Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 - Pinakahuling Yakap ni Nanay Ko

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang umaga po sa lahat ulit.

Hindi na sana ako sasali at ang dami ko ng entry pero ito ay tanda ng pagiging massya ako sa nangysri sa community natin sa tulong ni @juichi @fycee @me2selah @jb123 at @loloy2020. Kay @kneelyrac at @long888, alam ko nasa busy pa kayo ngayon.

inbound7124101457921870136.jpg

Gusto ko talaga ibahagi at ipaalam sa buong mundo kung gaano ko kamahal ang lola ko na namatay na noong 2015. Noong 2014 umuwi ako dahil gusto kong makita ang katayuan nila matapos ang lindol noong 2013. Noong panahon na iyon ay pitong taon akong hindi nakauwi dahil sa pangangailangan namin . Si lola kasi ay bedridden at 9 na taon na siyang nasa bahay namin.

Ako ang panganay na apo nila at mahal na mahal ako. Nadarama ko talaga kong paano ako minahal nila at pinakita nila ang kakaibang pag-aruga sa akin. Naalala ko, pinaliguan ako ni Nanay ng tubig sa ulan para daw maganda ang kutis at buhok. Sinusubuan sa pagkain kahit ako ay malaki na.

Noong siya ay nagkasakit, sinusuklian ko lahat na kabutihan niya. Matagal na wala si lolo ko. Nanay at tatay tawag ko sa kanila both side ng mga lola at lolo ko. At sa magulang ko ay nanay at tatay din. Ngayon ang tawag ng mga apo ko sa anak ko ay tatay at nanay din. Feel ko kasi ang simpleng pagmamahal at malalim na kahulugan sa salitang iyan.

Noong umuwi ako 2014, ang saya ni lola Nanay ko. At noong ako ay paalis pabalik, ito ang huling yakap ni Nanay na hinding hindi ko makalimutan. At sinabi niya na alam na alam niya na iyon na ang huling yakap niya sa akin at papasalamat siya na hindi ko siya pinapabayaan sa loob ng 9 na taon sa diapers at quaker oats niya. Pag naospital siya. Kaya sila ang dahilan bakit hanggang ngayon narito pa ako dahil nabaon ako sa utang lalo na at sabay sabay sila ni Nanay ko na nagkasakit din. Pareho silang nabulag at pareho silang inaalagaan ni tatay ko noong 2014. Si Nanay ko nabulag noong 2015 pero ang lola ko ay matagal na.

Mahabang kwento at ayokong mauwi sa iyakan, kaya hanggang dito nalang. Hinahabol ko lang ito dahil nakita ko sa gallery ang alaalang dala ng huling yakapan namin ni Nanay Lucia. Nakita ninyo ang ngiti ko pero hindi ko lang pinakita kung gaano ako kalungkot para mabawasan ang sakit na nadarama ni Lola Nanay ko. Gusto kasi niya na hindi nalang ako aalis pero naunawaan niya ang financial na kakulangan namin lalo na dalawa na sila nag bedridden noon.

Maraming salamat sa inyong pagbasa at ninanais kong ibahagi ito para mapulutan ng aral kung paano natin kailangan magsakripisyo at paano igawad ang pagmamahal sa mga taong nagmamahal sa atin. Kahit kailan ay hinding hindi ko makalimutan ang mga taong nagpapahalaga sa akin kahit dito sa platform na ito. Hindi bali na wala ako basta sila mayroon.


Hanggang dito nalang.

Steem On and Keep Safe!

inbound1173238485926362112.gif

inbound3152889618720262315.gif
Gif credit to @gremayo & @,baa.steemit

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Mother should be invited to wear the hijab so it doesn't look aurat

Im so sorry for that. My grandmother was a Christian and I am living in Saudi Arabia for 23 years, I trained myself to have it.

Wow, ang bait mo naman nay bilang isang apo. 😊

Mabait pag tulog.. Mahal ko sila lahat.

Hindi ko po naranasan na makasama lola at lolo ko both sides. Namatay na sila noong baby pa ako.
Kitang kita po sa larawan na mahal na mahal nio ang isat isa.

Yes, met totoo yan. Noong 6 years old ako naalala ko at huling nakita ang lola ng lolo ko. Kumanta pa ako moon ng Ang gugma ni nanay.

Lola ng nanay ko ay namatay noong 13 yrs old ako.

Lola ng tatay ko namatay noong 15 yrs old ako.

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

Salamat ng marami

Makahilak man ta ani, Auntie ui. Gimingaw nuon ko sako lola. Mag 2years nami wala nagkita. Ako pod iya eldest na apo.

Yes, ken mingaw na jud kaayo.

Before the last breath occurred you were able to hug each other and it was captured in this photo, now shared here with us. Indeed a great bonding moment. Pag tiningnan mo yung photo na ito, may pitik sa puso. Naalala ko tuloy ang aking lola sa father side na ilang beses na nagsasabi sakin na puntahan ko sya sa batangas. haaaay

Kaya habang may buhay hwag natin sayangin ang panahon na hindi maibigay ang pagmamahal kasi pagdating ng araw maalala natin lahat.

You are an inspiration to everyone ate @olivia. I adore you for being a strong woman. You went through a lot in your life and you were able to survive it all.

Salamat na appreciate mo @juichi. Ganito ang design ng buhay ko.

  ·  3 years ago (edited)

Tumulo talaga luha ko kanina habang binasa ko post mo,,na miss ko tuloy Lola ko..

Pasensiya na talagang madamdamin ang lahat.. Hindi na sana ako magsubmit , sa kakakulikot da gallery nakita ko. Mayroon yakap ko ni nanay ko at yakap ni tatay.

PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words490
8. No. of entries4rth entry
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.5