Diary Game Season 3 | 01-12-2022 | Paghahanap ng Signal ng Telepono

in hive-169461 •  3 years ago 

Kumusta po,

Ibabahagi ko po sa inyo ngayon ang aming mga naging karanasan pagkatapos ng bagyong si odette. Dulot kasi ng malaking pinsala na dala nito sa aming lugar kaya matinding epekto talaga ang inabot dito sa amin. Tulad na lang ng pagkawala ng mga signal ng mga telepono at ng mga internet. Kaya kailangan talaga naming pumunta sa mga malalaking mga edepisyo at mga gusali na kung saan makakakuha kami ng aking asawa ng malalakas na signal ng komunikasyon.

20211221_074523.jpg

Kaya bago paman lumabas si haring araw ay kailangan na naming bumyahe sa lugar na kung saan ay malakas ang signal ng komunikasyon. Kailangan talaga naming pumunta ng maaga doon kasi marami-rami ring mga tao ang pumupunta doon para kumukuha ng sapat na signal ng telepono para makakuha ng komunikasyon sa bawat pamilya. At para iwas conflict din ng signal ay dapat maaga talagang pumunta doon para hindi buhol-buhol ang gamit ng aming telepono.

20211221_074355.jpg

Kasama kung pumunta doon ang aking asawa. At sabay na rin mamasyal para naman makakalimot sandali sa kalamidad na tumama at nangyayari sa aming lugar. Maganda rin naman talaga ang mga tanawin doon gaya na lang ng mga naglalakihang mga gusali at ang ganda ng paligid nito. At ang mga tanawin ng syudad na makikita na dahil nakakalbo na ang mga dahon ng mga punong kahoy dulot ng hagupit ng bagyo. Na kung saan makikita at nagpapahiwatig rin ang mabilis ng pag-unlad ng syudad. At ng dahil ng bagyo ay para bang dina-anan ng matinding demolisyon team para gumiba at wasakin ang nakapaligid na mga edepisyo at mga naglalakihang mga gusali.

20211221_074714.jpg

20211221_074657.jpg

20211221_074654.jpg

20211221_074444.jpg

At maaliwalas rin ang hangin tuwing umaga kaya't masarap talaga sa pakiramdam at nakakakuha ng stress ng kaunti. Para sa sandali ay nakakagaan ng kaunti ng mga pakiramdam at nakakalimot ng mga pangyayari na idinulot ng inang kalikasan. Pero wala na tayong magagawa nito at tanggapin na lang ang reyalidad ng mga pangyayari. At bumangon ulit at magpatuloy na harapin ang laro ng buhay.

20211221_074419.jpg

At ito po ang aking diary sa araw na ito. Hanggang dito na lang po at sanay magustuhan nyo at pagpulutan ng mga aral. Tuloy pa rin sa buhay!

#Pagbangon!

Maraming salamat po!

Inimbita ko po sina @amayphin, @hae-ra, @jeanalyn.

10% @steemitphcurator

🙏

@natz04

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!