ANG PAGHAHALINTULAD NG TAO

in hive-169461 •  4 years ago 

IMG20210415163204.jpg

Hello steemian , nais ko lang ihalintulad ang buhay ng isang tao sa isang puno.

Ang isang puno ay sumasalamin sa mga buhay ng tao. Bawat buhay natin ay kagaya ng isang puno, ito ay nagsisimula sa isang butil o kaya ay sa isang munting binhi. Ito ay unti -unting lumalaki hanggang sa ito ay ganap na maging puno may malalabay na sanga at mga dahon. Gaya ng isang puno , maari maging kapaki-pakinabang ang ating buhay habang sariwa at matatag pa ito. Laging isaisip na darating ang panahon na ang tao, tulad ng puno ay tatanda , matutuyo , at mamamatay. Mahalaga kung gayon na habang bata pa lamang ay gawing makabuluhan ang bawat sadali ng iyong buhay upang wala ka pagsisihan. At higit sa lahat ay nagawa mong kapaki-pakinabangan ang iyong buhay habang ikaw ay nabubuhay..

Ang iba nga ang buhay ng isang tao ay ihahalintulad nila sa kandila tulad ng:

"Ang buhay ng tao ay parang kandila habang umiikli'y nanatak ang luha ; buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda , ang luksang libinga'y laging nakahanda"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!