Magandang Gabi sa aking mga kababayan dito sa #steemitphilippines. Ako po si @mariarosa27 galing sa Visayas.
Nandito po ako para ibahagi sa inyo ang aking ikalawang entry para sa topic na ito , "Family Moments".
Ang aking Pamilya ang aking kinahuhugutan ng lakas sa tuwing ako ay nagtatrabaho, sa tuwing akoy gumagawa ng mga bagay bagay. Kami po ay nagtutulungan sa abot ng aming makakaya. Kami po ay apat na magkakapatid puro babae subalit yung bunso naming kapatid ay naging pariwara nuon kaya napunta sa masamang dinatnan. Siya po ay nagiging batang ina sa edad na 15. Nung una,kaming lahat ay nalungkot dahil siya ay batang bata pa at walang kinalaman sa pagiging ina ngunit in the long run, natanggap din namin. Sa kanyang pagiging barkadista, hindi na siya nakikinig sa kanyang pamilya mas pinili nya pa ang kanyang barkada kaysa sa amin. Labis ang aming lungkot na nadarama pero expected na namin ang nangyayari sa kanya at kahit hindi pa nangyari, tinanggap na namin. In fact, sa nakikita nyo sa picture, nung pagpanganak nya ay nandun kami lahat at excited na excited na makita ang bata. Ngayon po ay 1 year at 7 months na ang bata at sya ang kinagigiliwan namin ngayon. Isa rin ang bata sa kinahuhugutan ko ng lakas upang magtrabaho ng mabuti para makatulong din sa kanya balang araw.
Ngayon ay iisa lang kami ng tahanan pero yung partner nya ay nasa amin rin pero mag uwian lang every night dahil naghahanap buhay sa umaga. Masaya kaming pamilya sa iisang bubong. Nagtutulungan kami sa isa't isa everytime may problema lalo na sa pagbabantay ng aking pamangkin. Masaya din kami sa dinadatnan ng aming bunso dahil sa ganung paraan nagiging matuwid siya. Hindi na siya nag babarkada simula nung nagkaroon sya ng anak at nag fofocus na sya sa kanyang pagiging ina at itinutuloy nya ang kanyang pag aaral.
Sa bawat pagsubok ng buhay, kailangan nating tanggapin at hindi tanggihan lalo na yong pagkabigo ng isang tao dahil hindi natin alam yun ang paraan ng Panginoon para mabago sila. Hindi po tayo perpekto kaya dapat na tanggapin natin ang mga mangyayari sa ating pagkabigo sa buhay.
Maraming salamat po at magandang Gabi ๐
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.
@steemitphcurator
God Bless po!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Life-changing moment pag may sarili na talagang family. Keep up the good work. I'm happy that you were able to still join the contest.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes po mam @fycee ๐ pangalawang entry ko na po, salamat at nakahabol ๐
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sana yung baby mo naman makita namin sa susunod..๐
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haahahaha puhon sir kung makabuhi na ๐
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit