Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Pagmamahal Sa Pamilya

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang hapon po sa inyong lahat mga kababayan ko. Sana po ay nasa mabuti kalagayan kayong lahat. Sa ating #steemitphilippines community, sana ay mas maraming matulungan at bawat isa ay may supporta sa isat- isa.

Maraming salamat sa patimpalak na ito tungkol sa Larawan ng Kulturang Pilipino.

inbound1391893807672493191.jpg

Isa sa mga kahanga hangang kultura ng isang Pilipino ay ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Napaluha na naman ako habang nakita at naghahanap ng mga larawang kupas. Kupas man ito dahil mga larawan noong nakaraan at lumilipas ngunit ang tunay na kultura sa isang ama na nagmamahal sa pamilya ay hindi kumukupas.

Wala na ang aking ina at ito ang huling larawan na nakita ko kung paano minahal at inaalagaan ang aking bulag na ina. Dahil ako ay sabik sa kanila, minabuti ko ang paghiga sa maliit na papag ni Nanay ko. Dito ko siya huling niyakap at hinahagkan. Ito ang lugar na gusto niya dahil ang hangin ay dumadaan palagi. Ang aking ama na mapagmahal sa pamilya lalo na sa Nanay ko at sa Lola ko, ina mi tatay. Sabay-sabay silang nagkasakit at nabulag din ang Nanay ko tilad ng Lola Nanay ko. Walang ibang nag-aalaga sa kanilang kundi ang mapagmahal kong Ama. Sabay-sabay niyang ipagtempla ng gatas o Quaker oats sa panahon na yon.
Wala akong narinig na reklamo si Tatay at ang mahalaga ay papadalhan ko sila ng pera. Ang paglalaba sa mga gamit ng dalawang may sakit , pagpapakain 5 beses sa isang araw at pagpapaligo ay walang kasing mahalintulad na salita kung paano purihin ang aking ama.

Habang ako ay nagsulat nito ay pumapatak ang aking luha dahil aking naalala ito yong larawan na huli kong kasama dilang dalawa. Paano ko maisip sa pag uwi ko ay wala na ang aking ina?
Ang sakit ng aking nararamdaman pero masaya na rin ako dahil nagpahinga na si Nanay bago lumaki ang problema sa pandemya.

Ang pagiging mapagmahal sa isang pamilya ay isang malaking karangalan ng isang kulturang Pilipino. Ipagsisigawan ko po ang aking mahal na Ama. Siya ay nag-iisa ngayon sa amin sa edad ma 71. Sinasamahan din siyavsa mga pamangkin at kapatid ko.

Tanong ko po, mayroon pa ba kayang tao ngayon na mapagmahal sa asawa? Si tatay ang unang kasintahan ni Nanay at si Nanay naman ang unang kasintahan ni tatay.

Naalala ko sabi ni Nanay, "bago ako mamatay ay pakasalan ko ulit ang tatay mo", sabi niya..

At nangyari, January 12, 2020 , kinasal sila ulit sa golden anniversary sa kasal nila. Pagdatin ng Marso 03, 2020, namaalam si Nanay.

Ang huling oras sa kanilang pagsasama

Sabi ni tatay alas 12:00 ng tanghali, Bel,kain kana para makatulog tayo pareho. Kumain si Nanay at 1:00pm nakatulog xin si tatay. Pagkatapos kumain ni Nanay kasi sinusuboan siya ni Tatay. Bilin ni Nanay kain ka muna bago matulog. Kumain sinTatay at natulog. Bago daw natog di tatay ala 1:00 ng hapon , nakita niya si Nanay na mapayapang natulog. Hinalikan daw niya si Nanay at sabi Tuloy ka muna Do, mamayang gabi mapupuyat ka sa akin.

Pagising ni tatay alas 3:30 ng hapon, kasi pakainin na ulit niya ng quaker oats...😭😭😭 patay na si Nanay ko.

Inaanyayahan ko si @mers, @atongis at @zephalexia na sumali sa contest ma ito.

Maraming salamat

Steem On and Keep Safe!

inbound3568462245311638625.gif

inbound2500249499490667246.gif
Gif vredit to @gremayo & @baa.steemit

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/540 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Overall impact8.8
5. Quality of story8.5
Total Ratings/Score8.66

Salamat Dong

Ka biotan sa Tatay mo giasikaso niya two pasyente.

Op intawon sister pinkamahirap pag nagdudumi sila.

Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Over all impact9
5. Quality of story9
6. Total score8.8

Thank you @juichi. God bless

Welcome po nay.

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

Sobrang saya talaga

Nay nag sagot sa tanong mo ay meron pa. Meron pang taong mapagmahal sa asawa. 😊

Maraming salamat sa pagbahagi ng story ng magulang ninyo.

Hagahaha sure naa si Arjay

Hahahha

Ang ganda ng photo 😊😘

Salamat kaayo. Akong nawong murag puto.

Sweet moments 🥰

Very sweet moment na di makalimutan