Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| September 5, 2022|| "Food Recipés"

in hive-169461 •  2 years ago 

png_20220905_170541_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang gabi sa lahat.

Tayong lahat ay mahilig kumain ng mga masasarap na pagkain matamis man o maalat. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong gabi ay ang pagluluto namin ng napakasarap na ulam at sa katunayan, isa rin ito sa mga exotic at napakamahal na pagkain dito sa aming lugar. Masaya kami dahil nabiyayaan kami ng magagandang lugar gaya ng ilog. Malinis at punong-puno ng ibat-ibang uri ng hayop na pwedeng kainin o ulamin.

IMG20220902174540.jpg

Isa sa mga pagkaing galing sa aming ilog ay itong mga hipon. Masaya kami dahil nakahuli kami ng maraming hipon o "ulang" kung tawagin namin dito sa aming lugar. Malalaki ang nahuli namin, nagpapakita na malinis ang aming ilog. Kadalasang nakatago ito sa mga butas sa gilid ng pampang at hinuhuli ito sa pamamagitan ng net o manu-manung kinukuha sa butas na pinagtataguan nila.

Isa sa mga potaheng niluluto namin gamit ang hipon ay ang ginisa. Simula noong bata pa ako ay ito na ang niluluto namin kapag nakahuli si papa ng mga hipon at ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayong gabi.

Bago magluto ay ipunin muna ang mga sangkap gaya ng mga sumusunod;
📝 Bawang
📝 Sibuyas
📝 Mantika
📝 Tuyo
📝 Asin
📝 Iba pang pampalasa

IMG20220902174604.jpg

Una sa lahat, maghiwa ng bawang at sibuyas sa maliliit na piraso. Mahalaga ito para madaling maluto ang bawang at sibuyas. Hugasan ang mga hipon para maalis ang mga maruming bagay na kumapit dito at pagtapos, lagyan ng tuyo ang hipon at ibabad ito ng ilang minuto.

Pagkatapos ay magpainit ng mantika at gisahin ang bawang at sibuyas hanggang sa lumabas ang mabangong amoy at maging kulay golden brown na siya.

IMG20220902174639.jpg

Ilagay ang hipon sa kumukolong mantika at haluin ito ng mabuti. Dahil nakamarinate na ito kaya pwede nang hindi lagyan ng tuyo at hahaluin nalang ito. Takpan ito at lutuin lang ng ilang minuto hanggang sa maging mapula na ito.

IMG20220902181950.jpg

Ito ang ating napakasarap na recipé para sa gabing ito. Patok na patok ito sa karenderya and napakamahal nito dahil isa ito sa mga tinatawag na exotic food.

images(2).jpg

IMG20220904134357.jpg

Para sa panghimagas naman, nais kong ibahagi sa inyo ang sikat at pwedeng pangnegosyo at ito ay ang latik. Tradisyon na talaga dito sa aming lugar na magluluto nito kapag may hinog na saging. Isa rin itong ibinibenta sa palengke o malapit sa paaralan. Kahit ako, paborito ko itong kainin. Hindi gaanong magastus ang pagluluto nito at kaunti lamang ang mga sangkap sa pagluluto ng latik, at ito ay ang sumusunod;
📝 Camay ( Brown Sugar )
📝 Gata ng niyog
📝 Saging

IMG20220904115516.jpg

Una, dapat balatan ang saging. Pwede ring hiwain ito sa dalawa para madaling maluto.

IMG20220904121938.jpg

Pigain ang sapal ng niyog para makuha ang gata. Ito ang isa sa nagpapasarap ng nilulutong latik na saging. Ilagay ito sa kawali kasama ang saging.

IMG20220904122050.jpg

Lagyan ng brown sugar o camay kong tawagin namin dito sa amin. Ito ang nagbibigay ng napakatamis na lasa ng nilulutong latik na saging.

IMG20220904122257.jpg

Haluin ito ng mabuti para mas maging balanse ang lasa at lutuin ito sa loob ng 45 minutes.

image.png

Isa na namang katakam-takam ang inihain ko para sa inyo. Maraming salamat po sa pagbasa at magandang gabi sa lahat.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko sa gabing ito ay naiskong ibahagi ang 25% mula sa payout ng post kong ito sa @null.

1638606703422.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Grabe! Ngayon ko pa to nakita na disoras na nang gabie. Ang sarap lahat, lalo na yung hipon.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

Luzon Mod

Hehehe kain tayo ate.. 😁

Your quality content qualifies the TEAM 5 guidelines.
Post InformationStatus
Steemexclusive✅️
Plagiarism free✅️
Verified User✅️
Bot free✅️
Club Status5050

Your post is upvoted using the @steemcurator08 account by @chant. Continue making quality content for more support.

Thank you very much..

Nakakagutom naman

Mangaon ta.. 😊😊

Wow, so yumm

lets eat :)

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

Thank you very much..

Kalami 😋

Salamat ate.. 😁