Club5050|| Diary Game Season 3|| June 18, 2022||" Harvest Day"

in hive-169461 •  3 years ago 

d.png

Edited By Canva

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat mga kaibigan.

Kapag ang tao ay napakasipag sa buhay, makakaani talaga ng tagumpay. Naniniwala talaga ako sa kasabihan ng mga matatanda at isa sa mga pruweba meron ako ay ang mga tanim ng papa ko. Noong bago pa lang na kasal ang mga magulang ko ay napag-isipan ni papa na magtanim ng niyog. Dugo, pawis at panahon ang pinuhunan ng aking ama sa pagtatanim ng niyog. Sabi ni papa, malaki ang sugat sa kanyang kamay dahil natamaan daw ng itak, may paltos sa mga kamay at init ng panahon na nakakapaso.

Katuwang ng aking ama sa pagtatanim ng niyog ay ang mama ko na tagahatid ng meryenda at pagkain sa pananghalian. Minsan tinutukso pa siya ng kanyang kapatid na dapat daw maglaro nalang kaysa magtanim ng niyog at pinagtatawanan laman nila si papa. Pero mataas ang pasensya ng aking ama at ang laging nasa isip lamang ay ang kapakanan ng kanyang pamilya.

f.jpg

Sa paglipas ng maraming taon, unti-unting nagbubunga na ng magagandang resulta ang pinaghirapan ni papa. Ang kanyang mga tanim na niyog ay unti-unti nang nagbubunga. Hanggang sa tuluyan nang nakaharvest ng halos 5,000 na niyog kada-dalawang buwan. Ito ang pinagkakaabalahan ko kanina, isang araw na nag-iipon ng niyog sa aming lugar. Umaga pa lang ay nag-umpisa nang maglaglag ng mga niyog at maganda iyon dahil madali lang natapos sa paglaglag ng mga niyog. Ang pag-iipon nalang ang kailangang gawin para mapadali ang paghahakot nito.

qq.jpg

Kapag naghaharvest kami ng niyog ay napakaimportante talaga ang kalabaw ito kasi ang tanging paraan para mapadali ang paghahakot ng mga niyog at mapadali ang trabaho. Kinakailangan pang ibyahe ito sa kabilang lugar at tatawid pa sa ilog bago makarating sa paglalagyan nito. Natutuwa naman kami dahil napakasipag ng taong inanyayahan namin para sa paghahakot nito, binabayaran din naman pagkatapos. Marami namang tagatulong ang tagahakot ng niyog at mga anak niya ang kanyang alalay sa pagtatrabaho.

Noong una ay nakakapasok naman ang sasakyan ng taong bumibili ng mga niyog namin pero nang ang lugar namin ay nasira nang dahil sa baha. Kaya kalabaw nalang at kariton nalang ang gagamitin para mapahatid ito at maitawid ito.

3.jpg

Medyo napakahirap ito para sa akin lalo na kapag mainit ang panahon. Madaling nakakapagod dahil sa init ng panahon pero paraan ito para makatulong sa aking magulang. Mapadali kasi ang trabaho kapag nagtutulugan ang lahat na kasapi ng pamilya. Iniipon ko ang mga niyog para madaling makuha at malalaman kong gaano ka dami ang mga niyog.

Medyo may kalawakan ang mga niyogan ni papa at tatlo lang kaming nag-iipon ng niyog, si papa , ako at si kuya. Pero sa awa ng Panginoon ay natapos din namin sa loob ng isang araw. May mga niyog din na nahulog sa ilog kaya kinakailangan pa naming magmadali na pupunta sa ilog para hindi ito tangayin ng tubig. Inihagis namin pagkatapos sa ibabaw ng pampang at hahakotin pa sa mapatag na lugar.

1.jpg

Dahil sa dami ng mga niyog ay hindi ko na alam kong ano ang uunahin, gaya nito. Nagkalat lang sa lugar ang mga niyog at mabuti nalang dahil tatlo kaming nagtatrabaho dito. Kahit nakakapagod kanina ay nakuha pa naming magbiro medyo nakakawala kasi ng pagod ang may kaunting biro sa isat-isa. Masayang-masaya ako dahil sa likod ng paghihirap ng aking ama ay natatamasa niya ang magandang bunga ng pagsisikap niya. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil nabiyayaan kami ng magandang lugar at mataba na lupa. Ang niyogan namin ay isa sa mga pangunahing hanap-buhay namin dito sa probinsya.

Kahit medyo malayo kami sa lungsod ay masaya naman kami sa aming pamumuhay dito sa aming sitio. Sagana sa mga halaman gaya ng mga gulay, prutas, bulaklak at marami pang iba. Masasabi ko talaga kong gaano ka laki ang sakripisyo ng aking ama sa paggugol ng panahon para dito. Nabuhay na niya kaming pamilya niya at inaaruga kami ng maayos.

image.png

At dahil Fathers day na bukas, ay nagpapasalamat talaga ako dahil may mga magulang ako na mababait at responsableng magulang. Nakikita ko talaga ang malaking sakripisyo ng aking ama para sa amin. Kaya sa lahat ng mga anak, dapat mahalin talaga natin ang ating magulang. Hanggang dito lang muna, maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa lahat. Advance happy Father's day sa lahat.

Ang 20% na payout sa post na ito ay ibabahagi ko sa kumonidad, ang @steemitphilippines.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congrats sa Dami ninyong harvest na niyog.

Salamat ate..

ang daming nyog!

Yes ate and we are very much thankful with this 😊

Hello @manticao!

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

DetailsRemarks
#steemexclusive
at least #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
at least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

Thank you very much 😊😊