Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 - Ako at Ang Dalawa Kong Apo

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang gabi sa Pilipinas! Araw ng Biyernes , weekend na naman at hudyat ng kasayahan ng pamilya. Kailangan na maging masaya tayo palagi at huwag damdamin ang minsan pagsubok sa buhay. Mapalad kayo at malapit kayo sa pamilya .Samantala ako, tanging larawan lang ang kasama ko. Sa kabila ng lahat, kailangan ko rin na tanggapin ang lahat alang-alang sa kinabukasan.

Ang ibahagi ko ngayon ay ang larawan ko at ng dalawa kong apo.


inbound1391536915821017581.jpg

Araw-araw palagi ko silang kasama. Bumabawi ako sa panahon na wala ako sa piling nila.

Ang mga Apo ko

Si Iscia Dev Sales Boyles ay ang una kong apo na isinilsng noong Enero 24, 2016. Ang pangalan niya ay kombinasyon sa pangalan ng nanay kong si Isabelita Chatto Mejorada, (Is). Ang gitna na letrang (C) ay sa lola ko na si Concordia Chatto Mejorada, ang nanay ng nanay ko. Ang (IA) ay huling letra ng lola kong si Lucia Marimon Garay Castrojo. Ang Dev ay kinuha sa pangalan kong si Devorah at anak kong si Chrisdev. Naging Chrisdev din ang pangalan niya dahil Chrisanto ang ama ng anak ko at asawa ko na nasa langit na sa loob ng labinpitong taon na ang nakalipas.

Ang pangalawa kong apo ay ang may- ari ng @olivia08. Siya si Olivia Dev Sales Boyles na isinilang noong Marso 08, 2017. Nag celebrate ang Ate Icy ng birthday ng Enero sa unang kaarawan niya. At lumipas ang isang nuwan ay isinilang si Olivia Dev. Hindi biro ang pinagdaanan ng manugang ko kasi isang buwan makalipas isilang si Olivia ay pumunta dito sa Saudi.Arabia ang anak ko. Magbakasakali sana ng magandang buhay ngunit nangngulila siya da mga anak niya. Nakiusap ang anak ko na uuwi siya pagkatapos lumipas ang sampung buwan. Sabi niya na ayaw niya lumaki mga bata na maging katulad niya na wala ako sa piling niya at namatay pa papa niya. Masakit na sampal sa mukha ko ang salita ng anak ko kaya kahit malaki ang ginastos ko ay pumayag akong umuwi siya para sa mga anak niya. Naka swerte din at nakapagtrabaho sa munisipyo ng siyudad ng Panabo.

Kailan ito nakuha na letrato?

Ito ay kuha noong huling bakasyon ko. Pagsapit ng gabi, agawan na kung sino ang malapit sa akin matulog. Sa kanan kasi ay ang anak ko. Gusto din niya katabi ako sa pagtulog. Ang pasalamat ako na nakunan ko itong letrato at nakita ko sa gallery ko.

Sana maulit muli na ako ay buhay pa at makssama ko sila sa pagtanda ko.

Ngayon ay nag-aaral na sila at sa video call nalang kami nagkikita.

Hanggang dito nalang at maraming salamat #steemitphilippines at sa buong #steemit platform/blockchain.

Steem On and Keep Safe!

inbound6434253119025246479.gif

inbound7016530818653490484.gif
Gif credit to @gremayo & @baa.steemit

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Favorite gyud ang mga apo...

Lagi sister, lipay ko kay kita na ko ug apo sa akong panginadaron. Dalayvon ang Diyos

Auntie, murag tiod2 najud mo last nagkita saimu mga apo.

Yes, dagku na today..

Taud taud na jud intawon.
inbound3943205023728163906.jpg

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words441
8. No. of entries5th entry
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.5

Thank you so much