Steemit Philippines Photography Contest| Week #1| August 6, 2021 - Makasaysayang Paglapag ng Eroplano sa NAIA|

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang gabi mga kababayan ko at sana ay maganda ang pangyayari sa araw ninyo at oras na nman para mamahinga sa pamagitan ng mapayapang pagtulog.

Bilang suporta sa paligsahan ng #steemitphilipppines at sa buong steemit, ako ay may ibang entry ngayong araw na ito.

Ang Paglapag ng Eroplano

inbound7775143813218890838.jpg
Ang masakit na katotohanan na ako ay pabalik na sa oras na yon noong February 2019. Masakit masakit mapalayo sa pamilya ay pilit kong tiisin alang-alang sa pamilya. Wala akong ginawa na para lamang sa sarili ko. Ayan ang katotohonan ng pagkatao ko. Hindi ako perpekto pero ginawa ko ang tama sa isip ko.

Ang erpoplano ito ay galing ng Davao International Airport pupuntang Ninoy Aquino International Airport. Maswerte na pinapayagan na kami na magkuha ng mga larawan kahit nasa himpspawid. Noon kasi, 5 years ago, hindi kami pinayagan. Kaya ako ay may alaala kung paano sumakay at bumaba sa isang eroplano.

Ako ay galing Davao airport. Inihatid ako ng anak ko, asawa niya at dalawa kong apo. Isang masakit na pamamaalam na walang katinuan kung magkita pa kaming muli. Sumakaybsa eroplanong ito sa umaga. Ang alis ko kasi papuntang Saudi Arabia galing Maynila ay sa hapon. Kahit may luha pero alang -alang sa kanila ako ay bumabalik pa. Yong pag-uwi ko na yon ay nangyari matapos ang limang taon na di ko sila nakita. Hindi biro.

Ngayon lumipas na naman ang 3 taon na hindi ako nakauwi. Namatay ang nanay ko pero hindi ako nakauwi dahil na rin sa pandemya.

Ang eroplanong ito ay Cebu Pacific galing Davao papuntang NAIA. Noong nakaraan galing ako ng Loo Bohol, sakay ako ng single motor pspuntang bayan.Sa bayan ay sumakay ng bus papuntang Tubigon at ako ay sumakay ng Fast Craft galing Bohol to Cebu. Pagdating ko ng Cebu, sumakay ako ng Philippines Airlines papuntang Cagayan Airport.

Galing Cagayan, sumakay ng bus papuntang Valencia Bukidnon. Valencia Bukidnon, sumakay ako ng single motor papuntang Natulinan. From Natulinan, sumakay ako sa sasakyan nila Sir Siniel pauwi ng Panabo.

Ilang beses aking sumakay ng eroplano pauwi at pabalik at itong nasa larawan ay madamdamin dahil galing ako sa anak ko at sa apo at ako ay pabalik na ibang bansa.

Sana ay nagustuhan ninyo ang larawang ito. Larawan ng aking inang bayan na aking nilisan para sa kinabukasan.Ang eroplano ay minsang kong pinangarap sumakay tuwing dumaan sa himpapawid noong akoy bata habang ako ay nasa sakahan namin. Hindi ko pangarap ang Saudi pero dito ako dinala ng tadhana ko. At narating ko itong lugar da pamamagitan ng pagsakay ng eroplano.

Maraming salamat!

Steem On!

inbound4209454962934377119.gif

inbound8891349201219438357.gif
Gif credit to @gremayo @ @baa.steemit

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hello po!!!,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating pinaka bagong Photography Contest.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

I always wanted to seat near the window too.
Pag uwi ko din galing Singapore mejo malungkot ako Kasi Hindi ako makapag ipon at Wala ako maiuwi samin kasi Hindi Naman kalakihan Ang sweldo ko that time.

At least nhayon dahil sa steemit.. Isa sa paraan naging cryptonaire.

At least nhayon dahil sa steemit.. Isa sa paraan naging cryptonaire.

Wow. Ang ganda naman ng view nay. Ganyan talaga ako kapag sasakay, gusto ko sa may bandang bintana para makalanghap ng hangin at makita ang mga lugar na dinadaanan ko. 😊