Burnsteem25|| October 4 , 2022|| Diary Game Season 3|| "Ang Paglalakbay Ko Sa Kagubatan"

in hive-169461 •  2 years ago  (edited)

1_20221003_214035_0000.png

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat mga kaibigan at mga ka-steemians.

Kumusta na kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Medyo natagalan akong nakabalik dito sa steemit dahil sa isang mahahalagang rason. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang Paglalakbay ko dito sa aming lugar. Kapag napapangalagaan natin ang ating kapaligiran ay matatamasa talaga natin ang sariwa at magagandang lugar. Samahan nyo akong maglakbay dito sa aming lugar at makikita nyo talaga kong gaano ka ganda dito.

IMG20221002150814.jpg

Sa isang masukal na gubat dito sa Lungsod ng Manticao makikita ang ibat-ibang uri ng mga insekto, hayop at halaman. Minabuti namin na pangalagaan ang lugar na ito para mapanatili ang kagandahan, kaayusan at preskong lugar. Dito mismo sa lugar na ito kadalasang pumupunta ang mga taong nagmula pa sa malalayong lugar para magpicnic lalo na kong tuwing summer. Malamig ang naturang lugar dahil sa naglalakihang mga punong-kahoy na makikita dito. Kadalasang mga punong-kahoy na nakikita dito ay ang Mahogany , isang uri ng matitigas na kahoy kong saan maganda itong gamiting haligi sa bahay. Tumutubo lang ito kahit saan at maganda itong itanim sa gilid ng ilog.

IMG20221002151018.jpg

Sa lugar na ito kadalasang matatagpuan ang ibat-ibang uri ng mga halamang ligaw kasama na ang mga ligaw na bulaklak. Isa na dito ay ang white trumphet like flower na ito na may kulay na puti at violet sa gitna ng bulaklak. Dinadapuan din ito ng ibat-ibang uri ng mga insekto gaya ng mga bubuyog at mga langgam. Para sa mga taong mahilig sa mga bulaklak ay kumukuha sila nito at inilagay o itinanim sa isang paso. Isa lang ito sa mga ligaw na mga bulaklak na aking nakita habang nasa kalagitnaan ako sa aking paglalakbay.

IMG20221002151041.jpg

Ayun sa ibang nakakaalam tungkol sa halamang ito, pwede din daw itong panggamit sa minor na mga sakit. Hindi lang sa pangggamot maganda dito kundi pwede rin sa halamang-ornamental. Nagtataglay ito ng magagandang mga bulaklak kasama na ang mga kulay nito. Ang hugis ng bulaklak na ito ay parang mga maliliit namga bituin. Dinadapuan din ito ng mga ibat-ibang uri ng insekto. Madali lang itong tumubo at kahit saang lugar itong tumubo.

IMG20221002150206.jpg

Dagdag pa dito ang kagandahan ng panahon. Ang kalangitan ay kulay asul na may kasamang mga kaulapan. Sa ganitong uri ng panahon ay maganda talagang maglakad-lakad at lalo na ang magpicnic sa ilalim ng malaking puno at sa ganda ng panahon. Swerte naman kami dahil hindi tumama dito ang masungit na panahon dahil sa bagyong Karding.

Kitang-kita talaga sa larawan kong gaano ka sikat ng araw at nagpapakita ito na magandang maglakbay sa mga lugar kagaya nito.

images(2).jpg

Ang kalikasan ay napakahalaga sa ating lahat. Ang mga puno ay nakakatulong para ang lugar ay mananatiling maganda at masigla. Dagdag pa dito, nakakatulong din ito para mapigilan ang malawakang pagbaha at paguho ng lupa, kaya nararapat talaga na pangalagaan natin ito.
Bago ko tatapusin ang aking talaarawan para sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, @jessmcwhite at ate @amayphin para sa isang talaarawan dito sa steemit, at ang 25% na payout mula sa post na ito ay ibabahagi ko sa @null.

1638606703422.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

You have great photography. I like it very much. Your photography rules are beautiful. Moreover, the rules of writing are also very good.

Thank you very much on your inspiring comment brother.

A traveler again hehhee nice one 😉☺️

Thank you.. 😊😊

Ingat sa iyong paglalakbay.

Salamat po ate.. 😊😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

Thank you very much..

Mapuno. Sariwang hangin dyan.

Opo. Kaya napakasaya namin dahil nagkaroon kami ng magaganda at preskong lugar 😊