The Diary Game Season 3 | Nakaalis Kami ng Cebu Bago Naminsala Si Bagyong Odette

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang Araw sa lahat!

Kamusta po kayo? Marami akong mga nabasa na mga post dito sa ating community tungkol sa Bagyong Odette. Mga kapwas steemians na affected at nasira mga bahay dahil sa lakas ng bagyo. IT BREAKS MY HEART EVERY TIME MAKITA at mabasa ang mga post patungkol dito.

Hindi ko po alam kung matutuwa ako na nakaalis kami ng Cebu bago dumating ang bagyo o malungkot dahil sa nangyari. Ganun pa man ako po ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos na kami po ay ligtas pati na rin yung aming mga pamilya sa Cebu at Negros Oriental. Grabe ang pinsala na dinulot ng bagyong Odette.

NAKAALIS KAMI NG CEBU CITY BAGO DUMATING SI ODETTE

December 15 ng 11PM ang flight po namin papuntang Manila. Nakaplano na rin po talaga ang aming pag-alis. Ilang buwan pa lang bago December 15 ay nakabooked na po kami ng tickets. Plano kasi talaga namin na sa mga biyenan ko kami magdiwang ng kapaskuhan.

IMG_20211216_003234.jpg
Sa NAIA 3 December 16, 12MN.

December 16 ng gabi, nakikiupdate kami sa mga kapamilya namin sa Cebu at Negros kung ano na status doon. May mga natumba na daw puno. Nagliliparang yero. Hanggang sa nakatanggap kami ng tawag galing sa aming kapitbahay. Binabalita niya na malapit ng bumagsak ang tanke ng tubig ng aming kapitbahay sa nakaparada naming sasakyan. Sinubukan po niya na magpadala ng larawan sa gabi na yon pero hindi masyado kita kasi ang dilim ng paligid dahil wala ng kuryente. Alalang alala po sya para sa aming sasakyan. Naisip po namin ng asawa ko, kahit ano man mangyari sa sasakyan namin ay ipapasaDiyos nalang po namin. After ng pag uusap namin na yun ay nawalan na sila ng connection.

received_1974936386020609.jpeg
December 17 ng umaga, nakisuyo kami sa aming kaibigan na puntahan ang aming tahanan. At ito ang nakita niya. Malapit na nga bumagsak ang tanke.

received_430985331842386.jpeg

Inakyat po niya niya ito at nilipat sa ligtas na lugar para hindi bumagsak. Nacheck din niya yung bubong ng bahay namin. Wala naman daw po yero na natuklap. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos na niligtas niya kami at ang aming tahanan. Nagpapasalamat din kami na may mga tao na handang tumulong sa gitna ng kalamidad.

received_494315461945730.jpeg

Dalawang araw pagkatapos ng bagyo bago namin nacontact ang aking mga kapatid at ama sa Cebu at Negros. Salamat din sa Diyos na sila ay ligtas.

Nakikibalita kami sa kasalukuyan kung ano na sitwasyon doon. Nabalik na ang kuryente pero wala pang tubig. Problema pa nag mainum na tubig. Pero sana sa pagbalik ng kuryente ay babalik na rin ang supply ng tubig.

Decembet 24 na ngayon, kasalukuyan kami ay nasa Laguna pa ng aking pamilya. Umaasa ako na sa kabila ng mga pinsala na iniwan ni Odette ay maramdaman pa rin natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin.

Hanggang dito na lang po. Bihira na rin ako nagbibigay ng update kasi wala pong wifi dito sa bahay ng aking in lawas. Nagloload lang ako sa cellphone.

Merry Christmas po sa inyong lahat!

Love,
Met

me2selah.gif
Gif by @baa.steemit.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

God is good. Mabuti ar di nasira ang bobong bahay ninyo. Kung nasira at wala kayo, Manakaw lahat gamit ninyo.

Tama po kayo Nay. Yun pinagpray namin na d masira bobong. Kay basin pag uli namo hurot na amo gamit.

Praise God naisipan ninyong lumuwas agad agad.

Buti nga sis hindi nacancel yung flight namin.

Hello po, ingat po lagi..

Thank you po!

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

Thank you sir Long! Merry Christmas!

good thing dear at nakaalis kayo at di nyo naedperience ang hagupit ni bagyong odette and until now we are still suffering its effects

Oo nga sis eh. Kamusta na kayo?

super namomroblema kami ng tubig pang inom at panghugas at laba sis .. Malaki kasi pinsala ng bagyo

asa diay mo nanglarga sis?