Magandang hapon sa ating lahat mga kaibigan at sa lahat na mga myembro dito sa @steemitphilippines.
Nais kong ibahagi sa inyo ang mga parte at simbolismo na nasa likod ng mga larawan at kulay na nakalagay sa ating watawat na siyang nagdadala sa atin ng pagka pilipino. Makikita natin sa watawat ng ating pilipinas ang mga kulay asul, pula, puti, dilaw , mga larawan ng mga bituin at araw. Isa, isahin natin itong itatatalakay dito sa post kong ito daan sa paparating na Araw ng Kalayaan ng ating bansa.
Kulay Puti, Kumakatawan sa pagkakapantay-pantay at Kapatiran
Ang ibig pa nito ay na tayong lahat ay nagtutulungan at nagmamahal sa bawat isa. Tradisyon na nating mga Pilipino na magbigayan gaya ng ulam at iba pang mga bagay sa kanyang kapwa. Nagdadamayan sa lahat ng oras bilang isang pamilyang Pilipino. Makikita naman natin sa ating pamilya kong gaano tayong nagmamahalan at nagdadamayan lalo na sa mga problema na kakaharapin o kinakaharap natin sa buhay at ang unang dadamay ay ang ating mga magulang. Minana pa natin ito sa ating mga ninuno ang pagiging kapatiran, pagdadamayan, pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat isa.
Ang pagkakapantay-pantay din ay isang uri ng sitwasyon kong saan bawat tao ay binibigyan ng halaga sa buhay. Walang labis at walang kulang, walang nasa ilalim at walang nasa ibabaw, walang maiiwan sa anomang laban sa buhay. Kinaugalian na nating mga pinoy ang pagiging mapag-aruga lalo na sa mga bisita natin sa bahay. Inaasikaso ng maayos, pinapakain ng maayos at minsan tuwing pista pinapadalhan pa nating ng ulam. Nakikita natin ang mapagbigay ng ugali ng mga pilipino.
Kulay Asul, Kumakatawan sa Kapayapaan, Kalayaan at Katarungan
Nangangahulugan ang kulay na asul na nakalagay sa ating watawat na magkarron ng kapayapaan, alam naman natin na hinahangad natin ang kapayapaan. Kapag hindi mapayapa ang lugar ay hindi talaga uunlad ang bansa o ekonomiya. Magkakaroon ng maraming gulo sa lugar at maraming maaapektohang mga inosenteng mga tao gaya ng mga bata.
Para sa Kalayaan naman, mahirap na sinasakop ng ibang lahi. Hindi ka malayang makagawa ng mabuti na naayon sa buhay . Binabantayan ang lahat ng ating mga kilos pati na ang ating mga lakad, mga negosyo na kailangan magbigay ng malaki kahit maliit lang ang kita. Napakahirap talaga kapag binabantayn ang lahat ng mga galaw natin sa buhay kaya naghahangad talaga tayo ng kalayaan laban sa mga mananakop.
Ang Katarungan naman ay nangangahulugan na dapat may balansi sa lahat ng sitwasyon. Malayang makapaglahad ng damdamin at mga opinyon na sa tingin natin o ninyo ay tama o makakatulong sa lipunan. Hindi maganda na ang isang tao lamang ang magkakaroon ng tamang desisyon kahit nakikita na mali at hindi tama para sa lipunan. Dapat binabalanse ang sitwasyon , opinyon na maaaring tama para sa ating lahat. Lahat tayo ay Pilipino kaya nararapat na dinggin ang ating suhistyon o opinyon kahit tayo ay ordinaryong mamayan lamang na nakatira dito sa Pilipinas.
Kumakatawan sa pagiging Kagitingan at Pagkamakabayan
Ibig sabihin nito ay ipapakita natin ang pagmamahal sa ating bansa. Kahit saan tayo magpunta dapat ipagmalaki natin na tayo isang Pilipino kulay kayumanggi at isinilang sa Pilipinas, isang Lupang sinilangan. Ang pagmamahal sa bansa ay nangangahulugan din na hindi natin tinatakwil ang pagka dugong pilipino. Bilang isang Pilipino dapat susunod tayo sa mga batas upang hindi tayo magkasala sa ating bansa. Huwag nating siraan ang ating sariling bansa sa ibang tao o sa ibang dayuhan at dapat susunod tayo sa mga alituntunin at patakaran ng ating bansa.
Ang Tatlong Bituin ay kumakatawan sa Pangunahing Lugar sa ating bansa, ang Luzon, Visayas at Mindanao
Ang mga Pangunahing malalaking lugar na binubou ng isang bansang Pilipinas ay ang Luzon, Visayas at Mindanao. Kaya ganon nalang ka lawak ang ating mga karagatan dito sa ating bansa dahil ang mga isla ay magkakahiwalay. Bawat malalaking pulo ay may marami ding mga lugar na nabibilang dito. Ang lenggwahe na kinabibilangan ng Luzon ay Karamihan ay mga tagalog, may mga katutubong lenggwahi na nakatira sa mga bukirin at mabubundok na lugar.
Sa Visayas naman karamihan ay mga Cebuano o bisaya ang mga lenggwahe. Pero dahil magkakahiwalay ang mga lugar o pulo sa visayas kaya may mga iba pang lenggwahi gaya ng Waray, ilonngo, at marami pang iba. Sa isla naman ng Mindanao, ay magkakahalo-halo din ang mga lenggwahi gaya ng bisaya, muslim at marami pang mga katutubong lenggwahe. Pero ang lahat ng ito ay Pilipino kahit ano pa ang mga lenggwahi nila.
Ang Araw ay kumakatawan sa pagkakaisa, demokrasya, soberanya ng mga Tao
Ang pagkakaisa ay isang paraan para tayo maging mapayapa at isa itong magandang adhikain para ang ating bayan o bansa ay uunlad sa ekonomiya at turismo. Isang magandang paraan ang pagiging pagkakaisa sa buhay kahit anong lahi o tribo ka man basta nasa iisang bansa dapat may pagkakaisa. Gaganda ang ating bansa kapag meron tayong pagkakaisa.
Sama-sama tayong mamuhay ng may pagkakaisa, pagmamahalan at pagtutlungan sa lahat ng bagay, panahon, lugar o oras. Ang sinag ng araw ay kumakatawan din sa walong lugar sa ating bansa at ito ay ang:
- Maynila
- Bulacan
- Laguna
- Pampanga
- Nueva Ecija
- Cavite
- Tarlac
- Batangas
Kahit anong uri ng lenggwahe, tradisyon, lugar na tinirhan basta sakop ng isang bansang Pilipinas, tayo pa rin ay isang makabayang Pilipino na may tungkulin at karapatan dito sa ating bansa.
Lubos akong masaya dahil ako ay Pilipino at sa larangan naman ng cryto ay masaya ako dahil bahagi at myembro ako dito sa @steemitphilippines, isang platform na para sa Pilipno. Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.
Ang 20% ng payout ng post na ito ay mapupunta sa @steemitphcurator.
Salamat sa pag share at remind sa mga bawat simbolo Ng ating watawat @manticao 🤗🇵🇭
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang anuman po ate, salamat din sa pagdalaw sa aking munting post.. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Magandang paalala eto sa ating lahat ng mga Pilipino. Thank you sa reminders.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang anuman po ate, Salamat sa pagdalaw sa aking post. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit