"The Diary Game Season 3 (10-15-2021) | LUMABAN, LUMALABAN, LALABAN"

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang hapon mga kababayan!

Noong nakaraang linggo ay ibinahagi ko sa inyo ang sitwasyon ng aking ina. Nais kong magpasalamat sa lahat ng nag upvote at sa comunidad mismo, marami maraming salamat.

IMG_20211015_090337.jpg

Nakalabas na kami ng ospital noong Miyerkules. Ang hirap ng sitwasyon noong araw na yon, nag grant sana ang DSWD ng financial assistance pero hindi sumang ayon ang mga doctor na yun ang gawing pambayad dahil matagal pa bago makuha ang kanilang pera, aabot pa raw ng dalawa hanggang anim na buwan kung papalarin, kung hindi ay aabot ng isang taon.

Honestly, naiintindihan ko ang rason ng doctor. Syempre may pamilya sila na kailangan pakainin at may mga responsibilidad din sa buhay kaya kailangan nila ng pera.

Mabuti nalang at may tumulong sa amin, isang staff ng hospital na may mataas na position. Inalok niya ako ng tulong, siya na raw ang bahalang kumombinsi sa mga doktor na kahit kalahati lang ang kanilang professional fee ang babayaran namin at ang iba ay hulog hulugan nalang.

Binigyan kami hanggang alas singko ng hapon, sa awa ng Diyos ay nakalimkom kami ng nga 50,00 at agad naming ibinayad upang maka uwi na ang aming ina.

IMG_20211015_092557.jpg

Ngayon ay naka schedule ang aking ina para sa kanyang follow up check up. Pumunta kami ulit sa ospital.

IMG_20211015_092026.jpg

Kinuha ko muna ang kanyang biopsy result at sa awa ng Diyos ay BENIGN ang resulta, hindi cancerous ang nakuhang cyst, cervix, uterus at fallopian tubes.

IMG_20211015_092149.jpg

Ang sabi ng doctor ay maganda ang ipinapakitang progress ng healing sa kanyang tahi kaya ipagpatuloy lamang ang pag inom ng kanyang mga take home medicines.

Mahaba-haba pa ang aming tatahasin. Pero alam ko sa sarili ko na kayang-kaya namin itong lampasan.

IMG_20211015_233324.jpg

Nanay duties muna ako ngayon dahil may lagnat ang aking anak. Magdamag na namng naka bantay baka umabot ng 39°C yung temperatura.

I would like to invite @vrein @aleph.null @foreveryoung to join me with this journey.

Hanggang sa muli,

Always,
@moonlight-shadow

#betterlife #thediarygame #philippines #steemexclusive #steemitphilippines #thediarygameph

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

pagaling po ang anak at nanay ninyo. Sending prayers foryour family

thank you so much po maam

laban inahan.

salamat maam..

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Featured Contest of the Week: Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding”

Greeting from Admin
@loloy2020

God Bless po!!!