobyembre 23 ,2022. Napagdisisyunan nina papa at mama kasama si kuya na pabinyagan sa huling araw ng linggo ng Oktobre. Sinang-ayunan naman ng lahat. Masaya naman kami dahil tumulong din si tita sa pagkain na ihahanda dahil ipapakatay niya ang kanyang isang baboy para sa binyag. Balak ni tita na letsunin sa binyag ng baby Irish. Sabado pa lang ay naghahanda na ang lahat, naglilinis na kami sa bakuran ng aming bahay, inilabas na ang mga gamit sa kusina at mga sangkap sa pagluluto ng ulam na ihahanda sa araw ng binyag.

received_683145226379650.jpeg

Inihanda na rin ang baptismal dress na isosout ni baby kasama na ang gamit para sa binyag gaya ng kandela at puting tela. Dumating na rin sina tito na siyang kakatay sa baboy na lilitsunin. Nakahiram na din kami ng mga malalaking kaldero kina lola na siya gagamitin sa pagpapakulo ng tubig at sa pagsasaing ng bigas. Habang sina kuya at ate naman ay pumunta sa simbahan para sa isang seminar. Ang patakaran kasi ng aming simbahan ay idadaan muna sa isang seminar ang magpapabinyag sa kanilang mga anak at may kasama na ring orientation kung ano ang dapat gawin sa panahon ng binyag. Kalahating araw sila sa isang seminar sa kombento kasama sa isang seminar ang mga ninong at ninang para alam din nila ang kanilang gagawin sa panahon ng binyag.

received_2627594344044414.jpeg

Kinabukasan ay ito na ang hinihintay ng lahat, ang pagiging myembro ng kristyano sa pamamagitan ng pagbinyag. Alas 6 pa lang at linggo ng umaga ay naghahanda na ang lahat sa pagpunta sa simbahan. Alas 8 kasi ang simula ng unang misa kaya minabuti na pupunta ng maaga doon dahil first mass gaganapin ang pagbinyag.

FB_IMG_1667692512168.jpg

Sakto naman at pagdating namin doon ay hindi pa nagsisimula ang misa. Bago ang binyag ay nagsasagawa muna ng paunang misa ang aming pari at pagkatapos ay inanyayahan na ang mga magpapabinyag na pumunta sa harap ng altar kasama ang mga ninong at ninang. Agad namang pumunta sina kuya at ate kasama si baby sa harap ng altar habang ako naman ay nagsisilbing photographer sa kanilang tatlo. Saglit lang naman ng pagbinyag kaya nang matapos na ay agad na kaming umuwi para sa isang kunting salo-salo.

Pag-uwi namin sa bahay ay nakahanda na ang lahat. Nagsisidatingan na rin ang aming kamag-anak lalo na sina lolo at lola. Nagpapapicture naman sa tarpaulin kasama ang bagong binyag at mga ninong at ninang niya. At bago nagsimula ang kainan ay nag-umpisa muna sa isang panalangin sa hapagkainan. Ito talaga ang ginagawa namin bago kumain.

received_691608362362494.jpeg

image.png

Matagumpay ang pagsasagawa ng binyag, importante rin ito para sa ating epiritual na pangangailangan. Para kay baby Irisha, congratulations sayo pamangkin dahil isa ka nang ganap na myembro ng kristyano. Bago ko tatapusin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite sa isang talaarawan dito sa ating komunidad. Ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko rin sa @null.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Good job parents! Now you've fulfilled a noble task for your daughter. The. next step would be shaping her according to be a God fearing human being. Sana lumaki sya ng maayos at tigilan na yang away2 sa FB ha. Bad Yan Lalo na pag lumalaki na sya. Instead, show her your love n care for each other and she will be mighty proud of you as parents. Happy christening baby!

Salamat ate.. siya lang kasi ang unang nagpost sa facebook. Hinayahaan ko nalang siya. 😌

Wow! Welcome to the christian world baby Irisha. Sya ba ang pinakaunang app sa pamilya nyo @manticao? Kaya lahat ang happy nagbigy pa si ate ng baboy pang letchon. Daming ganda at ang saya saya ng buong family.

Salamat ate. Opo, siya ang unang apo sa family namin. 😊

Happy Christening kay Baby Irisha, laking handaan ahh, nice family nag tulungan ang lahat.

Yes ate. Salamat po. 😊😊

  ·  2 years ago (edited)

Evaluation Date: November 06-2022

StatusRemark
Club statusno club
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25

Evaluated by @juichi
Admin/Philippines Country Representative

Happy Christening baby!

Happy for the baby and the parents.

Thank you nay..

cute baby!

Thank you sir..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..