Magandang gabi sa ating lahat mga ka-steemians..
Sunod kong pinuntahan itong rosas na malapit nang malanta. Natutuyo na ng mga petals nito at unti-unting naging kulay brown ito. Minsan, naisip ko na ang buhay ng isang tao ay nahahalintulad sa bulaklak na ito, darating ng araw ay mawawala talag dito sa mundong ibabaw. Sinubukan ko ring tingnan ang mga dahon nito baka may mga appids na sisira sa mga halaman lalo na sa mga bulaklak. Nag-iisang bulaklak lang ito ni mama kaya inaalagaan talaga niya ito ng husto.
Ito naman ang koleksyon naming halaman na kong tawagin ay San Francisco Plant. Maraming uri ng kulay ang halamang ito at kasamana rin ng desenyo sa dahon nito. Ang nakakabighani sa halamang ito ay ang kulay at desenyo ng mga dahon nito. Maganda itong itanim sa tinatawag na landscape o di kaya ay nakapaso lang. Pero dito sa amin, ginagawa namin itong bakud dahil may halos 30 na klaseng halaman kami dito.
Ito naman ang tinatawag na bougonvilla o boombells sa maikling salita. May mga maraming klaseng kulay ng bulaklak ang halamang ito at ang iba ay may kaunting tinik pa sa puno nito. Hindi nauubusan ng bulaklak ang halamang ito pero nagadepende ito sa lugar na pinaglagyan. Kong nakalagay ito sa lugar na hindi masisikatan ng araw ay puro dahon lamang ang lalabas at kong sa lugar naman na nasisikatan ng araw ay lalabas ng napakaraming bulaklak.
Hindi lang sa mga halamang ornamental ako tumingin kong maayos lang ba ang mga halaman tuwing gabi at wala bang mg maliliit na mga insekto sa mga dahon at bunga nito. Kasama ko ring tiningnan ang bunga ng aming bell pepper. Masaya ako dahil sa wakas ay namunga na ang matagal kong hinihintay at ito ang isa sa mga sangkap na sinasahug namin sa tinolang isda. Nang tiningnan ko ay maayos naman at walang mg insekto ang nakakapit dito. Sa susunodna araw ay pwede na itong anihin at isahug sa lulutuing ulam.