Club5050||The Diary Game Season 3|| August 13, 2022|| "Ginisang Papaya With Gata"

in hive-169461 •  2 years ago 

png_20220813_192734_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang Gabi sa lahat.

Isa na namang katakam-takam at masusustansyang pahkain ang ihahain ko sa inyo ngayong gabi at ang putaheng ibabahagi ko sa inyo ay ang Ginisang Papaya na may kasamang Gata. Alam naman natin na ang Papaya o Kapayas sa salitang bisaya ay isa sa mga prutas na matatagpuan dito sa Pilipinas. Ang hinog na Papaya ay ay nagtataglay ng Fiber na siyang makakatulong para mapalinis ang bituka natin sa pamamagitan ng cleansing. Maraming magagawang lutuin ang papaya isa na dito ang atsara, papaya salad na may kasamang maanghang na tuyo at suka. Sa mga ulam naman ay pwede ding lutuin din ito sa pamamagitan ng pag-aadobo, ginataan at ginisa.

Ito ang ibabahagi ko sa gabing ito ang pagluluto ng Ginisang Papaya na may Gata. Hindi ito magastos kapag nagluluto tayo nito at nagtataglay pa ito ng masustansya at puno ng nutrina na maganda para sa mga bata.

images(2).jpg

Narito ang mga Sangkap sa pagluluto ng Ginisang Papaya:

👉 Papaya
👉 Bawang
👉 Sibuyas
👉 Gata ng Niyog
👉 Mantika
👉 Asin
👉 Iba pang pampalasa

images(2).jpg

Bago ang lahat ay dapat balatan muna natin ang papaya at hiwain ito sa maninipis na pagkakahiwa para madaling maluto. Dapat maninipis lang ang pagkakahiwa at hwag isali ang mga laman na nasa loob nito kung saan nakalagay ang mga buto. Pagkatapos ay hugasan ito ng malinis na tubig para mawala ang mga dumi na nakakapit dito at pagkatapos ilagay ito sa kawali at pakuluan ng ilang minuto. Ang pagpapakulo nito ay makakatulong ito upang mawala ang amoy ng papaya.
Kapag napakuluan na ito, kunin ito at ilagay sa malinis na lalagyan at hintayin itong lumamig. Kapag malamig na ito ay pigain ito para mawala ang amoy ng papaya. Nakakatulong din ito upang madaling maluto ang papaya kapag ito ay gigisahin na.

IMG20220813123832.jpg

Pagkatapos na pigain lahat, maghiwa ng sibuyas at bawang at pagkatapos ay gisahin ito sa loob ng ilang segundo hanggang lumabas na ang mabangong amoy at kulay golden brown. Sa paggigisa ay ito talaga ang unang niluluto at kinaugakian na talaga natin na ang bawang at sibuyas ang unang ginigisa.

IMG20220813123946.jpg

Isunod na ilagay ang papaya at haluin ito ng mabuti. Lutuin ito ng ilang minuto, para sa mga mahilig sa sabaw ay pwede ninyong lagyan ng tubig para may maging sabaw na siya.

IMG20220813123954.jpg

Pagkatapos, lagyan ng gata ng niyog. Ito ang isa sa nagpapasarap ng ating nilulutong ulam. Mas maganda na natural na gata ang ilalagay at pagkatapos ilagay ay haluin ito ng mabuti.

Pagkatapos, lagyan ng pampalasa gaya ng asin at iba pang pampalasa. Dapat nasa tamang dami lang ng asin ang ilagay para hindi maalat. Haluin ito ng mabuti hanggang sa maging balanse ang lasa nito.

IMG20220813124635.jpg

Ito ang ating dish para sa gabing ito, ang Ginisang Papaya na may kasamang Gata. Hindi magastos at masusustansya pa.

images(2).jpg

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong ibahagi ang 20% mula sa payout ng aking post sa @steemitphcurator.

1638606703422.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kung may gata dapat wag na sya igisa Kasi oily na sya pero kanya -kanyang style din Naman.

Yes ate.. Pagkaing samar kasi. 😂😂

Hmm ma try nga ito Kasi Ang Dami naming puno Ng papaya pinamimigay ko lang bunga.

Try mo ate. Promise, masarap siya. 😊😊

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08

Curated by @ashkhan

SteemCor07 - Lifestyle Curation Team

Thank you very much..

Inyo ning tanum dong? Nindota jud dha ba, presko na, super healthy pa!

Yes ate.. kining kapayas nga ako na harvest ron, na post ko ni diri once pero wala pay unod. 😊😊

Ako kasi mahilig sa gulay pero di ako.masyado.sanay.magluto kaya bilib ako sa maggaaling sa cooking hehe

Ehehe, mahilig gyud ko ug luto -luto ate..

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

Thank you very much.. 😊😊

Wow sarap naman neto....

Thank you po. 😊😊

Ay ang sarap! Kahit anong food basta may kasamang gata, swak na swak talaga.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

Luzon Mod
@kneelyrac

Tama ka ate.. maraming salamat po sa rate.. 😊