Diary Game Season 3 | December 05, 2021 | Saturdate with Wify and Children

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Kumusta po,

20211114_155556.jpg

Medyo matagal-tagal na rin pong hindi nakapag sumite ng aking diary. Medyo busy lang ng ka-unti [weeeh] hahaha. At ngayon ibinabahagi ko po sa inyo ang aking munting diary chaar! Ang paglalaan ko ng oras sa aking pinakamamahal na pamilya sa munting nakasayan.

Sa tuwing araw ng sabado nakasanayan na talaga naming mamasyal. At magmuni-muni sa paligid ng malapit na subdibisyon sa aming lugar. Meron kasing lugar dito na kung saan doon maglalaro ang aking anak at ang kanilang mga kaibigan.

20211114_155407.jpg

Malaki-laki rin kasi ang lugar at sapat na para dun sila maglaro sa kanilang mga larong pambata. Katulad ng tagu-taguan, japanese game, baseball, luksong baka, chinese garter, tumbang priso, inday-inday at iba pa.

Bukod na ma-aliwalas ang lugar ay malayo rin sa maraming tao at pwedeng makapaglaro ang mga bata. Medyo bored na kasi ang mga bata sa loob ng bahay kaya't mas mainam rin na makapaglaro sila. Dulot kasi ng pandemya at ng modular classes ay medyo masyadong na busy rin ang mga bata. Maganda rin ang lugar at malinis at presko rin naman ang hangin. Maganda magmuni-muni sa paligid at mag-exercise. Kaya't laking tuwa rin nila na makapasyal kami dito.

20211114_154824.jpg

Makikita ko sa kanilang mga mukha ang saya na kalimita'y naramdaman ng mga bata. Na nakalabas ng bahay at nakapaglaro ng larong pambata. Takbo riyan, takbo roon! Talon diyan, talon doon! Akyat diyan, akyat doon! Ang sigla-sigla talagang tingnan. Hindi man nila masabi ang tuwa na kanilang naramdaman pero makikita ko talaga sa kanilang mga mukha. Nakaka-antig talaga ng damdamin na makita silang malayang nakalabas para makapaglaro.

Sa ganitong mga panahon ng pandemya ay hindi naging hadlang para makamit ang simpleng kasiyahan. Lalung-lalo na't para sa ikasasaya ng mga mahal mo sa buhay. Ang iyong naging pamilya, ang iyong asawa't mga anak. Gagawin talaga natin ang lahat para maging masaya ang ating mga pamilya.

20211114_154827.jpg

Sana'y makapagbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng may pamilya. At sa aking naging munting diary sa araw na 'to. Hanggang dito na lang po! Maraming salamat po!

Inimbitahan ko sina; @amayphin, @jeanalyn, @hae-ra.

Gumagalang,

@natz04

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang saya Naman dyan. Nakakatuwa Ang mga masasayang bata.

Nakagawas sa hawla friend 😁

ayyyy wow sir. nice jud kaayu ang bonding. 👏 lingaww kaayu mga bata.

Oh maam bonding2x pag may time 😃

Ka sweet sa duha! Sana all…😂

😍😍 oh daghan na kaayog hulmigas sa among kilid sir. Hahaha!👍👍