Edited by: Canva Application
Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga ka-steemians.
Ang kalabasa ay isa sa mga gulay na napaksarap kainin. Ayun sa mga eksperto, nakakatulong daw ito para mas maging malinaw ang ating paningin at nakakatulong upang maging mapalakas ang ating katawan. Nakuha ko itong gulay na ito sa hardin namin malapit sa bukid, at masaya ako dahil namumunga ng marami ang mga kalabasa doon.
Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng ginisang kalabasa;
- Kalabasa
- Bawang
- Sibuyas
- Mantika
- Asin
- Iba pang pampalasa
- Tuyo
Una dapat balatan muna ang kalabasa bago hiwain, pwede ring hindi ito balatan basta hugasan lang ito ng mabuti sa malinis na tubig para maalis ang mga maruming mikrobyo na kakapit dito.
Magbalat ng bawas at sibuyas at hiwain ito ng pinong-pino para madali lang itong lutuin. Ang bawang at sibuyas ay isa sa mga sangkap na nagpapabango sa mga nilulutong ulam.
Maglagay ng mantika sa kawali at painitin ito. Sunod ilagay ang bawang at sibuyas, haluin ito ng mabuti hanggang sa lumabas ang kulay golden brown nito kasama na ang mabangong amoy nito.
Isunod na ilagay ang kalabasa, lagyan ito ng tuyo at haluin ng mabuti. Para sa mahilig magsabaw, pwede ring lagyan ng tubig para may sabaw ito. Kapag malambot na ang kalabasa ay lagyan ito ng pampalasa at haluin uli ng mabuti para maging balanse ang lasa nito.
Nais ko ring ibahagi ang mga inani kong mga gulay ng talbos ng kamote dito malapit sa aming bahay. Masaya ako dahil sa wakas, nagbubunga na rin ang aking pagsisikap sa pagtatanim ng mga gulay dito sa aking simpleng hardin. Kapag ganitong klaseng gulay ay masarap ito kapag ito ay ginigisa rin kaya ito ang potahe na niluto ko mula sa talbos ng kamote.
Agad ko namang niluto ito at ito ang naging output sa aking pagluluto ng ginisang talbos ng kamote. Maganda din itong gawing salad, pakukuluan lang ito at lagyan ng sibuyas, luya at suka.
Isa na namang katakam-takam ang ibinahagi ko uli dito, sana ay nagustuhan ninyo ang mga potahe na ibinibagi ko dito sa ating kumunidad.
You have great photography. I like it very much. Your photography rules are beautiful. Moreover, the rules of writing are also very good.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you for your inspiring comments bro.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.
We are also inviting you to join our community ongoing Christmas Series Contest “Christmas Carol”
Also, refer a Friend to join Steemit and get rewards - read the details here.
Date verified: October 20, 2022
Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much ate.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been recommended for booming support today.
Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po.🙂
@fabio2614
Visayas Mod
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit